*** Iniisip ni Erin kung panahon na ba para sumandal siya sa malapit na pader at dahan-dahang dumausdos habang nagdadrama. Kitang-kita niya kasi ang mahigpit na yakapan ng babaeng bagong dating at ng talanding si Adam. May nalalaman pa itong speech sa kanya pagkatapos ay bigay-todo namang makikipagyapusan sa iba! Wala pa man silang relasyon ay nagtataksil na ito!“Oh, you have company,” tila nahihiyang sabi ng babae nang mapansin siyang nakatayo malapit sa punching bag.‘Hindi. Extra lang ako rito. Taga-score at tamang timer lang sa higpit ng yakapan n’yo. Mamaya siguro puwede na ring killer,’ sagot niya sa isip. Sa halip na isatinig ang lahat ng iyon, kumurba sa nakatatakot na ngiti ang labi niya. Iyon ang ngiting nagsasabing dapat nang magtago ang babaeng nakadikit kay Adam ngayon kung ayaw nitong maospital.Nakipagngitian sa kanya ang babaeng walang pakiramdam sa madugo niyang balak. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa at hinatulan. Kulot: salot. Maputi: glutathione. Singkit
*** “What do you mean they’re still in my apartment? Anong oras na! Wala bang ibang mauusyoso si Tita Mildred at nakaabang pa rin siya sa apartment ko?” mataas ang boses ni Erin sa pagtatanong kay Aly na kausap sa cell phone .“Tito Ernie told her to wait for you. And they’ve been pressing me kung nasa’n ka raw. Nasa’n ka ba?” tanong ni Aly.Umirap siya at naiinis na pumalatak. May lahi talagang Paparazzi ang angkan nila.“At a friend’s house,” sagot niya sa pinsan. Nungka niyang sasabihin na nasa condo siya ni Adam. Kung malalaman nito at maidadaldal sa mga kamag-anak niya, baka tuluyang mapikot ang lalaki. Hindi naman sa hindi siya pabor kung mangyari iyon. But Adam makes her feel good about herself. Ayaw niyang maipit sa power-tripping at eksaherasyon ng pamilya niya ang bibihirang tao na nakapagpapagaan ng loob niya.“Sino’ng friend? The last time I checked, kaya ka nagtago rito sa condo ko ay dahil wala kang kaibigan,” sabi ni Aly. “Don’t tell me—”“Alyson, ’wag mong ipagdikdika
*** ‘Will I see you this time? Maaabutan ba kita? Maipapaliwanag mo ba nang maayos sa akin kung bakit ka umalis?’Panay ang tulo ng luha ni Erin habang ipit sa traffic ang taxi na sinasakyan niya. Napatingin siya sa tagiliran. Napasulyap sa unahan. Bumper to bumper ang mga sasakyan papunta sa Ninoy Aquino International Airport.‘Shit. Pang-teleserye talaga? Dapat siksik na siksik ng traffic ang sasakyan ko para may thrill ang habulan sa airport?’ asar na naisip niya habang maingay ang kalabog sa dibdib.Pakiramdam niya ay nasa eksena siya ng isang teleserye. Ito ang ending scene. Nawala nang matagal ang bidang lalaki pero tumawag sa bidang babae. Nagsabi ng maraming kalokohan para mawala ang sama ng loob ng ka-love team. Nag-I love you. ’Tapos, paalis na pala ’yong lalaki kaya naisipang tumawag. Nasa airport na para dramatic. Mag-iisip ang bidang babae kung susundan niya ang bidang lalaki—kung worth it ba’ng humabol at magbigay ng second chance. Malilito at magpapalit ng isip mula is
***“The number you have dialled is out of coverage area. Please try your call later.”Halos ibato ni Erin ang cell phone sa paulit-ulit na mensaheng iyon. Napapikit siya nang mariin, nalulunod sa sariling pag-iyak. Sinisinghot niya ang sipon na makulit na bumababa. Kagat-labi siyang lumabas ng NAIA at tumayo sa tagiliran ng isang coffee shop.Hindi niya magawang masalubong ang mata ng mga taong sigurado siyang nakatuon sa kanya. Takaw-tingin ang bagong biling dress niya na nagtutulo sa tubig-ulan. Pudpod ang takong ng sapatos na sumadsad sa kalsada sa paghahabol. Magulo ang buhok niya. Kalat ang make-up. Namumula ang mata. At kipit niya nang mahigpit ang basa ring shoulder bag.Hindi niya inabutan si Adrian. Ayon sa departure ay napaaga ang alis ng eroplanong bound to