“Ava, are you okay?” Napabaling ako kay Eliza nang tawagin niya ako. Hindi ko namalayan na natuliro pala ako.
“A-ah... oo naman,” ngiti ko.
Naningkit ang kaniyang mga mata at mukhang hindi kumbinsido sa naging sagot ko.
“Anong nangyari at tila malalim ang iniisip mo? Nauna ka pa sa akin dito pero nauna pa akong nakabihis sa ’yo.” Ipinagsalikop pa niya ang kaniyang mga braso.
Binilisan ko na lamang ang pagbubutones ng aking uniporme at isinara ang locker.
“Hindi. Ayos lang talaga ako.” Humarap ako sa kaniya. “Maliit na bagay lamang ito. Tara na, hinihintay na tayo ni Sir Roque.” Napataas-kilay siya nang tapikin ko ng ilang beses ang kaniyang balikat at ngumiti bago naunang lumabas ng kuwartong iyon.
Nang imulat ko ang aking mga mata’y malabo at purong puti ang naaaninagan ko hanggang sa unti-unting lumilinaw ito. Isang puting kisame ang sumalubong sa aking paningin. Muli akong napapikit at hinawakan ang aking ulo nang kumirot ito. Napansin ko na tila may kung anong bagay sa kamay ko. Doon ay nakita kong may nakakabit ng dextrose dito. Iniikot ko ang aking paningin. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa hospital ako. Ang tanong lang ay paano ako nakarating dito? Inisip ko ang huling nangyari pero hindi ko ito matandaan. Sa tuwing pinipilit ko ito ay mas lalong kumikirot ang aking ulo. Napapikit ako dahil sa sakit. Pagmulat ko ay napabaling ako sa kaliwang bahagi kung saan hindi ko nadaanan ng tingin kanina. Napakunot-noo ako. Hindi ko inaasahan ang taong ngayon ay nakikita ko. Nakasandal siya sa di-kahabaan at malambot na sopa. Nakapikit ang mga mata habang
Naging mabilis ang mga araw. Walang humpay ang trabaho mapa-araw man o gabi. Naging magaan ang trabaho ko sa Fonteverde Corporation dahil sa tulong ng mga katrabaho ko. Mahirap ngunit sobrang 'laking bagay talaga ang naitulong nila para sa akin. Sa gabi naman, walang humpay na paroroon at parito sa loob ng club at sabayan pa ng mga toxic na mga customer. Aaminin ko, mahirap gawin. Hindi lang masakit sa paa at katawan maging sa ulo dahil sa mga pasaway na customers. Habang tumatagal din ay maraming nagpapapansin sa akin. Karamihan pa ay puro matatanda. Nanginginig na lang ako sa sobrang inis at minsan ay hindi ko mapigilan ang sariling mapairap sa hangin. Sa kabila noon, naging madalas na rin ang pagkikita namin ni Mr. Fonteverde. Minsan ay napapadaan siya sa departamento namin o hindi kaya ay naabutan ko ang likod niyang papaalis na. Minsan ko rin siyang nahu
Sunod-sunod kaming pumasok sa loob ng isang kuwarto kung saan ginaganap ang bawat pagpupulong. Nauna ang babaeng sinundo pa kami kanina, na akala ko ay bagong sekretarya ni Mr. Fonteverde, ngunit ng makita na naroroon si Mr. Salazar Samson na nakaupo sa gilid ay baka kung kanino lang sekretarya ito’t pinasundo lang kami. Isa-isa rin kaming bumati sa mga malalaking taong naroroon pagkapasok. Ang iba sa kanila ay gumaganti rin ng ngiti na aming ibinabahagi sa kanila. Ang iba naman ay tila walang pakialam sa presensya namin na kahit tumambling pa kami ay walang epekto. Iilan pa lamang ang nasa loob ngunit tumungo pa rin ako sa gitna para hintayin ang iba pa. Wala rin ang C.E.O ng kumpanya. Akala ko ba'y naghihintay na ang lahat? Kibit-balikat na lang ako sa isiping iyon. Umupo na rin sa gilid ang mga kasamahan ko kasama ang magandang babae na may salamin. Nakahanda na ang laptop at projector maging ang mga gamit na kakailanganin katulad ng mga printed papers. Napunta an
Sa bawat pagbuka ng bibig ko ay ang pagtango ng lahat. Lumalawak na rin ang mga ngiti ng mga kasamahan ko. Ngunit ang mas binibigyan ko ng pansin sa lahat ay ang ekspresyon, kilos at reaksyon ni Mr. Fonteverde. Mula sa paghawak niya sa kaniyang baba, pagpatong ng siko sa table at pagsalo ng ipinagpatong niyang mga kamay sa baba hanggang sa paglapag niya ng kaniyang kaliwang kamay sa table kung saan ang mga daliri niya sa kamay ay kaniyang binababa-taas na tila nagpapatugtog ng piyano. Kung minsan ay napapasingkit na lang ang kaniyang mga mata. Minsan naman ay binubuklat ang folder pagkatapos ay titingin sa akin. Sa lahat ay siya talaga ang kakaiba na hindi ko makuha-kuha ang ekspresyon at kilos. Blanko ito’t walang ipinagbago. Hindi ko alam kung nagustuhan niya ba o hindi. Na tama lang ba? Sakto? O puros nonsense lamang ang lahat para sa kaniya. “I believe people will patronize our product when it is what
