Share

Chapter 39.1

Pagbukas ng elevator na aking kinalululanan ay may pumasok na tatlong babae sa ikatlong palapag nang bumukas ito. Base sa kanilang uniporme ay isa sila sa mga empleyado ng gusaling ito. Para silang  bulateng-lupa na sa tuwing hinahawakan mo ay kumakawag-kawag. 

“Nakita ninyo ba si Mr. Fonteverde na pumasok kanina? Napakapogi niya sa suot niyang eyeglasses,” sambit ng isa sa kanila na naka-ponytail ang buhok at hindi pa nakuntento dahil niyugyog pa ang kasamang may pantay na buhok ngunit mababa lamang na babae.

Kapagdaka'y biglang natuon ang mga tainga ko sa kanila at bahagyang napataas ang aking kilay dahil sa narinig. 

“Oo nga. First time kong nakita siyang may salamin sa mata. Hindi ko tuloy mapigilan ang titigan siya kanina lalo na sa tuwing nagkakasalubong ang kaniyang mga kilay,

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status