Share

Chapter 2: First encountered

NAGISING si Sky na masakit ang kanyang ulo and worst para pang minamartilyo. Parang may hollow blocks na nakadagan dahil sa bigat nito. It seems that he reached the limit of drink moderately at naging over drank na siya. Umiikot pa ang kanyang paningin nang tangkain niya itong bumangon. Napamura lang ito at muling nahiga. Siya namang may kumatok sa may pintuan.

"Who's there?" bangag ang boses ng binata.

"Senyorito, si Arthur ito!"

"Come in!"

Bumukas ang pinto at pumasok si Arthur. Napailing- iling ito nang makita ang hitsura ni Sky na nakadapa sa ibabaw ng kama.

"What? I'm listening!" wika ng binata.

"Pinasasabi ni boss na kailangan mong umuwi mamayang tanghalian, birthday ng Lolo po ninyo. Baka kasi nakalimutan niyo na naman!" saad ni Arthur.

"Damn! Tell him, I will!" tugon ng binata na hindi pa rin tumitingin kay Arthur.

Napabuntonghininga si Arthur saka nilapag sa side table ang hawak nitong malamig na tubig at breakfast ng binata na may kasamang gamot.

"Tigas kasi ng ulo mo sabi ko sa'yo, drink moderately eh! Hindi ka na nadala!" sermon ni Arthur.

Hindi niya lang ito personal alalay, parang tiyuhin na niya ito kung ituring. Ito na kasi ang nakasubaybay sa kanya since he was young.

"Arthur not now! As in my head is freaking out!"

"Babalikan kita after lunch, gabi pa naman ang party. Magdadahilan na lang ako kay boss pagdating ko ng Mansiyon! Kumain ka at inumin mo ang gamot para mas mabilis mawala ang hang over mo!" Turan ni Arthur.

"Thanks! Tatawagan na lang kita para hindi ka pabalik- balik." Sagot ng binata.

"Sige!" tugon ni Arthur at lumabas na ito ng kwarto.

Dumilat naman si Sky at tumihaya nang higa. Napatitig siya sa kisame at napaisip kung nakauwi ba ang kanyang barkada kagabi. Hindi na niya namalayan pati ang pagpasok niya sa kwarto ay wala siyang maalala. Sinulyapan nito ang dinala ni Arthur na nakalapag sa bed side niya, bumangon ito at dumiretso siya sa bathroom. Agad itong naligo at pagkatapos ay kumain kahit papaano saka ininom ang gamot para sa kanyang hang over. Sa katunayan nga eh, palagi na niya iyong iniinom sa tuwing nasosobrahan siya sa alak. Kapagkuwan ay lumabas ito, busy ang mga staff sa resort sa paglilinis at pag-aayos. Binati siya ng mga ito kasabay ng kanyang pag-utos na kunin nila ang kanyang pinagkainan.

Hindi pa siya uuwi, pupunta lang siya paborito niyang cottage para humiga sa may duyan. Private kubo niya iyon although walang dagat ang resort dahil hindi naman iyon beach resort. Mga swimming pool, at kung anu-ano pang pampaakit ng mga gustong mag- stay at lumangoy. Modern resort iyon pero malawak at maganda, tinalo nito ang mga beach resort sa tabi ng dagat. Pang- class o pang- mayaman kasi ang kanilang resort, puwede sa kasalan, binyagan, outing at sa mga gustong i- celebrate ang kanilang birthday.

Kampanteng nahiga si Sky sa kanyang duyan. Walang nagagawi roon maliban sa kanya. Ang kagandahan kasi sa kubo na iyon, mahangin hanggang gabi. Ayaw naman niyang laging naka- air condition saka hindi siya sanay na nakakulong sa isang silid. Pakiramdam niya ay nasasakal siya at hindi makahinga. Hanggang sa naidlip nang muli ang binata. Nagising lang itong muli nang kumalam ang kanyang sikmura. Sinulyapan niya ang kanyang wrist watch, past twelve na pala. Akala ni Sky ay sandali lang siyang nakatulog napahaba pala. Umalis siya sa kanyang duyan at pumasok sa main.

