Share

The Heiress Revenge (TAGALOG)
The Heiress Revenge (TAGALOG)
Penulis: Docky

THR 1

"I hate my life even though I have all the things I need. At my age, I am not a believer of LOVE and LUCK." 

Klea Francine's POV

**Flashback**

KABABALIK ko lang from the States last week and a lot of things upset me already. Nakita ko na namang palihim na umiiyak si Mama habang nagluluto ng almusal. We have maids but she loves to cook our food. Lumakad ako ng dahan-dahan palapit sa kanya. I give her a back hug. Napansin kong pinunasan niya ang kanyang mga luha bago humarap sa akin ng nakangiti.

"Ma, you don't have to pretend in front of me. I know you're not fine. Si Papa na naman ba?" Mahinahon kong tanong habang hinahagod ang kanyang likod. 

Tumango lang siya ng nakangiti. Pinipigil pa rin niya ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Why don't you leave him? We can go back to the States together if you want." Suhestyon ko bilang nagmamalasakit na anak.

"Kung iiwan ko ang Papa mo, matagal ko na sanang ginawa anak. Mahal ko siya kahit na…" 

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya at tuluyan na ngang dumaloy ang luha niya.

"That's not love, it is called foolishness. Hinahayaan mo siyang gaguhin ka ng harapan. Kaya mo siyang iwan Ma, natatakot ka lang. Takot ka sa pagbabago. Takot kang mawalan. Takot ka sa sasabihin ng ibang tao at higit sa lahat takot kang mapunta siya ng tuluyan sa iba. Fear keeps you away from freedom and true happiness. Tama na Ma kasi ramdam ko na rin ang sakit na nararamdaman mo." Pangangaral ko sa kanya habang nanunubig ang aking mga mata..

**End of flashback**

PAPA is the reason why I don’t trust men. 

Hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang huling pag-uusap naming iyon ni Mama. She died from a heart attack. Kinimkim niyang lahat ang sama ng loob na meron siya and I despise my father and his mistress for giving her a miserable life.

"Tulala ka na naman diyan Klea. Ano na namang kalokohan ang iniisip mo ha? Palagi mo na lang dinala sa kahihiyan ang apelyido ng Papa mo!" bulyaw ng pangit at mahadera kong stepmom na si Matilda.

Inirapan ko siya pagkatapos ay nagsalpak ako ng headset sa mga tenga ko.

"BASTOS KA TALAGANG BATA KA!" galit na galit na sigaw niya. Nginitian ko ulit siya para lalong tumaas ang presyon niya. I loved to see her being annoyed, with her fake brows raised and with her green-eyed monster shoot daggers.

"Mommy ang aga-aga sumisigaw ka na naman. Hayaan mo na 'yang si Klea. She doesn't deserve your energy," sabat ni Erin habang tinititigan ako ng masama. Akala naman niya masisindak niya ako. Pwe!

"Ang mga taong kagaya nyo, hindi talaga kagalang-galang. Mga anay kayo na sumisira ng tahanan ng iba. Hindi maalam magbanat ng sariling buto kaya dumidikit na lang ng pilit sa iba. Mas masahol pa kayo sa linta." Harap-harapang patutsada ko.

Hindi na nakapagtimpi si Matilda at Erin kaya sinabunutan  na nila ako. Sobrang sakit na ng anit ko pero tuloy lang ako sa pagtawa. I won’t give them peace. Sila ang dahilan kung bakit namatay si Mama. Masaya na akong bwisitin sila araw-araw.

Nakita kong dumating si Papa. Naglupagi sa sahig 'yong dalawa at ako na naman ang pinalabas na kontrabida. These pathetic liar leeches! Pinapabalik ako ni Papa sa States pero ayoko. Hindi ko sila hahayaang maging masaya.

"Klea, ano na namang katarantaduhan ang ginawa mo sa Mommy Matilda at kapatid mo?"

"Hindi ko na ipagtatanggol ang sarili ko tutal hindi pa bumubuka ang bibig ko, alam kong sila na naman ang kakampihan at paniwalaan mo." Lumakad ako palayo sa kanila. Isinalpak kong muli ang headseat ko dahil alam kong magbubunganga na naman silang lahat.

Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad kong inalis ang headset sa mga tenga ko para matulog na sana. Napabalikwas ako nangu tumunog ang phone ko. Napangiti ako nang makita kong tumatawag si Shana - ang nag-iisa kong kaibigang babae.

At the age of twenty three, si Shana at Axie lang ang kaibigan ko because of my trust issues. I hate innocent faces because oftentimes, they turn out to be the rudest and worst people in the world.

"Babe, can we meet? Miss na kita," I said.

Hindi umimik si Shana kaya nagsalita na lang ulit ako.

"Nand'yan ba sa condo mo si Xynon? If he's there, okay lang. Bukas na lang ako pupunta."

Wade Xynon is her long time boyfriend. Kilala ko siya pero ayoko sa kaniya dahil isa siyang skirt-chaser pero sabi ni Babe Shana eh matino naman DAW.

"Wala siya rito Babe. I just called to say I love you. Thank you for all the happy memories.. for the trust. I will never forget that I have a bestfriend and a sister by heart like you. Mag-iingat ka palagi ha," malungkot niyang saad. Teka umiiyak ba siya?

"Eto naman! Para ka namang lilisan sa mundong ibabaw kung makapag emote. Ikaw talaga! Namimiss mo lang ako eh! Wait for me there okay? Naaalibadbaran ako rito sa bahay. Kung dadating si Xynon sabihin mo umalis muna siya, joke. Bye! See you Babe!"

I ended the call and found my way out of this prison. Actually, mas malala pa sa kulungan ang bahay na ito. I jumped off my car and started the engine. Yipee! I'm excited to meet her after long busy weeks!

Si Shana na lang ang kakampi ko sa buhay. Sa kanya lang ako open. She knows everything about me and I know everything about her. Sana hindi muna siya magpakasal sa long time boyfriend niya. Masaya ako para sa kanila ni Xynon.

Naririndi na ako sa sunod-sunod na pag busina ng mga sasakyan. Nakakairita na nga ang init, trapik pa. Nagpatugtog muna ako bago luminga-linga sa paligid. Sobrang haba na ng linya. Napatingin ako sa kabilang side ng kalsada, traffic din. Napangiti ako nang makita ko si Xynon sakay sa kanyang big bike na Kawasaki Ninja H2.. Mayaman talaga ang pamilya nila. Imagine yung sasakyan niya is worth 1.8 Million Pesos! Tatawagin ko sana siya nang bigla siyang humarurot. Galing siguro siya sa condo ni Shana. Okay na rin at hindi kami nagtagpo baka kasi magulat siya na bestfriend ko ang nobya nya.

Sa wakas after two hours, nakarating din ako sa condo ni Babe Shana dito sa Taguig. Mag-isa lang siyang nakatira rito kaya madalas dito kami tumatambay. Kumatok ako sa pintuan ngunit walang sumasagot. Sumigaw na rin ako pero walang nagbubukas ng pinto. Umalis ba siya? Pero kung aalis siya edi sana umangkas siya sa nobyo niya o kaya ininform man lang ako kasi alam niyang paparating ako. Tinry ko siyang tawagan pero unattended ang number niya. Medyo kinakabahan na ako kasi never siyang nagpatay ng phone at never ding na-drain ang battery ng cellphone niya dahil mag thirty percent pa lang ang battery life ng phone nya ay ichinacharge niya agad. Maya-maya pa ay may dumating na kapitbahay niya.

"Miss kapatid ka ba ng nakatira diyan?" Sabi ng isang matandang babae.

"Hindi po pero bestfriend niya po ako. Nakita nyo po ba siya? Hindi ko kasi siya macontact. Wala rin yata siya rito eh." Tugon ko.

"Isinugod siya sa hospital Neng. Natagpuan siya ng asawa ko diyan sa may corridor. Wala na siyang malay tapos bumubula ang bibig. May nagkalat ding mga gamot sa sahig. Dead on arrival siya. Sayang napakabata pa niya."

Natigilan ako sa sinabi ng matanda. Nanlamig ang buo kong katawan at nanghina ang mga tuhod ko dahilan para mapaupo ako. Matagal akong natulala at ilang segundo pa ay naramdaman ko nang basa na ang aking mga pisngi. Nanlabo na ang aking paningin dahil sa mga luhang walang humpay na umaagos. Bakit Shana? Bakit mo nagawa ang bagay na yon? Bakit mo ako iniwan nang biglaan?

****************

"I just shattered the cage I was living in.”

Wade Xynon's POV

Sa wakas! Matapos ang ilang linggong pag-iisip ay nakapagpasya na ako. Nilakasan ko na ang loob ko para makipaghiwalay kay Shana. I don’t want to be unfair with her so I chose to be transparent regarding my feelings. Hindi lang siya ang pinalaya ko kundi ang sarili ko. Ayoko nang masaktan pa siya dahil sa akin. Minahal ko naman siya pero siguro hanggang dito na lang talaga kami dahil may mahal na akong iba. Balak ko na ring mag propose kay Joanne.