“No, Sir! Sir!” Pagpupumiglas ko ngunit malakas ang matanda. Hindi ko alam kung bakit mas malakas pa ito sa akin. Kung pagbabasehan nga naman ang katawan ay mukhang nagbabatak ito ng katawan. Nang muli akong magpumiglas ay nagulat ang lahat sa mabilis na nangyari. Napasinghap ang lahat ng nakasaksi gayon din ako nang biglang may tumamang kamao sa mukha ng matanda at bumulagta siya sa konkretong sahig. Napahawak ako sa aking bibig ng makita ang dugo sa gilid ng kaniyang labi at kamay pagkatapos niya itong hawakan. Halos ang lahat ay nakatingin sa bahagi ko, ngunit hindi sa akin kundi sa taong katabi ko. Kaya ng ibaling ko sa kaniya ang aking tingin ay mas namilog ang mga mata ko nang tuluyang makita ang taong hindi ko inaasahan na sasaklolo sa akin sa mga manyakis na matatandang ito. Napakadilim ng kaniyang mga mata na ang hirap basahin. Hindi ko inaakala na sa lahat ng tao rito ay siya ang tutungo sa kinaroroonan ko upang ipagtangg
“Astrid!” Kaagad naman akong napatayo sa aking kinauupuan rito sa loob ng aking cubicle sa opisina dulot ng gulat sa nagawang pagsigaw. “Astrid!” Tuluyan ko na ngang nakita kung sino ang sumisigaw nang tuluyan siyang makapasok sa cubicle. “Lianna, bakit?” tanong ko at hinawakan ang kaniyang balikat dahil sa napahawak siya sa kaniyang mga tuhod at hingal na hingal. Saan ba ito galing at ano ang pinaggagawa’t mukha siyang pinagkaisahan ng mga bruha sa daan? Nang tuluyang makabawi sa pagkahingal ay tumayo siya ng tuwid upang harapin ako. Ngumiti siya sa akin ng pagkalawak-lawak. “Anong ngiti naman ’yan?” kunot-noo kong tanong. “Hulaan mo,” pambibitin niya. “Huwag mo nga akong gino-good time at stress pa ako ngayon,” wika ko habang nililigpit ang gamit ko dahil kailangan ko pang pumunta sa shop para kumustahin ang products na inilabas namin, na magtatatlong araw na ngayon. Kinakabahan na ako dahil hindi
Inikot ng aking paningin ang buong mansyon pagkaupo ko sa sopa. Iniwan muna ako sandali rito ni Manang Olivia pagkatapos niya akong pagbuksan ng gate kanina. Susunduin daw niya si Hera sa ’taas, na kagaya pa rin ng dati ay nagkukulong lang sa kaniyang kuwarto. Ipinagtataka ko lang, ilang buwan lang nang huli akong nanggaling dito at mukhang may nagbago sa malaking bahay lalo na ang interior design ng mansyon. Hindi ko alam kung ngayon ko lang ba ito napansin o may pinagbago talaga? Naging contemporary style ito na bumagay naman, ngunit nagmukha yatang simpleng bahay lang ang mansyon. From elegant to sleek and simple space na ba ito? But I like the combination of color—gold and silver. “Tutor Astrid!” Naagaw na lang ng sumigaw na bata ang buong atensyon ko at ng tumingala sa itaas ay tuluyan ko na siyang nak
Third Person’s P.O.V Pagkababa niya sa kaniyang sasakyan matapos itong iparada sa garahe sa loob ng kaniyang property ay kaagad siyang pumasok sa malaking bahay. Habang papasok ng bahay ay hinawakan niya ang kaniyang batok at inikot-ikot ito upang maibsan man lang ng kaunti ang pagod at pagkirot ng kaniyang likod dahil sa maghapong pagkakayuko dulot ng paglalaro ng golf. Hindi naging madali ang araw niya ngayon dahil grabe rin ang ginawa niyang pakikisama sa isang malaking tao na kilala rin katulad niya sa industriya at larangan ng pagnenegosyo. Nakikipagkaibigan siya sa taong ito dahil sa hinaharap ay panigurado na magagamit niya ang taong ito sa kaniyang kompanya. Ganoon naman talaga sa mundong ginagalawan niya. Kaibigan ka kung may kailangan sa ’yo. Hindi lamang kasi basta kilala lang ang taong ito kundi mayroon na rin itong limang pinatayong bagong