“Astrid, are you okay?” Natauhan na lang ako nang may magsalita. Nakita ko si Lianna na nakatunghay sa itaas ng panaklong na nasa pagitan ng aming cubicle.
“A-ah, yes. Medyo masakit lang ang ulo ko,” pagdadahilan ko at bahagyang ngumiti sa kaniya.
“May gamot ako rito. Teka—”
“No. No, Lianna. I'm okay,” pigil ko sa kaniya.
“Pero—”
“No worries. I’m okay.” Binigyan ko siya ng ngiti na puno ng kapanatagan.
“Sure ka?” paniniguro niya.
“Yes. I’m okay.” Tumayo ako. “Pupunta lang ako sa comfort room,” pamamaalam ko.
Tumango siya. Kahit na hinayaan na niya ako na umalis ay alam kong hindi ko
“Nothing, Miss. We will call you if we need anything,” sagot nang nasa gilid ko kaya napabaling sa kaniya ang aking tingin. Nakangiti na siya sa akin ngayon at halos hagurin ng tingin ang buo kong katawan. Ngani-ngani akong napatayo nang matuwid at bahagyang yumuko sa kanila. “A-ah yes, Sir. Thank you,” nauutal kong wika at nagmamadaling umalis sa grupong iyon. Kailangan kong magkunwari na tila hindi ko siya inaasahan dito. Na nagulat ako sa biglaang paglitaw niya sa harap ko. Sa kabilang banda ay nagulat naman talaga ako kahit pinaghandaan ko na kung sakaling maparito siya. “Astrid, table two,” pagtawag sa akin ni Mr. Roque pagkarating ko sa counter. Ang table two ay malapit lamang sa grupo nina Mr. Fonteverde. “Sir, p’puwede bang si Ysabelle na lang muna?” pagtukoy ko sa kasama ko. Napatingin naman sa akin si Ysabelle nang marinig niya ang pangalan niya. Magkatabi lang naman kami kaya narinig niya kahit malakas ang tugtugin.&nb
Dahil sa mga sinabi niya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na sampalin siya. Nang balingan niya ako ay nag-iigting na ang kaniyang mga panga at nag-aalab na sa galit ang mga mata. “How you dare to slap me!” mariin niyang sambit. “I’m sorry, Sir. Hindi ko ho—” Naputol na lang ang dapat kong sabihin nang hawakan niya ang panga ko at sinunggaban ng h***k. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at hindi na nakagalaw pa sa aking kinatatayuan. Mariin at masakit ang ginawa niyang mga h***k sa akin. Tila pinauunawa niya sa akin na ang babaeng katulad ko ay hindi dapat nirerespeto. Tumulo na lang ang mga luha ko sa aking mga mata at malakas siyang tinulak. At sa muling pagkakataon ay sinampal ko siya. Napaharap siya sa akin. “You—” Napahinto siya nang makitang tuloy-tuloy na umaagos ang mga luha ko sa aking pisngi. “What did I do to you and why did you do this to me? Sir, gusto ko lang magkaroon ng trabaho at matustusan ang pa
“Miss Ramirez, Mr. CEO called you to his office.” Nagkatinginan kaming lahat na nasa loob. Break time namin ngayon nang biglang pumasok ang lalaking sekretarya ng aming boss sa mini kitchen ng aming departamento kung saan kami naroroon at inihayag ito sa amin. Halos kabakasan ng pagtataka ang lahat. Maging ako ay hindi mapigilan ang mapa-isip dahil hindi ko inaasahan itong pagtawag sa akin ni Mr. Fonteverde. Ano ang kailangan ng lalaking iyon sa akin? “Sige, susunod ako,” naging tugon ko. Tumango siya at kaagad na umalis. Muli ay napatingin ako sa mga kasamahan ko. “Bakit kaya pinatatawag ka ni Mr. Fonteverde, Astrid?” napaisip si Leon sa tanong niyang iyon. “Marahil ay babatiin o pupurihin si Astrid,” ayon k
