Ava's P.O.V
Matapos kong hawakan ang kamay ng aking anak na iniabot niya sa akin ay lumabas kami ni Herald sa aming unit at tumungo sa elevator. Binuksan ko naman iyon nang pakiusapan ako ng aking anak na buksan ito.
“Mom, can you click the thirtieth floor?” turo ni Herald sa mga pindutan nang makapasok kami sa loob. Hinayaan ko na lang ang anak ko sa kung ano ang mga inuutos niya sa akin. Wala naman akong magawa dahil kahit ako ay gustong malaman kung ano ang mayro’n. Diniin ko ang hintuturo ko sa pindutan na may nakalagay na tambilang na ‘tatlumpu’. Ibig sabihin lamang nito ay patungo kami sa tuktok ng gusali. Nasa ika-siyam na palapag kasi naroroon ang tinutuluyan naming unit dito sa gusaling ito.
Nang tumunog ang elevator senyales na narito na kami ay bumukas ang dalawang magkasalubong na pinto nito. Kaagad n
Ava’s P.O.V ‘Life must go on’, ika nga. Kaya kahit marami na ang nagdaang unos ay tuloy lang sa pagsagwan sa buhay. Parang kailan lang ay waring ang bigat ng bawat paghakbang ko sa lupa, ngayon ay gumagaan na. Kahit papaano ay nakaya ko ring lampasan basta lapatan lamang ng tapang at tiyaga. Nang malampasan ko ang trabaho sa umaga at trabaho sa gabi, ang malaking proyekto na ibinigay sa akin ni Mr. Fonteverde at ang sarili kong proyekto, ang pagkawala ng oras kay Herald, ang pangungulila kay Hera, at pumasok pa sa eksena ang hindi ko inaasahang katotohanan na darating sa akin at iyon ay ang malaman na magpinsan pala sina Jemuel at Mr. Fonteverde, na isa rin siyang Fonteverde. Ang lahat ng iyon ay parang sa isang iglap lang naganap. Nakagagaan ito sa puso lalo pa’t maayos na kami ni Jemuel ngayon. Sa kabila ng katotohanan na iyon ay mas lalong tumatag ang pagk
Ava’s P.O.VDahil nasiraan ako ng sasakyan sa daan ay nag-commute na lamang ako patungong Fonteverde Corporation. Pagkababa ko ng sinakyan kong dyip ay tumakbo ako patungo sa pedestrian lane upang makatawid papunta sa kabila. Nang magpula ang ilaw na senyales na puwede ng tumawid ang mga tao sa bawat gilid ng kalsada patungo sa kani-kaniyang ruta ay sabay-sabay kaming nagsitawid. Pagkarating sa kabila ay lakad-takbo ako, lumiko ako. Ang harapan kasi ng kinatatayuan ng gusali ay nasa likod kung saan ako binaba ng sinakyan kong dyip kanina.Nang makarating sa harap ng gusali ay may iilang taong nakatumpok at tumitingin sa malayo. Napahinto ako at sinundan ko kung saan sila nakatingin at doon ay nakita ko si Mr. Fonteverde na may kaharap na matandang gusgusin. Binubulyawan niya ang matanda na aking ikinasingkit ng mga mata.
