Share

02: Absurd Proposal

“You’ve mistaken me for someone else.”

“Really?” Ngumisi siya na nagpataas ng mga balahibo ko sa katawan. “Then, maybe nagsayang lang ako ng pera? What should I do? You already know my place.”

Inabot niya ang maliit na cabinet sa tabi ng sofa at nanlaki ang mata ko nang makitang may hawak na siyang baril. Ikinasa niya iyon bago itinutok sa noo ko. Ilang segundo pa kaming nagsukatan ng tingin bago ako mapabuntong hininga.

“Shouldn’t you be a little more scared right now?” tanong niya ngunit hindi ko iyon sinagot.

“So? Are you a cop? A spy?”

“Okay fine, let’s just say na detective nga ako. Are you satisfied? Now, untie me.” Ibinaba niya ang hawak na baril kaya naman umalis na ako sa pagkakaupo sa kanyang hita at sinamaan ito ng tingin.

I’m part of secret organization called Phantom... We always do uncover, patagong kumikilos, nag-iimbistiga, kumakalap ng impormasyon at kung kinakailangan pumatay ng kriminal ay hindi kami nagdadalawang isip. I can be a spy, a cop, detectiveㅡdipende sa trabahong ibinibigay sa akin kaya hindi ko pwedeng i-reveal kung ano talaga ako ng basta-basta sa kung sino. Malalagay sa alanganin ang buong organisasyon kapag nagkataon.

“Don’t tell me hindi ka lang bastang detective?” may kung ano siyang kinuha sa drawer malapit sa T.V at maya-maya pa ay lumapit siya sa akin para putulin ang zip tie sa palapulsuhan ko. And at that exact momentㅡI impulsively pin him down.

“Is that how you say thank you?” Nakangising tanong nito, hawak ko ang dalawa niyang braso habang nakaupo sa ibabaw niya. Wala na akong pakialam kung lingerie lang ang tanging suot ko.

“Darling, violence won’t solve anything. Let’s just talk.” Mabilis siyang nakawala sa pagkakahawak ko at walang kahirap-hirap akong inikot, dahilan para magkapalit kami ng pwesto. Siya na itong nasa ibabaw at hawak niya ang dalawang kamay ko sa itaas ng ulo ko gamit lang ang isa niyang kamay. Damn! He’s strong.

“Ooh, what a sight.” Sinamaan ko ito ng tingin at buong pwersang tinuhod ang pagkalalaki nito. Malakas siyang napamura bago may kung anong hinugot sa likuran ng kanyang pantalon, in just blink of an eyeㅡnatutukan na niya ako ng dagger sa leeg. Ramdam ko pa ang bahagyang pagbaon ng dulo noon sa balat ko kaya naman napapikit ang isa kong mata. Seriously, do I have a death wish?

Wala akong sapat na lakas para labanan siya ngayon, bukod sa nasa sistema ko pa rin ang drugs, walang laman ang tiyan ko. Things are going to get messy kung sakaling lumaban pa ako. With my current state, hindi malabong hindi na ako sikatan ng araw.

“You should know that you are good as dead the moment you get on my bad side, detective.” nakangising sambit nito nang idiin niya pa ng bahagya ang dulo dagger sa leeg ko.

“Oooh, scary.” sarkastikong sambit ko. Ilang segundo rin kaming nagtitigan bago ito umiling at umalis sa ibabaw ko na tila siya na itong sumuko sa laban. Iika-ika siyang naglakad palayo at agad naman akong tumayo at humawak sa leeg ko, pagtingin ko sa kamay ko ay may dugo na iyon. Wow! He sure wouldn’t hesitate to kill someone. What a crazy pal.

“Here.” Tumagilid ang ulo ko nang abutan niya ako ng puting t-shirt. Saglit ko pa iyong tinitigan bago mapagdesisyunang kunin. Kahit paano ay may natitira pa rin pa lang pagiging gentleman sa dugo niya although, hindi iyon halata.

“Thanks.” Agad ko iyong sinuot at sapat na ang size noon para matakpan pati ang legs ko. Ipinagkibit-balikat ko na lang din ang dugo sa kamay ko na dumikit doon.

“So... Can we talk now? Peacefully.” aniya.

“Paano mo nalaman ang trabaho ko?” tanong ko kasabay nang pagsandal niya sa counter top habang iniinom ang beer in can na kinuha niya sa ref.

