Madilim. Nakalulunod. Para kang sinasakal. Nakatatakot. Mawawalan ka na lang ng buhay kapag pinasok mo ito.
Kahit hindi natapos ang kuwento ni Manang Olivia, kahit papaano’y may nalaman ako. Alam ko na kung ano ang kuwento ng madilim na anino na kumukubli sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam. Hindi ko malaman. Dahil sa nalaman ko ay nahabag na lang ako sa kaniya at nakaramdam ng awa. Pareho kaming biktima ng nakaraan.
Masarap sabihing, ‘buti nga dahil deserve n’yo ’yon’ pagkatapos ng ginawa ng ama niya sa mga magulang ko at kulang pang mabaliw siya. Pero hindi.
Kaya ba nagagawa niya ang pumatay ng walang pagdadalawang-isip dahil wala siyang nakikitang liwanag? Kung gayo’y dapat pala akong magpasalamat dahil wala sa katiting ng pinagdaanan niya ang mga pinagdaanan ko.
“Tito Jemuel!” Patalon-talon pa si Herald nang makita ang Tito Jemuel niya na pumasok pagkatapos ko siyang pagbuksan ng pinto.Iminuwestra naman ni Jemuel ang mga kamay niya upang salubungin ng yakap ang anak ko. Natawa na lang ako nang magawa pang buhatin ni Jemuel si Herald at iniikot ang bata na ikinahiyaw ni Herald.“You miss me?” tanong ni Jemuel pagkatapos ikutin ang anak ko at ilapag.“Of course, Tito. I miss you,” pagtugon naman ng bata.“It’s been a week since our last meet you even miss me that much?” pag kunot-noo niya.“Of course, Tito Jemuel. Where's my pasalubong?” pagngingiti ni Herald.“That’s it! That’s the reason why you miss me because of pasalubong. I will no longer come here next time even you beg for my presence,” pagtatampo ni Jemuel. Umiwas pa siya sa anak ko na mas lalong ikinadikit sa kaniya ni Herald at halos sakalin siya sa h
Nagulat ako nang may kamay na biglang pumigil sa pagsara ng elevator at nang tuluyan itong bumukas ay tumambad sa aking harapan si Mr. Fonteverde, na ikinalaki ng aking mga mata. Abala siya sa pag-aayos ng kaniyang tuxedo. Nang tuluyan niyang iangat ang kaniyang paningin ay bakas sa kaniyang ekspresyon ang labis na pagkagulat. “Oh damn!” untag niya. Kahit ako ay nagulat at tiningnan ang kabuuan ng elevator. Maging siya ay sinuri ang kabuuan nito na tila iniisip kung nagkamali ba siya ng pinasukan o ano. Napapikit ako. Dahil sa nagawang pagmamadali ay nakagawa pa tuloy ako ng kapalpakan. Sa aming dalawa ay ako ang naligaw. Isang eksklusibong elevator pala ang napasukan ko. Mr. Fonteverde do not allow his employees to use his elevator even his men and Mr. S
Pagkalabas ko sa comfort room suot-suot ang kulay rosas na t-shirt ay nagkalingunan kami ni Mr. Fonteverde kung saan kalalabas lang din niya sa comfort room ng mga lalaki. Bagay na bagay sa kaniya ang kulay rosas na damit dahil nangingibabaw ang kremang-puting kulay ng kaniyang balat. Sabay rin kaming napaharap sa mga anak namin na ngayon ay kapuwa nakangiti na habang hinihintay kami sa tapat ng comfort room. Inilahad ko ang aking kamay kay Herald na kaagad namang tumakbo papunta sa akin at iniabot ang kamay ko. Samantalang si Hera naman ay tumakbo patungo sa kaniyang ama at hinawakan ang kamay ni Mr. Fonteverde. Nauna kaming naglakad papalabas ng pasilyo nang hinila ni Hera ang daddy niya at sumabay sa amin. Naghawakan ng mga kamay ang mga bata at nagtatalon habang hawak din namin ang magkabilaang mga kamay nila. Great! Ngayon ay mukha na kaming isang
