"Genesis Gevorgian, it's a pleasure to finally meet you." Inilahad ni Delilah ang kanang kamay sa lalaking kaharap.
Nag-aalangan man, tinanggap ni Genesis ang pakikipagkamay ng kanyang sister-in-law. "I'm pleased to meet you too...? ”
“Delilah Gevorgian,” magalang na sagot ng babae.
“Right! Delilah, it was nice to meet you.”
"Would you kindly excuse him? There are some investors who want to speak with Genesis." Biglang singit ni Nathaniel. Binitawan naman agad ni Delilah ang kamay ni Genesis, ngunit nanatiling nakahawak sa kamay ni Delilah si Genesis.
“Genesis,” pabulong, ngunit may diin na pukaw ni Nathaniel sa kababata, para kasing lumutang na naman kung saan ang isip nito. “Bitawan mo na ang kamay, ‘di mo asawa ‘yan.”
Natauhan si Genesis. Sunod-sunod ang ginawa niyang pagkurap, at nang ma-realize na nakahawak pa rin sa asawa ng nakababatang kapatid ang kamay niya, tila napa
Naghuhugas ng kamay niya sa basin si Delilah nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto ng restroom. Hindi niya iyon pinansin sa pag-iisip na katulad niya ay gagamit lang ng lavatory ang bagong pumasok, ngunit nang matapos at harapin niya ang pinto, nagulat siya dahil ang nakatatandang kapatid pala ng asawa niya ang naroon; nakasandal ito sa nakasarang pinto. “Genesis, what are you doing?” mapaghinalang tanong ni Delilah sa lalaki. “Sorry, but I need to confirm something. Can you show me your face?” “What? No.” “...” “Let me through, Genesis.” Nakatayo pa rin si Delilah sa harap ng brother-in-law. Halos isang dipa ang layo niya mula sa lalaki, at sa pintong nasa likod nito. "I'll let you go after you show me your face. This won't take long; all I need is to see your face." Umatras ang babae nang humakbang si Genesis palapit dito, umangat ang kamay niya at handa nang tanggalin ang suot nitong maskara nang sa isang kisapmata ay bumagsak si Genesis sa sahig at nakaupo na si Delil
Naging matagumpay ang ginanap na event ng kompanya kahit pa bigla na lang nawala si Genesis sa kalagitnaan ng piging. Salamat kay Nathaniel na sumalo sa trabaho niya; ang siyang humarap at nag-entertain sa lahat ng imbitadong investors at bigating shareholders. Hindi alam ni Genesis kung saan siya pupulutin kung wala sa tabi niya si Nathaniel.Dalawang araw na ang lumipas, at naging maayos ang takbo ng trabaho ni Genesis sa kompanya. Sa mga araw na nagdaan, ilang hotel branches nila sa Luzon ang kanyang binisita kasama pa rin si Nathaniel, at sa susunod na linggo naman ay nakatakda siyang bumisita sa mga hotels nila sa Visayas.Bagamat aktibo sa kanyang trabaho, hindi magawang iwaksi ni Genesis ang tagpo sa pagitan nila ni Delilah. Nakatatak pa rin sa isip niya ang kanyang mga hinala’t-kutob, kahit pa may mga sandaling napapatunayan niyang hindi ito si Lucky, hindi tuluyang humupa ang hinala ni Genesis.“Enes, bad news!” Humahangos na wika ni N
Umuwi ng maaga si Genesis at binasa hanggang madaling araw ang librong sinulat ni Armageddon, at kumbinsido siyang kilala niya ang writer. Hindi sapat ang limang taon para makalimutan niya ang writing style ng matalik na kaibigan, at kung hindi nga si Apocalipsis ang writer na si Armageddon, ang ibig sabihin lang ay maaring tama ang hinala niya.Kinabukasan, maaga niyang tinawagan si Nathaniel upang ayusin ang meeting niya sa tunay na Armageddon. Positibo naman ang tugon ng kabilang panig, pumayag si Armageddon na makipagkita sa kanya after lunch break."Do I look good?" tanong ni Genesis, ang tingin ay nasa maliit na salamin ng sasakyan."Seriously? Ilang beses mo bang tinanong ‘yan ngayong araw? Ano ba ang nakain mo't panay ang tingin mo sa salamin?" Pinaningkitan siya ng mata ni Nathaniel. "H'wag mong sabihin pomoporma ka dahil kay Armageddon? For pete sake! Wala namang basehan iyang mga kutob-kutob mo, Enes!""Hindi lang ito kutob, Niel."
