Share

Chapter 25

KONTING damit lang naman ang pinamili ni Kira. Mas marami siyang nabiling pagkain at gamit ni Dimitri. Binilhan niya ito ng mga ternong pantulog at underwear na dalawang dosena. Binilhan din niya ng bag si Shaira.

Pag-uwi ng bahay ay inilatag niya sa sala lahat ng kaniyang pinamiling damit. Sinamahan naman siya roon ni Manang Sonia dahil wala pa si Dimitri. Ang saya niya sa bagong damit na magagamit niya sa taglamig.

“Kasya kaya ito kay Dimitri, Manang?” tanong niya sa ginang. Iniladlad niya ang hawak na sweater na itim para kay Dimitri.

Tila hindi siya narinig ng ginang at tulala itong nakatitig sa itim na t-shirt na binili niya para kay Dimitri. Hinahaplos nito ang damit. Nilapitan niya ito at sinilip ang mukha.

“Bakit ka po malungkot, Manang?” tanong niya sa malamyos na tinig.

Kumislot ito at tumitig sa kaniya. Saka lang niya napansin na mamasa-masa na ang mga mata nito. Dagli nitong kinusot ng kamay ang mga mata at napasinghot.

“Wala ito, Kira. May naalala lang ako,” anito s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Eva Pante
love the novel
goodnovel comment avatar
Rhod Selda
sana all may dilig haha
goodnovel comment avatar
josephine 💚
kaw Kira laging may dilig
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status