“Hey, Mom!” kaagad na bungad sa akin ni Herald nang ibigay sa kaniya ng Tito Jemuel niya ang selpon.“Hi, Son. How's your meeting with Tito Jemuel's mother?” I asked as I smiled because even though I couldn't see him, I could still hear my son’s joy on the other line. Sadyang gusto ko lang tanungin upang makumpirma ito.“Lola Helin cooked me ginisang bangus for breakfast and I love it. She is good as you are in cooking, Mommy,” masayang pagkukuwento niya.“Really? I’m glad to hear that. Are you enjoying their companion?” Tumungo ako sa hardin nang may nakita akong paruparo na nakadapo sa isang bulaklak na rosas. At nang tuluyang makalapit ay doon ko napansin na marami pala sila.Narito ako sa malaking bahay ng m
Pagbukas ng elevator na aking kinalululanan ay may pumasok na tatlong babae sa ikatlong palapag nang bumukas ito. Base sa kanilang uniporme ay isa sila sa mga empleyado ng gusaling ito. Para silang bulateng-lupa na sa tuwing hinahawakan mo ay kumakawag-kawag.“Nakita ninyo ba si Mr. Fonteverde na pumasok kanina? Napakapogi niya sa suot niyang eyeglasses,” sambit ng isa sa kanila na naka-ponytail ang buhok at hindi pa nakuntento dahil niyugyog pa ang kasamang may pantay na buhok ngunit mababa lamang na babae.Kapagdaka'y biglang natuon ang mga tainga ko sa kanila at bahagyang napataas ang aking kilay dahil sa narinig.“Oo nga. First time kong nakita siyang may salamin sa mata. Hindi ko tuloy mapigilan ang titigan siya kanina lalo na sa tuwing nagkakasalubong ang kaniyang mga kilay,
PATUNGO ako ngayon sa departamento namin pagkatapos kong makaharap si Mr. Fonteverde. Para akong nakalutang sa mga ulap dahil sa sobrang sayang nararamdaman. Hindi ako makapaghintay na ibalita sa kanila ang good news na natanggap ko sa araw na ito.Pag-apak ko ng aking mga paa sa bukana ng aming departamento ay nagulat ako sa biglang pumutok.“Congratulations, Astrid!” sigaw nilang lahat na nagpalaki ng aking mga mata dahil sa gulat.Doon ko lang nalamang confetti pala ang pumutok dahil sa pagbagsak ng iba’t ibang kulay ng mga piraso sa aking kinatatayuan. Naroon silang lahat at may banner pa na nakalagay na ‘Congratulations, Miss Ramirez!’ Halos hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang kagalakang nararamdaman ko ngayong araw. Now I feel how to be promoted even this is not my field
“Okay, this is your final assignment for the product that we will release before the year's end. Leo, with your team, prepare your editing skills and creative imagination because your team will layout the product’s design and also the slogan of the product advertising campaign. Apollo with your team, ready your voice and confidence for the marketing purposes and also prepare a various concept task and conduct final analysis for the product’s needs on how we effectively introduce it to the customers. Lianna, develop a perfect plan event for the showcase of the new product, make sure that we shoot the target. Veronica, you already know what you are going to do as a Digital Strategist. And I will assist you all and do my task too. So, nagkakaintindihan ba tayong lahat?” pumalakpak ako ng dalawang beses matapos kong sabihin iyong lahat. “Yes, Miss!” koro nilang sagot.
“Gano’n ka naman talaga... madaya ka kahit kailan,” pagnguso ko na tila ba kaharap ko ang aking kausap. “Sorry for that though. Ang mahalaga naman ay mahal kita,” pagtawa niya ngunit sa halip na matawa ako ay bigla akong nakaramdam ng pagkaasiwa. Narinig ko siyang tumikhim sa kabilang linya na paniguradong naramdaman ang nagawa kong pananahimik. “Excuse me. I’ll drop the call, narito na ang patient ko,” pagpapaalam niya. “Sige. Take care,” wika ko na lang bago namatay ang tawag. Bumuntong-hininga ako at ibinaba ang selpon sa mesa. Sandali akong natulala sa harap ng aking kompyuter at saka pa lang napabaling sa bukana ng aking kinalalagakang lugar nang may kumatok mula rito. Doon ay nagtama ang aming paningin ng taong hindi ko inaasahang makikita ko ngayon. I think he was busy to visit his employees in almost ever
Ava’s P.O.VNapapunas na lang ako ng pawis na namumuo sa aking noo. Kahit tirik na tirik ang araw ay ginawa pa rin namin ang pag-sho-shoot sa mga models na gagawin naming mukha sa bagong produktong ilalabas namin. Narito kami sa gilid ng pampublikong kalsada kung saan kakaunti lamang ang dumadaang sasakyan ngunit maraming taong pumaparoon at parito. Isa sa dahilan kung kaya’t maraming tao ay patungo ito sa Supermarket. This is the perfect spot for the product. Bliss Perfume will still freshen you up even though you are in a public place.“Astrid, what do you think is the perfect shot for the front page of the magazine?” tanong sa akin no’ng bi na nag-edit ng mga taken shot sa laptop pagkatapos ito e-export.Napayuko naman ako at tumingin sa screen ng laptop. Buti na lang ay nakapuwesto ito sa may silong sa tabi ng isang hindi bukas na grocery store.“I like this one... It’s kind of minimalist and the smile o