Lumabas sa isang cubicle ang isang babae na may parehong kasuotan ni Delilah. Tipid siyang ngumiti at tinanguan ang babae. "You're just like my carbon copy. Ikaw na ang bahala, Megumi.""Understood, Ma'am." Mabilis na tango ng babae, nag-paalam ito bago siya iniwan sa loob ng restroom.Pumasok si Delilah sa cubicle kung saan lumabas si Megumi, nanatili siya roon ng ilang minuto, at lumabas lang nang makatanggap na siya ng mensahe mula sa assistant. Inayos muna niya ang sarili at tinanggal ang mga takip sa mukha; shades at facemask, bago tuluyang lumabas ng restroom.Mula sa loob ng restaurant, nakita niyang pumasok sa isang itim na sasakyan si Genesis. Dali-dali siyang naglakad palabas ng restaurant at tumayo sa entrance, tinanaw ni Delilah ang papalayong sasakyan. Saglit lang din siyang nakatayo doon dahil pumasok agad siya sa itim na van na pumarada sa harap niya. Mabilis namang humarurot paalis sa lugar ang naturang van."How was it, Megumi?" tanong ni
"Bye Chii, pakabait ka kay Daddy Psalm, ah?" Bilin ni Delilah, at hinalikan sa pisngi ang anak. "Ikaw na ang bahala kay, Chii.""Of course, Ma'am...""Pslam, kailan ka ba masasanay na tawagin akong Delilah?" naka-pout na tanong niya at mahinang tinampal sa maskulado nitong braso ang kaharap na lalaki."Kapag hindi niyo na ako tinatawag na, honey..." Napalatak na tumawa si Lucky sa sagot ng malapit na tauhan. Right! Madalas niyang tinatawag na honey si Psalm para asarin ito. Noong mga buwan kasi na buntis pa siya kay Chii hindi siya palaging nasasamahan ni Apocalipsis dahil sa mga importanteng ginagawa ng kanyang asawa. Madalas si Psalm ang kasama niya sa check-ups at grocery, at madalas silang napagkakamalan na mag-asawa, at doon na nga nagsimulang tuksuhin niya si Psalm sa pagtawag dito ng 'honey'."Right. I'm sorry, sige-sige. Pag-aaralan kung huwag ka ng tuksuhin.""Kailangan na po nating umalis," bulong ni Megumi mula sa likuran ni Delilah. Mul
"H-how are you?"Tumaas ang isang kilay ni Lucky. "Really?" Umalis siya sa ibabaw ni Genesis at tinulungan ang binata na tumayo. "Iyan talaga ang itatanong mo?""Aw!" munting d***g ni Genesis nang kumirot ang likod. "F*ck! Ganito ka na ba bumati ngayon?" palatak niya, ang ginawang pagbalibag ni Lucky sa kanya ang tinutukoy."Sorry about that," paumanhin ni Lucky at inayos ang lumihis na topper niyang suot. "I just want to surprise you.""I am!"Lucky chuckled. "Well, what can I say? I'm skilled now.""Do you have a moment? I want to talk to you about many things, over a coffee?" Hindi tinanggihan ni Lucky ang alok ni Genesis. Nagtungo sila sa nag-iisang coffee shop sa tapat ng building, at nang pareho na silang nakaupo hindi na nagpaliguy-liguy si Genesis."I want to see my son.""Ah-huh? And what makes you think na may anak ka akin?" mataray na sagot ni Lucky.Saglit na natigilan si Genesis. Ngunit higit kanino man siya ang nakakalam ng totoong nangyari noon, and he was one hundred p
"How was it?" tanong ni Apocalipsis, inisang inom nito ang natirang alak sa hawak na baso. Nagkita sila ng lalaki sa isang resto-bar, pinagbawalan kasi niya itong uminom sa bahay dahil naroon ang anak nila. "The second phase of our plan was successful. Where now on the third phase," sagot ni Lucky sa asawa. "Great! Hihintayin na lang natin ang maging pasya niya." Hindi nagsalita si Lucky. Binigyan siya ng bartender ng cocktail drink at natulala na siya inumin. Hindi niya makalimutan ang naging pag-uusap nila ni Genesis. Ilang beses raw nitong sinubukan na magtapat sa kanya pero nadadaig ito ng takot sa sariling pamilya. Kumunot ang noo niya. Nag-angat siya ng tingin sa lalaking katabi. "You never told me your reasons Apo," panimula niya. Nabitin ang pagkuha ni Apocalipsis sa katabing bote para sana magsalin muli ng alak. "Alam kong malaki ang galit mo kay Genesis dahil sa pagkamatay ng kapatid niyo, but you never told me the details. Paano
“Good morning, ma’am!” bati ng security guard ng publishing house nang pumasok si Lucky, nakasunod sa kanya ang asawang si Apocalipsis. “Ma’am, meron po pala kayong bulaklak dito.” Kinuha ng guard ang isang bouquet ng halo-halong uri ng bulaklak; White Tulips, Lily of The Valley, at Blue Hyacinths. “Hindi po nagpakilala ang nagpapabigay pero nakalagay naman po ang pangalan niyo.” Tinanggap ni Lucky ang bugkos ng bulaklak. Tinitigan niya ang napakagandang bouquet ng bulaklak, pagkatapos ay malakas na tumawa. Seriously? Hindi niya alam na kayang maging corny ng lalaking iyon. “What’s the matter? May nakakatawa ba sa bulaklak?” tanong ni Apocalipsis. Ang tingin ay nasa mga bulaklak rin, hindi maganda ang timpla ng mukha nito dahil sa bouquet na hawak ng asawa. “Nah~ Nakakatawa lang kasi. All of this are ‘I’m sorry flowers’, ano ang tingin niya sa ‘kin? Basta na lang magpapatawad dahil sa isang bugkos ng bulaklak?” Palatak ni Lucky ngunit hindi napigilan an