Share

Mang Nardo is in danger

Tahimik akong naghihintay na matapos ang buong araw na ‘to, nakahiga lang ako sa kama, nakatutok ang mga mata sa kisame, nag-iisip. Alas sais pa lang ng gabi kaya mamaya ay tatawagin pa ako para mag dinner. Sadyang nakakabagot ang araw na ito, pero dahil sa tinatamad din akong lumabas ay tiniis ko ang presensya ng lahat na nasa bahay.

Toot!

Hmp? At sino naman ang magtetext ng ganitong oras?

[Joker

Pre, labas tayo bukas sama ka ba sa amin ni Janice? Pupunta kaming park after class.]

Hindi ako nagreply, ano ba ang balak niya gawin akong alalay sa date nila?

Toot!

[Joker

Huwag mong isipin na gagawin kitang alalay. May makakasama ka naman kasi inimbitahan ni Janice si Alliyah para naman mas masaya.]

“What?” Tsk. Ano naman ang balak nila sa isang ‘yon ngayon?”

Inilapag ko na ang cellphone, tumayo at pumuwesto sa harapan ng study table ko. Sa sobrang boredom ko ay naghanap ako ng libro na puwedeng mabasa. Isang komiks na naipit sa pagitan ng ilang educational books ang naha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status