“MISIS, within a month ay lalabas na ang bata and this is your first time kaya kapag humilab na ang tiyan mo at may lumalabas ng dugo ay magpa-confine ka na kaagad para masubaybayan ka ng mga doctor at nurse,” pagbibigay payo niya sa babae na ngayon ay sinasamahan niya papalabas ng kuwarto habang kami ni Herald ay nakaupo sa pandalawahang couch niya rito sa office. Nang buksan niya ang pinto at lumabas ang babae ay lumapit sa kaniya ang babaeng pumigil sa amin kanina. May sinabi itong hindi ko gaanong narinig. “Thank you, Melanie,” rinig kong wika niya sa babae bago isinara ang pinto. Ngayon ay napaharap sa amin si Jemuel. Habang papalapit siya sa amin ay hindi ko maiwasang titigan siya ng maigi. Hindi mo maikakaila na napakaguwapo niyang tingnan sa suot niyang white coat. Tila isa siyang modern prince sa k
“Shaelza, where are you?” tanong ko kay Shaelza ng sagutin niya ang tawag ko. Narito ako ngayon sa balkonahe nagpapahangin habang may hawak na isang beer in can. Maingay ang background ni Shaelza kanina ng sagutin niya ang tawag ngunit habang patagal nang patagal ay humihina. “Hello, Friend? Ano'ng sabi mo?” habol-hininga niyang tanong kaya napakunot-noo ako. “Saan ka ngayon?” ulit kong tanong. “Ahh... narito kami ngayon sa club. Birthday celebration ng kakilala kong model. Nagmadali ako palabas para masagot ang tawag mo,” sagot niya sa kabilang linya. Napatango ako sa sagot niya na tila ba nasa harapan ko lang siya. Kaya pala. “Bakit napatawag ka?” tanong niya. “Nothing. Nevermind,” pagtalima ko. Napainom ako ng beer at tumayo papuntang barandilya. “Okay ka lang ba? If you need me I'll take you there.” Nahihimigan ko ang pagbago ng kaniyang boses. Bigla siyang nag-alala. “No, Shaelza. I’m okay. Napatawa
Ava’s P.O.V “Hello?” sagot ko matapos kong ilagay sa tapat ng aking tainga ang cellphone nang may tumawag na hindi naka-register na numero mula rito. “Miss Astrid Ramirez,” isang boses ng lalaki ang sumagot sa kabilang linya at binanggit pa nito ang pekeng pangalan ko kaya nagtaka ako. “Who’s this?” “Miss Ramirez, this is Salazar Samson, the secretary of Mr. Fonteverde. I call you because Mr. Fonteverde want to meet you today on his office.” Napaawang ang bibig ko dahil sa gulat hindi lamang dahil sa narinig ang pangalan ng Fonteverde na iyon kundi na rin sa naging sadya ng tawag sa akin sa araw na ito. “Excuse me, Mr. Samson. But today is Sunday. Sabihin n’yo nga sa a
“Sir, this is not a game. But since I need the job I will play with it,” pagkatapos ko iyong sabihin ay tila nagtimbangan kami ng aming mga titig. Muli ay umangat ang gilid ng kaniyang labi. Ang kaniyang mga matang matalim kung makatitig ay tila minamata ako ngayon. “You ad—” Naputol na lang ang dapat niyang sabihin nang may nagsalita mula sa aking likod. “Daddy?” Kahit nakatalikod ay napahinto ako sa aking kinatatayuan. Waring hinaplos ang puso ko at mas lalong nanabik nang marinig ang maliit na himig na iyon. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. May isang pintong nakabukas mula sa loob ng opisina at hindi ko alam kung saan ito nakakonekta at hindi ko na iyon pinansin pa. Dahil doon ay nakita ko siyang nakatayo at nakat
“Ava, are you okay?” Napabaling ako kay Eliza nang tawagin niya ako. Hindi ko namalayan na natuliro pala ako. “A-ah... oo naman,” ngiti ko. Naningkit ang kaniyang mga mata at mukhang hindi kumbinsido sa naging sagot ko. “Anong nangyari at tila malalim ang iniisip mo? Nauna ka pa sa akin dito pero nauna pa akong nakabihis sa ’yo.” Ipinagsalikop pa niya ang kaniyang mga braso. Binilisan ko na lamang ang pagbubutones ng aking uniporme at isinara ang locker. “Hindi. Ayos lang talaga ako.” Humarap ako sa kaniya. “Maliit na bagay lamang ito. Tara na, hinihintay na tayo ni Sir Roque.” Napataas-kilay siya nang tapikin ko ng ilang beses ang kaniyang balikat at ngumiti bago naunang lumabas ng kuwartong iyon.