Nagsilaglagan ang mga luha ni Fyrah nang makilala nito ang likuran ng babaeng naghihintay sa kanya. Nasa isang private resort sila dahil doon dinala si Gail ng mga tauhan ni Cameron. Nakapiring ang mga mata ni Gail at napapalingon- lingon lamang ito sa kanyang paligid."G- Gail?" utal na sabi ni Fyrah.Lumingon si Gail sa pinanggalingan ng boses ni Fyrah."Fyrah ikaw ba 'yan?" mabilis na sagot ng dalaga.Napasinghot si Fyrah at tuluyan niyang nilapitan ang kanyang kaibigan. Inalis ni Fyrah ang piring sa mga mata ni Gail. Napakurap-kurap si Gail at bahagya pa nitong kinusot ang kanyang mga mata."Fyrah! Ikaw nga! Kumusta ka na ha? Bakit bigla ka na lamang nawala?" sunod-sunod na tanong ng dalaga.Napangiti naman si Fyrah kahit na walang habas ang paglaglagan ng kanyang mga luha."Gail!" wika nito at nagyakapan silang magkaibigan.Medyo matagal silang nagyakapan at kapwa pa napaiyak. Hanggang sa si Gail na ang bumitaw sa kanilang pagkakayakap. Pinagmamasdan ni Gail si Fyrah mula ulo han
Sa isang iglap ay nasa New York na sina Fyrah, bagaman kasama si Cedie ay sa Yaya muna nito sumasama. May mga lalakarin kasi sina Fyrah at Cameron at naghahabol sila ng oras."Hi! Glad to see you again partner!" bati ng isang naka-unipormeng Doctor.Nginitian lamang ito ni Fyrah at the same time kanina pa kumakabog ang kanyang dibdib dahil sa kaba. Nagdaop naman ang mga palad nina Cameron at ang Doctor saka sila sabay-sabay na umupo. Alam na ng Doctor ang pakay nina Cameron doon, nauna na niya itong sinabi bago pa sila pumunta ng New York. Ganoon kabilis ang mga pangyayari kapag may kapangyarihan ka sa kalakaran lalo na kung may pera ka."Fyrah, kumusta ka na? Mukhang tahimik ka ah! Dati- rati kapag nagkikita tayo palagi mo akong tinutukso at kinakantiyawan. Naninibago ako ngayon about your behavior!" sabi ng Doctor nang tumingin kay Fyrah na tahimik pa rin.Napalunok si Fyrah saka tumikhim."Ahm..nagkita na ba tayo? Or nagkakilala na ba?" tanong ng dalaga.Natawa naman ang Doctor."K
Hilot- hilot ni Cameron ang kanyang sentido, masakit iyon at mabigat dahil sa mga natuklasan nitong patungkol sa Fyrah na kanilang kasama ni Cedie. The DNA results was not match, even kay Cedie. Sini ang Fyrah na kasama nila ngayon? Nasaan ang totoo niyang asawa? Will someone behind of all that happened long ago? At nakakasiguro siyang masasaktan na naman nang husto ang kanyang anak. Nakikita pa naman niyang, unti- unti nanh nagiging masaya si Cedie sa pagbabalik ng Mommy niya. Ano ang kanyang gagawin?"Ahm...ayaw mo bang maistorbo kita?" si Fyrah mababa ang boses at maingat na lumapit kay Cameron.Agad na nagmulat si Cameron at tumingin kay Fyrah. Tumikhim ito kapagkuwan at kanyang pinaupo ang kanyang asawa sa tabi niya."I was wondering...-" naudlot ang sasabihin dapat ni Cameron.Hindi niya kasi alam kung papaano niya sisimulan ang lahat-lahat na ipaliwanag kay Fyrah. Dahil tama ito, noong una pa lamang ay tama na si Fyrah na hindi siya ang kanyang asawa."Alam kong mahirap tanggap
BISITA ni Fyrah ang kanyang matalik na kaibigang si Gail nang araw na iyon. After her recovery, ngayon lang ulit sila nagkita at ito na ngayon ang siyang magiging kasa-kasama niya sa bahay ng nobyo niyang Doktor.“Pumayat ka nang husto,” malungkot na sabi ni Gail habang hawak ang isang kamay ni Fyrah.“Okay lang! Alam mo naman, grabe ang aksidenteng nangyari sa akin. Isang bagay lang ang pinagtatakahan ko, Gail.” Nakangiting sagot ng dalaga.Nagsalubong ang kilay ni Gail.“Ano ‘yon?” tanong nito.“Hindi ko alam kung dapat ko bang maramdaman ito pero bakit hindi ko maalala kung bakit ako naaksidente?” saad ni Fyrah.“What do you mean?” nagtataka namang tanong ni Gail.“I mean, ‘yong buong pangyayari sa aksidente. Like why I am there at the scene or place something like that! Ano bang ginagawa ko roon or saan pa ako pupunta that time.” Paliwanag ni Fyrah.Bumuntonghininga naman si Gail at matamang tinitigan si Fyrah.“About that, may nasabi sa akin si Raphael. Na may mga pangyayaring h