Tumingin ako kay Mr. Fonteverde na ngayon ay nakaupo kasama ang mga ama ng bawat pamilyang nasa team namin.Samantala, kami ng mga ina kasama ang mga bata ay nakapuwesto sa iisang lugar kung saan nagpapahinga habang naghihintay ng kasunod na anunsyo para sa susunod na laro.“Can you give this to your father?” pakiusap ko kay Hera nang iabot ang isang bote ng tubig.“Sure, Mommy Astrid,” pagtalima niya’t tumakbo patungo sa kaniyang ama pagkatapos itong kunin.“Here’s yours , son,” bigkas ko nang iabot ko naman ang isa kay Herald.“Thanks, Mom,” tugon niya at muling hinarap ang kausap na naging kaibigan nila, na ngayon ay nasa ika-unang baitang sa elementarya. Bunsong anak na lalaki ito ng isa sa ka-team namin.“Thank you, Mommy Astrid,” ngiti sa akin ni Hera nang ibigay ko sa kaniya ang isa sa pagkabalik niya.“You’re welcome.” P
“Oh my gash! I can't take it anymore! Dapat pumunta pala ako para makita iyon!” pagtitili ni Shaelza nang ikuwento ko sa kaniya ang nangyari.Alam ko kung sakaling malaman man ito ni Mr. Fonteverde ay malilintikan talaga ako lalo na’t binilin niya itong kami lamang ang dapat na makakaalam. Hindi ko kasi napigilang ikuwento lalo na kung may kaibigan kang makulit. Pumunta lang talaga ang taong ito rito sa amin para maka-usyoso sa kung ano ang nangyari kanina.“Ano ba? Magigising ang anak ko,” pagsaway ko sa kaniya. Nagawa ko pang ituro ang kuwarto ni Herald na ngayon ay mahimbing na natutulog dahil sa pagod ng buong maghapon na ginawa sa Family Day event na iyon kanina.Naitakip niya naman ang kamay sa bibig niya.“Wala ka bang picture?” tanong niya na ikinailing ko naman, “Oh my gash! So sayang! Bakit kasi hindi mo kinuha?” pagmamaktol niya.Nagkibit-balikat ako. “Ano namang gagawin ko do&r
“Daddy, I'm hungry,” wika ni Hera na ikinahinto ko’t ikinatingin sa kanilang dalawa. “I’ll call for—” “Huwag na ho Mr. Fonteverde. Magluluto na lang ho ako, madali lang ito,” ngiti ko’t tumayo. Wala akong narinig na kung ano mula sa kaniya kaya mabilis akong tumungo sa kusina upang magluto. Tumingin-tingin ako sa putaheng naroroon at sinilip ko rin ang loob ng repridyeretor kung ano ang mga laman nito. Sa huli ay napagpasyahan kong magluto ng tinolang manok. Sa tingin ko ay ito ang madaling lutuin ngayon at sakto sa araw dahil makulimlim. Naisip ko tuloy kung paano makaka-survive ang dalawa ng walang tagapagsilbi. Huwag mong sabihing panay na lang sila order at pa-deliver ng pagkain sa labas? Hanggang kailan ba ang bakasyon nina Manang Olivia at ng iba? Hindi pa naman maganda kung palaging fast food ang kinakain ng dalawa. Habang pinapakulo ang manok ay nagsaing na rin ako. Kalahating oras lang ay tapos na ito. Kaysa mag-order pa n
Halos mapatigagal ako sa mga sinabi ni Mr. Fonteverde na maging ang utak ko’y hindi kayang maproseso ang lahat ng iyon, kung kaya ang puso ko ngayon ay ’di na matahan pa dahil sa matinding pagkabog. Nakatitig lamang ako ngayon at kinakapa kung ano ba ang dapat o tama kong itugon doon. Nagugulumihanan ako na hindi ko malaman sapagkat hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang mga katagang iyon at hindi nagsasawa kahit paulit-ulit ito sa utak ko. Nasa mabuti pa naman siguro akong kalagayan, hano? Pero bakit pakiramdam ko’y hihimatayin ako? Sa tanang lalaki ay siya lamang ang nakagagawa nito sa akin. Ibig sabihin, hindi na ito mabuti? Ava, wake up! Kailangan mong magising. “Daddy, I’m ready!” Bahagya na lang akong nagitla n
Third Person P.O.V Malalaki ang bawat nagagawa niyang paghakbang sa loob ng isang madilim na basement. Inaayos niya ang kaniyang suot na tuxedo habang papalapit sa isang kuwarto na puno ng hiyawan at pagtangis ng isang lalaking pinapahirapan ng mga matitipunong kalalakihan na may suot na purong itim na kasuotan. “Magandang gabi, Mr. Fonteverde. Nasa loob ho si Mr. Segurado Fonteverde,” anang lalaking hindi naman gano’n kalaki ang katawan pero sa tindig nito’y katatakutan mo. