“No, Sir! Sir!” Pagpupumiglas ko ngunit malakas ang matanda. Hindi ko alam kung bakit mas malakas pa ito sa akin. Kung pagbabasehan nga naman ang katawan ay mukhang nagbabatak ito ng katawan.
Nang muli akong magpumiglas ay nagulat ang lahat sa mabilis na nangyari. Napasinghap ang lahat ng nakasaksi gayon din ako nang biglang may tumamang kamao sa mukha ng matanda at bumulagta siya sa konkretong sahig. Napahawak ako sa aking bibig ng makita ang dugo sa gilid ng kaniyang labi at kamay pagkatapos niya itong hawakan.
Halos ang lahat ay nakatingin sa bahagi ko, ngunit hindi sa akin kundi sa taong katabi ko. Kaya ng ibaling ko sa kaniya ang aking tingin ay mas namilog ang mga mata ko nang tuluyang makita ang taong hindi ko inaasahan na sasaklolo sa akin sa mga manyakis na matatandang ito. Napakadilim ng kaniyang mga mata na ang hirap basahin. Hindi ko inaakala na sa lahat ng tao rito ay siya ang tutungo sa kinaroroonan ko upang ipagtangg
“Astrid!” Kaagad naman akong napatayo sa aking kinauupuan rito sa loob ng aking cubicle sa opisina dulot ng gulat sa nagawang pagsigaw. “Astrid!” Tuluyan ko na ngang nakita kung sino ang sumisigaw nang tuluyan siyang makapasok sa cubicle. “Lianna, bakit?” tanong ko at hinawakan ang kaniyang balikat dahil sa napahawak siya sa kaniyang mga tuhod at hingal na hingal. Saan ba ito galing at ano ang pinaggagawa’t mukha siyang pinagkaisahan ng mga bruha sa daan? Nang tuluyang makabawi sa pagkahingal ay tumayo siya ng tuwid upang harapin ako. Ngumiti siya sa akin ng pagkalawak-lawak. “Anong ngiti naman ’yan?” kunot-noo kong tanong. “Hulaan mo,” pambibitin niya. “Huwag mo nga akong gino-good time at stress pa ako ngayon,” wika ko habang nililigpit ang gamit ko dahil kailangan ko pang pumunta sa shop para kumustahin ang products na inilabas namin, na magtatatlong araw na ngayon. Kinakabahan na ako dahil hindi
Inikot ng aking paningin ang buong mansyon pagkaupo ko sa sopa. Iniwan muna ako sandali rito ni Manang Olivia pagkatapos niya akong pagbuksan ng gate kanina. Susunduin daw niya si Hera sa ’taas, na kagaya pa rin ng dati ay nagkukulong lang sa kaniyang kuwarto. Ipinagtataka ko lang, ilang buwan lang nang huli akong nanggaling dito at mukhang may nagbago sa malaking bahay lalo na ang interior design ng mansyon. Hindi ko alam kung ngayon ko lang ba ito napansin o may pinagbago talaga? Naging contemporary style ito na bumagay naman, ngunit nagmukha yatang simpleng bahay lang ang mansyon. From elegant to sleek and simple space na ba ito? But I like the combination of color—gold and silver. “Tutor Astrid!” Naagaw na lang ng sumigaw na bata ang buong atensyon ko at ng tumingala sa itaas ay tuluyan ko na siyang nak
Third Person’s P.O.V Pagkababa niya sa kaniyang sasakyan matapos itong iparada sa garahe sa loob ng kaniyang property ay kaagad siyang pumasok sa malaking bahay. Habang papasok ng bahay ay hinawakan niya ang kaniyang batok at inikot-ikot ito upang maibsan man lang ng kaunti ang pagod at pagkirot ng kaniyang likod dahil sa maghapong pagkakayuko dulot ng paglalaro ng golf. Hindi naging madali ang araw niya ngayon dahil grabe rin ang ginawa niyang pakikisama sa isang malaking tao na kilala rin katulad niya sa industriya at larangan ng pagnenegosyo. Nakikipagkaibigan siya sa taong ito dahil sa hinaharap ay panigurado na magagamit niya ang taong ito sa kaniyang kompanya. Ganoon naman talaga sa mundong ginagalawan niya. Kaibigan ka kung may kailangan sa ’yo. Hindi lamang kasi basta kilala lang ang taong ito kundi mayroon na rin itong limang pinatayong bagong
Ava’s P.O.V Halos hindi ko maigalaw ang aking pagkain dahil sa tensyong nararamdaman ko sa aking paligid. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko. Hindi ko masabi-sabi. Sa buong buhay ko ay tila ngayon lamang ako naloko ng ganito katindi. Hindi ko alam na ang kasama ko sa buong limang taon na pagtakas sa taong kinatatakutan ko noon ay pinsan pala ng taong tumulong sa akin, na naging kaibigan ko at inaama pa ng aking anak. Sa kaniya ko ibinuhos ang lahat. Sa kaniya ko sinabi lahat-lahat maging ang mga karanasan at paghihirap ko, pagkatapos ngayon ay malalaman kong dumadaloy rin pala sa kaniya ang dugo ng pamilyang kinamumuhian ko? Paano niya ako naloko? Pare-parehas lang sila! “I really like sea foods!” wika ng anak kong si Herald na nagpabaling ng aking atensyon sa kaniya. Nakaupo siya sa gitna namin ni Jem
Hinayaan niya na ako hanggang sa makababa ako ng sasakyan. Buhat-buhat si Herald ay tinungo ko ang elevator. Gusto ko na ring magpahinga. Gusto ko ng matapos ang araw na ito. Nagkaroon na nga ako ng pagkakataon na makasama ulit si Hera, ngunit kaagad naman itong nadagdagan ng panibagong isipin at problema. Nagulat na lang ako ng may humawak ng aking balikat at nang mapahinto ay lumantad na lang sa harapan ko si Jemuel. Mabilis niyang kinuha sa akin si Herald at naunang naglakad. Ang buong akala ko na hahayaan na niya akong makapasok ng matiwasay ngunit mukhang nagkamali ako. Nagpakawala na lang ako ng marahas na buntong-hininga at sumunod sa kaniya. Hindi na ako nagtaka pa. Ganito talaga si Jemuel, kapag siya na ang nagkasala ay nangungulit at hindi ka basta na lang hahayaang makalayo hangga't hindi natatapos ang isipin at problema, ngunit kapag ikaw naman an
Ava’s P.O.V “Para po kay Miss Ramirez.” Natigilan ako sa paglilimbag sa harap ng kompyuter nang marinig ko ang pekeng ginagamit kong apelyido. Maya-maya lang ay sumilip si Lianna at Veronica sa pintuan ng aking cubicle. “Bakit?” nahihiwagahan kong tanong. Sa halip na sagutin nila ang tanong ko ay maloko nila akong nginisian. Nagawa pang itaas-baba ni Lianna ang kaniyang mga kilay. Tamad akong napabuntong-hininga. “Bakit nga?” tanong ko ulit, ngunit natigilan na lang ako nang lumantad sa aking harapan ang isang malaking bouquet ng magkahalong pula at puting rosas, at isang box na nakabalot. Hindi ko napigilan ang mapataas ng kilay.
Ava's P.O.V Matapos kong hawakan ang kamay ng aking anak na iniabot niya sa akin ay lumabas kami ni Herald sa aming unit at tumungo sa elevator. Binuksan ko naman iyon nang pakiusapan ako ng aking anak na buksan ito. “Mom, can you click the thirtieth floor?” turo ni Herald sa mga pindutan nang makapasok kami sa loob. Hinayaan ko na lang ang anak ko sa kung ano ang mga inuutos niya sa akin. Wala naman akong magawa dahil kahit ako ay gustong malaman kung ano ang mayro’n. Diniin ko ang hintuturo ko sa pindutan na may nakalagay na tambilang na ‘tatlumpu’. Ibig sabihin lamang nito ay patungo kami sa tuktok ng gusali. Nasa ika-siyam na palapag kasi naroroon ang tinutuluyan naming unit dito sa gusaling ito. Nang tumunog ang elevator senyales na narito na kami ay bumukas ang dalawang magkasalubong na pinto nito. Kaagad n
Ava’s P.O.V ‘Life must go on’, ika nga. Kaya kahit marami na ang nagdaang unos ay tuloy lang sa pagsagwan sa buhay. Parang kailan lang ay waring ang bigat ng bawat paghakbang ko sa lupa, ngayon ay gumagaan na. Kahit papaano ay nakaya ko ring lampasan basta lapatan lamang ng tapang at tiyaga. Nang malampasan ko ang trabaho sa umaga at trabaho sa gabi, ang malaking proyekto na ibinigay sa akin ni Mr. Fonteverde at ang sarili kong proyekto, ang pagkawala ng oras kay Herald, ang pangungulila kay Hera, at pumasok pa sa eksena ang hindi ko inaasahang katotohanan na darating sa akin at iyon ay ang malaman na magpinsan pala sina Jemuel at Mr. Fonteverde, na isa rin siyang Fonteverde. Ang lahat ng iyon ay parang sa isang iglap lang naganap. Nakagagaan ito sa puso lalo pa’t maayos na kami ni Jemuel ngayon. Sa kabila ng katotohanan na iyon ay mas lalong tumatag ang pagk