Mabilis kong iniharurot ang aking motor palayo sa lugar na halos ilang taon ko ring naging tahanan. Shana is almost perfect and I don’t know why I suddenly lost interest in her. Siguro nanawa na ako at siguro kay Joanne ko nahanap muli ang sarili ko. Halos pareho kami ng sitwasyon. We have lost our loved ones unexpectedly and we have found comfort and home to each other. I hope that she will be able to find someone who’s better than a jerk like me. I sincerely wish her all the good things in life because she deserves it.

Napahinto ako ng bahagya nang makita ko ang mga pulang ilaw. Traffic na naman. Kahit naka big bike ako ay nahirapan pa rin akong sumingit sa mga sasakyan. Yung mga driver maiinit ang ulo kapag ganito kalala ang trapiko kaya mas pinili ko na lang na huminto. Napatingin ako sa kabilang kalsada. Ganon din. Trapik.

Nahagip ng aking mga mata ang isang pamilyar na mukha. Makinis ang kanyang mukha at may highlights ang kanyang buhok na kagaya ng kay Shana. Matangos ang kanyang ilong at may mga mata siyang nakakahalina. Nakita ko kung gaano siya kainis sa sitwasyon. Siguro nagmamadali siya at may importanteng pupuntahan. Tumingin siya sa kanyang cellphone at ngumiti. Tila na hipnotismo ako ng ilang segundo. Napakaganda ng kanyang ngiti; idagdag mo pa ang malalim niyang mga dimples. San ko nga ba siya nakita? Parang matagal ko na siyang kilala.

Napaiwas ako ng tingin nang makita kong nagmamasid-masid siya. Baka mapagkamalan pa akong manyak eh pero sabagay, ganon naman talaga ako haha.

Nang umusad na ang mga sasakyan sa harapan ko ay agad akong nagdrive ng mabilis. May check up ngayon si bunso at kailangan ko pa siyang ihatid kay Nurse Joanne.

Nadatnan ko si Papa na balisa at palakad-lakad sa labas ng aming bahay. Ano na namang gusot ang pinasok ng matandang to?

“Deja de caminar Papa!” Suway ko sa kanya. Wala akong lahing espanyol pero dahil ilang taon din ako sa Spain eh natuto ako kahit papaano ng kanilang lenggwahe.

“Wag mo akong gamitan ng Spanish language kasi itatranslate mo lang din naman. Mapapagod ka lang," komento ni Papa habang umuupo sa couch sa may veranda.

“Ang sabi ko tumigil ka kakalakad. Ano bang problema at tila hindi ka mapakali Papa?” kunot noo kong tanong sa kanya.

“Kailangan kasi nating makabayad na ng one hundred fifty million kina Emil kung hindi eh kukunin nila tong bahay natin pati mga sasakyan at kumpanya natin,” nakayuko niyang saad.

“CIENTO CINCUENTA MILLONES?” gulantang kong sabi habang nanlalaki ang aking mga mata.

“Lumaki nang lumaki kasi anak ang interest eh. Natatakot naman akong magsabi saýo kasi alam kong busy ka sa negosyo natin simula noong nawala ang Mommy mo. Alam ko rin na stress ka na dahil hindi mo naman forte ang magpatakbo ng kumpanya. Sorry anak. Si Emil lang kasi ang alam kong pwedeng lapitan noon eh," paliwanag ni Papa Wensley.

“Etong motor ko ibenta ko na lang 1.8 Million din to. May cash on hand pa akong five million at may emergency fund akong ten million. Ang company natin may profit last year na fifteen million at may cash in bank na …” Napatigil ako saglit sa pagkukwenta. Napamura ako ng malakas. Kulang na kulang ang pera namin sa mga utang ni Papa.

“Magkano ang principal (halaga ng inutang)?” inis kong tanong sa kanya.

“One hundred twelve million. Ayan lahat ang nagastos natin sa pagpapagamot sa Mommy mo at kay Waine. We have spent so much to make sure that they will survive. Unfortunately, si bunso lang ang nakaligtas," panghihinayang niya.

“Waine is priceless. Don’t say ANYTHING that will make him think na sana pinabayaan na lang natin siyang mamatay," mahina kong sambit.

Waine and Mommy underwent intestinal transplant last year. Sobrang costly ng medical procedure and medicines kaya napilitan si Papa na mangutang sa isang Mafia Boss. Tinaningan na rin ng doctor ang buhay ni Waine. He only has four more years to live at ayokong maging masalimuot ang mga natitirang taon na iyon. Kailangan kong gumawa ng paraan para mabayaran si Emil bago pa kami pulutin sa lansangan.

Komen (4)
goodnovel comment avatar
RIAN
kagigil tlaga
goodnovel comment avatar
Glenda Doctor
ang ganda nito!
goodnovel comment avatar
Julia
Interesting! Magiging sila ba ni Wade?
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status