Madrid. Ampalaya ang ngiti niya. Nasaan ang Filipino time kung kailan kinakailangan? Bakit maagang umalis ang eroplano? It could have been delayed!Pinagmasdan niya ang langit na nagbubuhos ng sama ng loob. Brokenhearte
*** Pagdating sa sariling apartment ay sinapian si Erin ng espirito ng alak. Noong una, ang gusto niya lang sanang gawin ay magmukmok at mag-isip. Magse-senti sana siya at ngangawa nang walang humpay hanggang anurin ng luha niya ang lahat ng pait na kinikimkim. Pero matapos makipag-bonding sa tequila at magmulto ang mga alaala nila ni Adrian, pina-tumbling niya ang mga patungan, dekorasyon, sofa, mesa, magazine rack, telebisyon, kama, kabinet, at iba pa.Sa loob lang ng dalawang oras ay parang dinaanan ng delubyo ang apartment niya. At dahil napagod siya, nakatulog siyang luhaan sa sahig.Nang hapon na ay nagising siya sa pakiramdam na may nakatitig sa kanya. True enough, nang magmulat siya ay nakatutok nga ang malaking mata ng katarungan ng Tito Ernie niya. Kasama nitong nakatanghod sa kanya ang Tita Mildred niya at si Aly.“Bangon! We will talk,” sabi ng Tito niya.Napapakamot siya sa pisngi nang tumayo sa nilugmukan. Ano na naman kayang trip ng mga ito at nandoon na naman sa apart
***“Samahan mo akong mag-transform,” bungad ni Erin kay Aly nang pagbuksan ito ng pinto ng sariling apartment.Mulagat sa kanya ang kararating lang na pinsan. “Anong transform?”Nakangiti siya rito. Tinawagan niya ang pinsan para magpasama sa pagbabagong-buhay.“Please, come in,” aniyang niluwangan ang pagkakabukas ng pinto.“Teka . . . Nagwo-workout ka?” kunot pa rin ang noo nito nang hagurin siya ng tingin. “At pumayat ka? Nang very slightly?”Lumapad ang ngiti niya. Maluwag na kamiseta at maikling short ang suot niya. Nakapusod ang hanggang balikat na buhok. Tagaktak ang pawis niya sa pakikipagsuntukan sa punching bag na bigay ni Adam.“Idi-discard ko ’yong very slightly na comment mo para hindi ka tamaan ng init ng ulo ko. But to answer your question, yes, I am working out. And yes, I think ay pumayat nga ako.”Pumasok si Aly sa ap
***Narinig ni Erin ang pagbubukas ng lock ng condo ni Adam. Nasa loob siya at nakaabang. She was wearing her oversized shirt and lace panties. Hawak niya rin ang tray ng inilutong pagkain ni Aly. Pero siyempre, wala siyang balak sabihin kay Adam na hindi siya ang nagluto n’on.Akala niya, handa na siya. Simple lang naman ang iniisip niyang gawin: i-welcome si Adam mula sa pinto, iabot ang pagkain, at sabihin ang intensyong mag-thank you. Pero ilang ulit siyang nakipagtalo sa sarili sa iilang sandali ng pagtunog ng lock at pag-awang ng pinto pabukas.‘What intention? Intention to offer yourself? So cheap.’‘Thank you ba talaga ’yan? Bakit parang ikaw lang ang makikinabang? Humaba na nga ang buhok mo, mapapayapa pa nang bongga ang hormones mo dahil kay Papa Adam.’‘At pa’no kung hindi ka niya gusto? What if he rejects your offer? Kaya mo ba?’
***Erin tiptoed out of the bathroom. Sinilip muna niya ang nahihimbing na si Adam bago mapabuntonghininga. Makaaalis naman siguro siya nang hindi ito nagigising.Hindi pa klaro kung ano ang more than that na sinasabi ng lalaki, pero nanginginig na ang tuhod niya rito. Gusto niyang magpahinga. Hindi niya iyon magagawa kung lagi siyang sumisilab sa karinyo nito. His drive was unquestionable.Tahimik siyang lumabas ng banyo at patingkayad pa ring lumakad pababa na sana ng hagdanan nang—“Where are you going, sleepyhead?” makapal sa pagtulog ang boses na tanong ni Adam sa kanya.She turned around and smiled awkwardly.“Uhm . . .”Bumangon ito mula sa pagkakahiga. Dumulas naman ang manipis na kumot na nakatakip sa ibaba ng katawan nito. Walang kahihiyang inilantad ng kumot ang dapat ay nakatago.She stared at his thing. Umaga uli kaya mukhang may panibago iyong lakas mula sa paggising.