“Lagi kitang nakikita these past few months, mostly ay sa mga lugar na pagmamay-ari ng mafia at sa tuwing nakikita kita, iba lagi ang disguise mo. And last night, sa nightclub... Peke ‘yong inabot mong membership card sa bouncer.” napamura ako sa isip-isip ko dahil hindi ko inaasahan na sa dami ng pwedeng makaalam ng totoo ay siya pa.

Kilalang-kilala siya sa mundo ng mafia, once na ipagkalat niya ang identity ko at mapunta ako sa warning list nilaㅡmahihirapan na akong mag-imbistiga at kumuha ng mga impormasyon. Hindi na rin ako makakapaglabas-masok sa mga establishments na pinapatakbo ng mga mafia. Sobrang maaapektuhan noon ang trabaho ko kapag nagkataon.

“How is that even possible? Ngayon pa lang naman kita nakita.”

“Believe me, nagkita na tayo noon.” Ngumisi ito bago hinawakan ang maskara niya.

Literal akong napanganga nang walang pag-aalinlangan niya iyong hinubad. Tila natigilan ako mula sa kinatatayuan, ni hindi ko magawang magsalita agad.

Ang matangos niyang ilong, ang kulay tsokolate niyang mga mata at ang maliit na cross tattoo malapit sa gilid ng kanang mata nito. Tandang-tanda ko iyon, hindi ko pwedeng makalimutan. I meanㅡI tried seduced him, inakit ko siya sa casino noon para malayo siya sa target namin that time.

“Wow, so it’s true that not all criminals look like criminals,” I muttered.

“I like the look on your face, honey.” Ngumisi ito bago maglakad palapit sa akin. Magsasalita pa sana ito ngunit biglang kumulo iyong tiyan ko, dahilan para matawa siya. Gulat na lamang akong napatitig sa kanya, he’s seriously acting like we’re buddies. Parang kanina lang ay napakaseryoso niya at balak pa akong patayin.

Why did he bring me here in the first place? Bakit niya ako binili sa ganoong kalaking halaga? Kung noong una pa lang ay alam na niyang kalaban ako, hindi ba dapat ay dinispatya na lang niya ako? Not unless, mayroon pa siyang kailangan sa akin. Seriously, what’s his deal?

“Shall we eat first? I have something to discuss with you.” Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niyang iyon.

“I don’t trust you, baka lasunin mo ako.”

“I didn’t spend 10 million just to poison you, babe.” natatawa niyang sabi, hindi ko na pinapansin ang mga weirdong itinatawag niya sa akin mula pa kanina.

“Right.” Umirap ako bago sumunod sa kanya. Pinanuod ko siyang magluto at bawat kilos niya ay sinusundan ko. Hindi ko rin maiwasan tingnan ang kabuuan ng bahay niya. Bukod sa nasa mataas na palapag ito ay talaga namang napakaganda ng interior design, halos lahat ng gamit niya ay kulay itim. Mayroon din itong second floor at mukhang iyon na ang buo niyang kwarto dahil mula rito sa ibaba ay tanaw ko ang King-size bed na naroon.

“You won’t get anything from me.” sabi ko nang ibalik ko sa kanya ang tingin. Nginisian niya lamang ako bago nagpatuloy sa ginagawa, focus na focus siya sa pagluluto na akala mo’y isa talaga akong bisita. Hindi nagtagal ay nasa iisang mesa na kami at kumakain.

“Curious ka ba kung bakit binili kita sa gano’ng halaga?” Nag-angat ako ng tingin nang magsalita siya. Puno pa ang bibig ko ng pasta kaya naman ilang segundo bago ko nagawang sumagot.

“What are you plotting? Kilala mo na ba ako noong in-approach kita sa casino?”

“Sasagutin ko lahat ng tanong mo kapag alam ko na kung anong totoong pangalan mo.” anito nang ilapag niya ang hawak na tinidor. Ilang segundo ko pang pinag-isipan kung sasabihin ko sa kanya ang pangalan ko dahil Ruby ang ipinakilala ko sa kanya noong inakit ko siya sa casino.

“Revy.” tipid kong banggit sa palayaw ko. Wala naman sigurong mawawala kung malaman niya iyon, I mean. Alam ko na kung anong itsura niya sa likod ng maskara, pareho na kaming may alam sa sikreto ng isa’t isa.

