Share

Chapter 4 "Ang Pagikot ng Mundo"

Papasok na sila ng Laguna, ganun na kalayo ang nabiyahe niya kaya mas lalong dumilim ang daan ng dalaga.. dinidikdik siya ng motor siklo at binubunggo naman ng kotse sa likod.. madalang ang sasakyan dahil halos alas 3 na din ng madaling araw kayat hindi makatawag ng tulong ang dalaga..

Hindi niya mabitawan ang manibela at nasa bag niya ang kanyang cellphone na nasa backseat naalala niyang doon niya ito hinagis matapos matakot sa sumusunod sa kanya at ngayon ay pinagsisisihan niya iyon. Kinorner na ng mga taong nakamasksra ang dalaga. ginitgit na talaga siya.

Nakita ng dalaga na bubunot ng kung ano ang lalaking nakamotor kaya ipinikit na lamang ng dalaga ang mga mata saka buong pwersang pinaandar ng mabilis ang kanyang sasakyan at kinabig pakaliwa. Sapat ang bilis ng sasakyan para mag crash ang sasakyan niya at ang motorsiklo.

Tumilapon ang nakasakay dito at nakaladkad naman niya ang motor nito .Inatras ng dalaga ng mabilis ang kotse at nabangga niya ang sasakyang itim kaya lang ay gumanti ito at binangga rin ang dalaga sa likuran. Dumere deretso ang dalaga, nawalan ng kontrol sa manibela nahilo kase siya sa lakas ng impack ng pagkakabundol sa kanya at tumama ang ulo niya sa manebela.. Pinipilit ng dalagang kontrolin pa ang manibela at ang preno ng kotse pwro tila nasora na nito.. 

Dalawa lang ang pwedeng pagpilian ng dalaga ang ikabig ito sa kanan at magpatihulog sa bangin na puro bato at puno o ikabig sa kaliwa na tila tulay at may mga bahay na maliliit at tila isang squater area.

Muling umugong ang sasakyan sa likod nya at binunggo muli ang sasakyan ni Yvone .dalawa lang ang maaaring mangyari . patayin siya nito o pasabugin ang sasakyan niya para mag mukhang aksedente . Parang alam na niya kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Muling binundol ng itim na kotse ang sasakyan ng dalaga mas bumuwelo ito sa pagkakataong iyon dahil umatras pa ito ng halos isang diba.

Huli na bago pa makapag isip ng tama ang dalaga binunggo na siya ng pagkalakas lakas . at muling sumalpok ang ulo ng dalaga sa manibela at kumanto pa sa gilid ng sasakyan . 

Hindi namalayan ng dalaga na nakabig niya ang manibela pakanan at tuloy tuloy na nahulog ang sasakyang ng dalaga sa tulay. Lagabog ng sasakyan at mga tama sa ulo ang naramdaman ng dalaga hanggang ang pinakahuli ay halos nagpalabas sa kanya sa salamin ng kanyang sasakyan. 

Napakakirot ng ulo ng dalaga ramdam niya ang kirot sa ulo at sa nuo.Madilim ang lugar at wala siyang maaninag pero nakita niya sa itaas na nakasindi ang ilaw ng sasakyang bunggo sa kanya,

Hinahanap ng dalaga ang kanyang cellphone pero hindi niya ito makita .. tanging ang pouch niya ang kanyang nakita..pinilit niyang makawala sa kanyang seat belt at pagkakaipit sa nagkanda sira sira niyang sasakyan halos pataob ito.

Maya maya ay nakarinig ng spark ng apoy ang dalaga at naamoy niya ang malakas na amoy ng gasolina Kinilabutan si Yvone, ganito ang mga eksena sa pelikula tapos ay masusunog ang mukha niya at hindi na siya makikilala kaylan man. Nanginginig ang kamay ng dalagang hirap na hirap tangalin ang seat belt.

"Oh God .. Oh, God Please help me.. Help me!" dasal ng dalaga. Hindi siya makasigaw. Hindi niya gustong ipaalam na buhay pa siya. Labis labis ang dasal ng dalaga. Tila sinagot naman ng diyos ang dasal ng dalaga dahil sa sandaling nakalabas ang dalaga ay siya namang pag apoy ng sasakyan.

Pinilit ni Yvone makalayo kahit ika ika ang dalaga wala pang tatlong metro ang layo ng dalaga ng makarinig siya ng malakas na pagsabog. Pinilit makalayo ng dalaga dahil baka makababa ang humahabol sa kanya at makitang wala siya sa loob. Labis ang pagsisisi ng dalaga na hindi nadampot ang kanyang pouch bago man lang makalabas.

Hindi rin niya malaman kung saan ba napunta nag cellphone niya ang alam niya ay sinuksok niya sa pouch maaaring sa sobrang kaba ay nailapag niya sa upuan at nahulog na sa paulit ulit na bluindol sa sasakyan niya. Humanda sa kanya ang mga taong may pakana ng nangyari sa kanya ngayon alam na lama niya kung sino ito. Napunta ang dalaga sa isang masukal na lugar , mabato , madamo at tila isang basurahan pa nga .. maputik mamasa masa hindi niya kase makita ang daan.

Madilim pa ang paligid. Pero wala siyang pakialam basta patuloy silang ng lakad takbo makalayo lamang sa lugar .. hanggang mapadako ang dalaga sa isang pader na lagpas ulo niya lamang.. un lang ang mababang pader na naaninang niya.  Karamihan ay mataas na halos ay dingding mismo ng bahay at sarado ang mga bintana .. gustong sumigaw ng saklolo ng dalaga pero walang ng lumalabas sa bibig niya at naramdaman na niya ang pagod.

Nanghihina na siya at nahihilo na talaga parang ilang sandali ay mawawalan na siya ng malay hindi na ata niya kaya. naghahalo an kirot ng ulo niya at panginginig ng kanyang mga tuhod. Kinapa niya ang likod ng ulo may sugat siya doon halos basa na din ang tshirt niya sa may dibdib malamang dahil sa tulo ng dugo at pawis hindi na niya mapagtanto pa madilim at pinanghihinaan na talaga siya ng loob.

Wala ng mapagpipilian ang dalaga. Lumingon siya sa pinagmulan malakas pa rin ang apoy..Nahihilo na ang dalaga at ayaw na niyang tumakbo pa napakalayo ng iikutin niya kung susundan niya ang pader .. pabalik lang sa pinang galingan ang maaari niyang gawin o umakyat sa bakod na ito ng makatawid sa kabila at baka may mahingian siya ng tulong.

Hindi na nagdalawang isip ang dalaga . ginamit ang kahuhi huli hang lakas at inakyat ang pader. Nasa ibabaw na siya ng pader nang makaramdam siya nang lula at kirot sa ulo at tuluyan ng unti untong nawala sng uñirat ng dañagsabuti na lamang at padaus dos na nahulog ang dalaga sa pader pababa sa kabila bahagi.Nanalangin na lamang an dalaga na nawa ay bigyan pa siya ng pagkakatoan mabuhay. Gusto pa niyang mabuhay. Sumagi sa balintataw ni Yvone ang larawang ng ama at ng Ina.

"Dad! Dad I'm so sorry, balang araw  dad you will know. Mom ..Mom help me help me please" dasal na lamang ni Yvone habang nakiktia ang sariling hirap na hirap na.

Walang malay na bumagsak si Yvone sa isang masukal na likod bahay, may sampayang alambre at may maliit na lamesa ng kahoy at saka sirang upuang plastic.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status