"Hello Sir! Kakain na po ba kayo?" tanong ng isang staff doon.

"May makakain na ba?" tanong din ni Sky.

"Opo! Meron na po, sumama po kayo sa akin Sir." Tugon ng staff.

Sumunod nga si Sky sa isang staff alam naman niyang dadalhin siya nito sa dine in room na sila lang ang kumakain doon. Agad na naupo si Sky habang inilalapag ang kanyang lunch. Napabuntonghininga si Sky nang makita ang mga nakahanda sa kanyang harapan. Parang iba kasi ang gusto ng kanyang sikmura at hindi ang mga masasarap na nakahain. Dahil na naman sa kanyang hang over kaya nauumay siya sa mga nakahain. Biglang tumayo si Sky at binalingan ang mga staff.

"Eat all of this! Ayoko nang kumain, iba ang gusto kong kainin." Sabi nito.

Lumarawan sa mga mukha ng mga staff ang pagtataka at pagkadismaya.

"Hindi po ba masarap?" tanong ng kanilang Chef.

"I know masarap lahat iyan! But I have a hang over, iba ang gusto kong kainin." Tugon ng binata at lumabas na siya s dine in room. Nagbulungan ang mga staffs, sanay na sila sa paiba-ibang mood ng kanilang Senyorito kung kaya't nilantakan na nila lahat ang mga nasa mesa. Hindi pa naman sila nananghalian dahil nga hinihintay nila munang matapos ang anak ng kanilang amo. At laking pasasalamat nila dahil puro espesyal ang kanilang tanghalian.

Samantalang si Sky ay dinala siya ng kanyang paa sa may Covenience Store nila malapit sa resort. Pagpasok pa lang niya ay nagsipulasan na ang mga nag- uusap sa may sulok. Habang ang iba ay inayos ang kani- kanilang mga sarili. May mga nagpabebe ang hitsura dahil sa Adonis na nasa kanilang harapan. Pero may isang babaeng nakatawag pansin kay Sky. Ngayon lang niya ito nakita marahil ay bago. At ito lang ang bukod tanging hindi tumingin sa kanya at kinilig pagkakita sa kanya. Ang bukod tanging walang pakialam sa kanyang pagdating, isa ito sa mga cashier doon. Napangisi si Sky at kumuha ng isang cup noodles at pumunta sa puwesto ng babae. Inilapag niya ang kanyang hawak na cup noodles, kinuha naman ng babae at ini- scan iyon.

"Twenty eight pesos po, Sir!" sabi ng babae saka ito nag-angat ng mukha.

Natitigan ito ni Sky, her eyes na parang laging nakangiti. Mahahaba ang mga pilik- mata nito na curly. Ngumiti ang babae na mas lalong nagpahinto sa pintig ng puso ni Sky. May dalawang maliliit na dimples ang babae sa magkabilaang pisngi nito. That was make the girl more cute at beautiful.

"Sabi ko po, twenty eight pesos!" ulit ng babae.

"What's your name?" bagkus ay tanong ni Sky.

"Sir, bawal po sa amin ang ganyan! Pay the cup noodles and we're good!" tugon ng babae.

"Ahm...Moanah!" singit ng kanilang Manager na nasa likuran nito.

Sinenyasan ni Sky na tumahimik ito kaya hindi na nakita pa ng babae ang takot sa mukha ng kanilang Manager. Sasabihin lang sana nito na siya ang anak ng kanilang big boss subalit pinatahimik ito ni Sky. Muling tumingin si Sky sa magandang mukha ng babae.

"Moanah...nice name it's look like sweet and hot name." Nakangising sabi ni Sky.

Tila nainis naman ang dalaga at huminga ito nang malalim.

"Sir, puwede ko na po bang makuha ang inyong bayad? Nakakaabala na po kayo sa ibang costumers." May diin na sa boses ng dalaga.

