Share

Chapter 4: Meet Again

Masayang nag- fist bump ang magkakaibigan pagkalapit ni Sky sa mga ito.

"How's your time with your Dad and Grandpa?" nakangising tanong ni Storm sa binata.

"Nah! So boring,"

Naghagikhikan ang magkakaibigan na parang mga babae.

"Lakas ng tama mo!" namumula ang mukha ni Aladdin habang umiiling- iling.

Alam naman na ng mga ito ang libro ng buhay ni Sky. At ganoon din naman silang lahat, wika nga nila no secrets between them.

"Wala bang tsika bebe?" paanas namang tanong ni Ocean kay Sky.

Isang mahinang batok ang iginawad ni Sky sa kanyang kaibigan.

"Magkakatulo ka na niyan dahil sa hilih mo sa laman!" pambubuska nito.

"Shut up! Baka mamaya pag- initan tayo ni Grandfather. Kailangan eh, behave tayong lahat ngayong gabi." Sagot ni Sky.

"Only tonight?" mabilis namang tanong ni August.

Pinandilatan naman sila ni Sky kung kaya't tabingi na lamang ang kanilang mga ngiti. Leader nila si Sky, pero sina Aladdin at August ang promoter about sa mga girls. Habang sina Storm at Ocean sa inuman naman. Tumahimik din ang lima kasama ang iba pa nilang mga kaibigan at naging mabait nga sa party. Kahit na sa kanilang kaloob-looban ay kating- kati na silang lumayas doon at gumala sa kung saan. Hanggang sa natapos ang party na para sa magkakaibigan ay boring ang mga kaganapan. Inihatid pa nga ni Sky ang apat sa mga sasakyan ng mga ito.

"Saan ka na naman pupunta Sky?" mula sa kanilang likuran ay lumitaw si Don Zach.

"Dear Father, inihatid ko lang ang apat na bugok na ito sa kanilang mga luxury cars. Hindi ako lalayaa tonight promise!" mabilis na sagot ni Sky sa ama, no wonder lasing na rin ang binata.

Napagmasdan ni Don Zach ang anak saka ang apat na anak din ng mga kilalang mayaman na kanila ring kaibigan.

"Ingat kayo sa pagmamaneho!" sabi na lamang ni Don Zach.

"Salamat po! May mga drivers po kami," sabay-sabay na sagot ng apat.

Napakurap-kurap naman si Don Zach, nakalimutan niya tuloy na may kanya-kanyang drivers ang mga ito.

"Bye, mga itlog! Kitakits tayo bukas," sabi naman ni Sky sabay kaway.

Napabuga nang hangin si Don Zach dahil sa hitsura ng kanyang anak. Tuluyan nang nagpaalam ang apat at umalis na ang mga ito roon.

"Kailan ka kaya magbabago Sky?" tanong ng Don nang sila na lamang dalawa ni Sky habang naglalakad sila papasok sa loob ng Mansiyon.

Napangisi naman si Sky sabay titig sa ama. "Kapag pumuti na ang uwak!" walang gatol na sagot nito.

"I'm serious Sky!" dumagundong ang boses ng Don subalit hindi natakot ang binata.

Agad na lumapit si Don Sebastian sa kinaroroonan ng mag- ama kasama ang asawa nito.

"What's happening here?" tanong ng matanda.

Napabuntonghininga naman si Don Zach, maikli lang ang pasensiya nito. Hindi nito napigilan ang sariling hindi masigawan ang bunso niyang anak.

"Si Daddy kasi Grandpa, tinatanong ako kung kailan ako magbabago. Sinagot ko naman aba nagalit!" sagot ni Sky sabay ngisi.

Binalingan naman ni Don Sebastian ang ama ni Sky na medyo kalmado na.

"Ngayon lang ulit kayo magkasama ng medyo matagal- tagal hindi pa magkasundo." Ani ng matanda.

Walang nakapagsalita sa mag- ama.

"Mauna na po ako, sanay naman na akong hindi maganda ang mundo ni Daddy kapag kasama niya ako." Wika ng binata kapagkuwan at mabilis na itong humakbang palayo.

"See? Hindi mo ba nadama ang hinanakit niya sa'yo Zach?" sabi naman ni Don Sebastian.

Speechless si Zach, nasundan niya ng tingin ang papalayong si Sky. Natanong nito ang sarili kung bakit nagkaganoon ang kanyang anak dahil ibinigay naman niya ang lahat-lahat para rito.

"Kalimutan na po natin ang nangyari Dad, medyo nawala lang ako sa sarili ko kaya't nasigawan ko siya." Hinging-paumanhin ng Don sa ama.

"Better to reach him out, kunin mong muli ang kalooban ng iyong anak bago maging huli ang lahat." Turan ng matanda saka nito inakay ang asawa pabalik sa loob ng bahay.

Naiwan si Don Zach na lulugo- lugo at laglag ang balikat na sumunod sa kanyang mga magulang. Habang tahimik din si Shawn sa isang tabi na narinig ang mga nangyari. Itinungga nito ang laman na alak ng hawak nitong baso at bumalik na rin sa loob ng Mansiyon.

Kinabukasan. Masakit ang ulo ni Sky na bumangon. Past eleven na ang oras pagtingin nito sa malaking orasan na nasa may dingding ng kanyang kwarto.

"Urrrgghhh!"

Unti-unti itong bumangon at agad na tinungo ang kanyang bathroom. Naligo ito upang mabuhay ang lahat ng kanyang mga ugat sa katawan at upang maginhawaan siya kahit papaano. Pagkatapos magbihis ay agad nitong kinuha ang kanyang mobile phone at wallet.

"Good day, Senyorito! Saan ang lakad natin?" agad na bati ni Arthur pagkakita sa binata.