SOBRANG saya ni Fyrah nang makalabas na ito mula sa Mansyon. Tuwang-tuwa ito dahil tinupad nga ni Ralph ang pagpayag nitong pamamasyal ni Fyrah.“Ang tagal ko nang gustong mangyari ang ganito!” masayang wika ni Fyrah sabay talon at hagikgik.Natatawa naman si Gail at napapailing – iling.“Biruin mo kung ilang buwan ako sa hospital, tapos sa Mansiyon bilang healing recovery ko? Sobrang tagao no’n para sa akin Gail!” patuloy pa ring sabi ng dalaga.“Oo na! Basta huwag lang daw tayong lalayo sabi ni Ralph.” Nakangiting sagot ni Gail.Biglang napasimangot si Fyrah.“Killjoy ang lalaking iyon! Ano naman ang silbi ng pamamasyal ko kung dito lang ako sa iisang lugar. Para namang ayaw niya akong mag- explore niyan!” himutok nito.“Hindi naman siguro sa ganoon! Worried lang sa’yo ‘yong tao kasi hindi ka pa tuluyang magaling.” Wika ni Gail.Hindi na lamang umimik si Fyrah, masaya nitong pinagmamasdan ang mga bulaklak sa Park. Mga batang naghahabulan at mga pamilyang ginaganap ang kanilang quali
DALAWANG araw bago pumayag si Ralph na lumabas ulit si Fyrah. Minsan naiisip ng dalaga na may sikreto ang kanyang nobyo about her life na ayaw nitong malaman. Mabuti na lamang at naroon palagi si Gail na parating nagpapaliwanag tungkol sa mga katanungan niya. But honestly, deep inside ay unti- unting namumuo ang mga katanungan ni Fyrah na gusto niyang magkaroon ng kasagutan. Because the more na pinagbabawalan siya ni Ralph, the more thing naku- curious si Fyrah. Only Gail can definitely give her answers but sometimes nagdududa na rin siya.“Bakit parang hindi ka masaya?” tanong ni Gail habang naglalakad sila papunta sa isang sikat na pasyalan malapit sa may dagat.“Wala…I’m happy ofcourse!” matamlay na sagot ni Fyrah.“Happy? Ni hindi ko nga makita sa mukha mo saang banda?” nakakiling pa ang ulo ni Gail.Nagkibit-balikat lang si Fyrah at tinungo ang isang cottage upang maupo roon. Wala talaga itong mood sa araw na iyon.“Tell me, what’s bothering you?” tanong ni Gail nang makaupo ito
Unti- unting nagbalik ang malay ni Fyrah, agad itong bumangon nang maaalala si Elizabeth at ang mga lalaking kasama nito. Noon din napansin ni Fyrah na naroon siya sa hindi pamilyar na kwarto."Nasaan ako? Kaninong bahay ito?" bulong nito sa sarili at naglakad papunta sa may pinto."Hello! May tao ba riyan? Palabasin niyo ako rito!"Subalit walang sumasagot, ni kaluskos ay walang naririnig si Fyrah."Para niyo nang awa palabasin niyo ako!" muli nitong sigaw.Muli, walang tumugon sa mga sigaw at kalampag ni Fyrah sa pinto. At kahit yata gibain na niya iyon ay walang taong sasagot sa kanya. Naisip tuloy ni Fyrah na baka stalker si Elizabeth at miyembro ng sindikatong kidnapped by ransom. Sukat doon ay mas lalong kinalampag ni Fyrah ang pinto at sumisigaw rin ito na humihingi ng saklolo. Nakakabibinging katahimikan ang siyang sumagot sa mga ginawa ni Fyrah upang may tumulong sa kanya. Nagsisisi siya na hindi sinunod ang mga bilin ni Ralph sa kanya. Noon lang naintindihan ni Fyrah ang mga
Naupo si Cameron sa harapan ni Fyrah. But Fyrah didn't have the courage to look him eye to eye."Eat," maawtoridad na sabi ng lalaki."Hindi ako nagugutom and please lang ha? Let me go!" mataray na sagot ni Fyrah.Nagtagis ang mga ngipin ni Cameron at kinuha ang kutsara sa pagkain ni Fyrah. Iniumang nito sa bibig ni Fyrah ang kutsarang may pagkain."Open your mouth will you?" magkasalubong ang mga kilay ni Cameron."In your dreams!"Binitawan ni Cameron ang kutsara at pilit ibinuka ang bibig ng dalaga. Nagpumiglas si Fyrah subalit nahawakan na ni Cameron ang kanyang dalawang kamay. Inipit nito ang isang kamay ni Fyrah sa dalawa niyang binti at pilit idinukdok ang kutsara sa loob ng bibig nito. Ofcourse it's hurt, subalit hindi iyon nginuya ng dalaga."Kailangan mo ba talagang masaktan bago ka sumunod sa mga sinasabi ko?" galit na wika ni Cameron.Inirapan ni Fyrah ang lalaki at walang nagawa ang dalaga kundi ang nguyain ang pagkaing naisubo sa kanya."I will make you suffer Fyrah so th