"Pati boses mo, ang gandang pakinggan. Parang anghel na umaawit mula sa langit." Iba ang sagot ni Sky.

"Hindi mo ako makukuha sa paganyan- ganyan mo, Mister! Ngayon kung wala kang pambayad umalis ka sa pila, puwede ba?" mataray na sabi ng dalaga.

Natawa si Sky.

"Hey, palaban ka! I like that! New experience, huh?"

"Binubuwisit mo ba ang araw ko ha? Umalis ka na bago kita matadyakan diyan!" singhal ng dalaga.

Sky more chuckled. Naaaliw siya sa babaeng nasa four eleven lang yata ang height but cute. At palaban ito infairness unlike the other girls makita lang si Sky kulang na lang ay sambahin siyang parang Diyos.

"Ako si langit kapag nasa akin ka, palagi kong ipapatikim sa'yo ang biyaheng langit." Nakangising wika ni Sky.

Lumaki ang mga mata ng dalaga pati butas ng mga ilong nito. At ang nakakagulat na ginawa nito kay Sky. Isang sampal lang naman ang dumapo sa maputi at makinis na mukha ni Sky.

"Bastos ka! Pervert!" singhal ng dalaga na agad dinaluhan ng kanilang Manager at inawat.

"Moanah, stop it!" awat ni Mrs. Santos.

Saka ito bumaling kay Sky.

"Sorry po boss! Ako na po ang humihingi ng pasensiya at kapatawaran. Pangako po hindi na po mauuulit!" pakiusap ng Ginang.

Napanganga si Moanah na napatitig kay Sky. Habang si Sky ay himas- himas ang sariling pisngi na nasampal.

"Over time siya for one week! Report to me everyday!" sagot ni Sky kay Mrs. Santos.

"Opo, boss!" mabilis na pagpayag ng Ginang.

Tiningnan naman ni Sky si Moanah na gulat na gulat at namumula ang mukha nito.

"And you, magkikita pa tayo. Unless, iki- kiss mo ako tatanggapin kong kabayaran sa ginawa mo." Wika nito.

Sasagot pa sana si Moanah nang pinandilatan siya ni Mrs. Santos. Kung kaya't nanahimik ang dalaga. Dinampot naman ni Sky ang cup noodles sabay taas na parang sinabing toast kay Moanah.

"And one more thing, ipapatawag ko siya soon para pagsilbihan ako sa resort. Magkatabi lang naman sila so, anytime makakarating siya." Bilin ni Sky.

"Opo, boss!" sagot ng Ginang.

Kinindatan pa ni Sky si Moanah bago ito tuluyang umalis sa convenience store. Habang si Moanah ay nangangatal sa hiya at inis kay Sky. Pero nakadama rin ito ng takot at pangamba dahil ito pala ang may- ari ng kanyang pinagtatrabahuhan. Habang si Mrs. Santos ay tiningnan niya nang masama ang dalaga. Napabuntonghininga ang Ginang.

"Pasalamat ka iyon lang ang ginawa niya at hindi ka tinanggal." Sabi nito.

"Sorry po! Hindi ko naman alam na anak siya ni big boss." Sagot ni Moanah.

"Alam mo bang siya iyong pinakamasungit sa magkakapatid? Siya iyong pinakakatakutang anak ni big boss!" saad ni Mrs. Santos.

"Hindi ko naman po alam!" sabi na lamang ni Moanah.

"Ano pa nga ba! Binalaan na kita kanina hindi ka nakinig. Sundin mo na lang ang sinabi niyang parusa mo kaysa mawalan ka nang trabaho. Naku! Ang mahal pa naman ng isang sampal kapag idinemanda ka niya." Wika ng Ginang.

Napilitang ngumiti na lang si Moanah. Mabuti na lang at hindi siya sinipa palabas. Pero naroon pa rin ang inis at galit ni Moanah sa anak ng kanilang boss. Akala naman siguro nito ay makukuha niya ang lahat ng mga babaeng kanyang binobola.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status