"Likewise! Give me the key of my owner type jeep." walang ganang sagot ni Sky.

"Po?" gulat na bulalas ni Arthur.

"Nabingi ka na ba, Arthur?" asar na tanong ni Sky.

Napakamot si Arthur sa sariling batok saka iniabot ang susi ng owner jeep ng binata.

"Drive safely Senyorito, kahit na malilintikan ako nito kay Don Zach!" wika nito.

Napangisi naman si Sky na tumingin kay Arthur.

"Mas matakot ka sa akin, nangangagat ako siya kanya tumatahol lang!" ani nito saka mabilis na tinungo ang kanyang owner.

Napangiwi na lamang si Arthur at napapailing habang sinusundan niya nang tingin ang papalyong si Sky. Alam na naman ni Arthur kung saan pupunta ang kanyang alaga. Kung kaya't sinundan din nito kinalaunan dahil trabaho niyang bantayan ang binata saan man ito magpunta. Habang si Sky ay with music pa habang nagmamaneho. Naalala niya bigla ang babaeng sumampal sa kanya sa may convenience store. Napangisi ito at nagpasyang dalawin ang matapang na babae.

Nagtaka naman si Moanah nang biglang nagpulasan ang ibang saleslady ng convenience store. Tumahimik din ang mga ito, naging pormal although nakangiti naman silang lahat nang matamis. Napakunot noo ang dalaga at humarap ito sa counter dahil may inaayos ito sa gawing ibaba ng kanyang kinaroroonan. Biglang kabog ang dibdib ni Moanah kung sino ang aroganteng nasa kanyang harapan ng araw na iyon. Tatarayan niya sana kaya lang ay naalala niyang may atraso siya sa kanyang amo.

"Magandang araw po!" magalanv na sabi ng dalaga kahit kumukulo naman ng inis ang kaloob-looban nito.

Tumaas ang isang kilay ni Sky at napangiti.

"What did you say?" natawang tanong ng binata.

"Magandang araw po, Sir!" ulit naman ni Moanah.

"Good! Pero hindi bagay sa'yo!" sagot ni Sky na hinahagod nang tingin si Moanah mula ulo hanggang paa.

Naasiwa ang dalaga at konti na lang ay papatulan na niya ang binata kahit na amo pa niya ito. Kaya lamang, biglang sumagi sa isipan ni Moanah ang may sakit nitong Ina kaya huminga ito nang malalim para kumalma.

"Well, follow me! As your punishment, na sinabi ko na sa manager mo paglilingkuran mo ako starting today. Sa may resort mo lang naman ako pagsisilbihan Miss Moanah Dimagiba. Tama ako sa pagkakasabi ng buong pangalan mo hindi ba?" Nakangisi pa ring wika ni Sky.

Pilit ang tango ni Moanah na may halong pandidiri dahil sa pag- lick ni Sky sa sarili nitong labi. Nag- smack kiss pa nga ito nang muling tingnan ng dalaga.

"Yucckkk!" mahinang bigkas ng dalaga.

"May sinasabi ka ba, Miss Dimagiba?" tanong mg binata.

Mabilis na umiling si Moanah, ayaw nitong magsalita dahil ayaw niyang kausapin ang tila manyak niyang amo. Tumingin naman si Moanah sa kanyang manager na si Mrs. Santos na agad tumango sa kanya. Walang nagawa si Moanah kundi sundan si Sky na papalabas na ng convenience store. May halong dabog, inis at sumpa ang mga kilos ni Moanah patungkol sa very hate niyang person, ang aroganteng si Sky.

"Hindi ka sasakay sa owner ko, maglalakad ka hanggang sa resort." Baling ni Sky pagkalabas nila mula sa convenience store.

"Okay lang, sanay naman akong maglakad." Kamapanteng tugon ni Moanah.

Natawa naman si Sky na ipinagtaka ng dalaga.

"Anong nakakatawa aber?" inis na tanong ni Moanah.

"Nothing! It's just, you're too cute,"

Moanah rolled her eyes at nagsimula nang maglakad. Wala siyang panahon sa pambobola ng arogante niyang amo. Hindi siya bobita para makuha siya sa mga gestures nito.

"Hey, are you okay?" tanong ni Sky sa dalaga nang abutan niya ito gamit ang kanyang sasakyan.

"I'm fine as you can see, wala akong sakit duh!" mataray na sagot ni Moanah.

Muling napahalakhak si Sky.

"Baliw na yata ang mokong na ito!" bulong ni Moanah sa sarili nito.

"Hop in! I'm just kidding na maglalakad ka, akala you will beg." Wika naman ni Sky nang maihinto nito ang sasakyan.

"No but thanks!" pagmamatigas naman ng dalaga.

"Kapag hindi ka sumakay, I will carry you!" pagbabanta ng binata.

Biglang tigil si Moanah sa paglalakad nito at natingnan ang kanyang paligid. Maraming taong nakatingin sa kanila ni Sky, naglalakad man o mga dumadaang motorista. At kapag nangyari ang sinabi ng kanyang amo, nakakahiya kung ganoon.

"One!" narinig ni Moanah na pagbibilang ni Sky hudyat na gagawin nga nito ang kanyang sinabi.

"Heto na, sasakay na po ako Sir!" sabi ni Moanah na pinakadiinan pa nito ang salitang Sir.

Maluwang naman ang ngiti ni Sky nang sumakay na sa wakas si Moanah sa kanyang sasakyan. At walang pag- aalinlangang pinaharurot nito bigla ang kanyang sasakyan kasama ang nakabibinging hiyaw ni Moanah. At ang lahat ng mga nadaanan nila ay waring iisa lamang ang mga nasa isipan ng mga ito, kung nababaliw na ba ang laman ng sasakyan na iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status