Share

Chapter: 13 Beer

***

Iniisip ni Erin kung panahon na ba para sumandal siya sa malapit na pader at dahan-dahang dumausdos habang nagdadrama. Kitang-kita niya kasi ang mahigpit na yakapan ng babaeng bagong dating at ng talanding si Adam. May nalalaman pa itong speech sa kanya pagkatapos ay bigay-todo namang makikipagyapusan sa iba! Wala pa man silang relasyon ay nagtataksil na ito!

“Oh, you have company,” tila nahihiyang sabi ng babae nang mapansin siyang nakatayo malapit sa punching bag.

‘Hindi. Extra lang ako rito. Taga-score at tamang timer lang sa higpit ng yakapan n’yo. Mamaya siguro puwede na ring killer,’ sagot niya sa isip. Sa halip na isatinig ang lahat ng iyon, kumurba sa nakatatakot na ngiti ang labi niya. Iyon ang ngiting nagsasabing dapat nang magtago ang babaeng nakadikit kay Adam ngayon kung ayaw nitong maospital.

Nakipagngitian sa kanya ang babaeng walang pakiramdam sa madugo niyang balak. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa at hinatulan. Kulot: salot. Maputi: glutathione. Singkit
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ylena
omaygaaaaasssss!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status