“Nice to meet you again, Revy.” Ngumisi siya ng tipid bago nagpunas ng labi gamit ang table napkin. Muli niyang kinuha ang tinidor na inilapag at nagpatuloy sa pag kain. “Kailangan ko pa bang ipakilala ang sarili ko?”

“I’ve already heard so much about you. You and your crimes so that would be unnecessary,” Peke akong ngumiti sa kanya.

“Don’t you want to know my real name?” tanong niya na nagpakunot ng noo ko. Hindi ako nakasagot dahil iniisip ko kung bakit ganito na lang kadali para sa kanya i-reveal ang identity niya, and with a detective at that!

“Well, I’m Tres... Tres Sylevstian.” inabot niya sa akin ang kamay niya ngunit tiningnan ko lang iyon bago tumingin sa kanya.

“Hindi ka ba natatakot na isuplong kita sa batas? Why did you reveal your identity?” Binawi niya ang kamay nang ma-realize niya na wala akong balak na hawakan iyon.

“First of all, may dahilan kung bakit ni-reveal ko ang sarili ko sa ‘yo. We’re not strangers to each other, right? Second, hindi mo ako isusuplong dahil lahat ng impormasyon tungkol sa mafia ay alam ko. Third, I brought you here because I want to make a deal with you.”

“You want to make a deal with a detective? Come on, alam mong imposibㅡ”

“Why? Because I’m a criminal?” Pagputol niya sa sinasabi ko.

“Exactly.” Nagsalubong ang kilay ko nang tumawa ito. Tiningnan ko siya nang matiim. Hindi kami ganoon kalayo sa isa’t isa dahil isang mesa lang ang nasa pagitan namin. I just watched him, trying to read his mind, figuring where this conversation was leading. Hindi ko mabasa kung ano talaga ang pakay sa akin ng lalaking ito. His personality was highly unpredictable.

“What’s funny?” tanong ko nang tingnan ko ito ng seryoso.

“Let me ask you first, why did you go that far? Bakit hinayaan mong mabiktima ka ng human trafficking? I mean, a detective that would let herself get drugged? It would only be you.”

“Damn right!” Napangisi ako nang maalala ang kabaliwang ginawa ko. “I’m investigating a personal case, hindi mo na kailangan malaman kung ano.”

“Do you have a personal grudge against the mafia?”

“So, what if I am? Didispatyahin mo na ba ako ngayong alam mo na?” tanong ko at umiling naman ito bago tumayo at maglakad palapit sa akin. Tinanggal niya ang suot kong wig, dahilan para lumugay ang mahaba at kulay itim kong buhok.

“Why would I do that? It’s not like, I’m part of them.” Nagkibit siya ng balikat.

“Oh please, we all know that you are a mafia.” Inayos ko ang bangs ko at inagaw sa kanya ang wig dahil pinapaikot-ikot niya iyon sa daliri niya na parang laruan.

“And I’m telling you, I am not.” hikayat niya.

“And you’re expecting me to believe that?” tanong ko nang sumandal siya sa mesa at humalukipkip habang makaharap pa rin siya sa akin. Kinailangan ko pa tuloy mag-angat ng tingin sa kanya dahil nakaupo pa rin ako.

“Wow, you’re stubborn.” komento nito.

“Tell me about it.” sarkastiko kong asar. Napailing siya at bumalik na sa kinauupuan para ipagpatuloy ang pagkain. Napalingon din ako sa orasan na nasa itaas ng T.V niya. It’s 8:00 p.m already. Crap! Maaga pa ang pasok ko bukas, I need to get out of here asap.

“Listen here, detective. Hear my proposal.”

Hindi ako nagsalita matapos niya iyong sabihin, gusto kong malaman kung ano ba talagang pakay niya sa akin. Gusto kong malaman kung ano ang motibo niya sa pagbili sa akin kahit na alam nitong kalaban ako. Tipid na lamang akong tumango na nagsasabing pakikinggan ko siya.

“Let’s work together andㅡ” Nabitawan ko ang hawak na kubyertos, dahilan para gumawa iyon ng ingay.

“That’s absurd! You’ve clearly got a screw loose.” hindi makapaniwalang sabi ko nang inatras ko ang inuupuan para makatayo na, masyado nang nasasayang ang oras ko. Wala akong matinong impormasyon na makukuha sa taong ito. He’s obviously toying with me kaya minabuti kong umalis na pero napahinto ako nang magsalita pa siya.

“We both have a personal grudge against them. So, let’s hunt them one by one. What do you say?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status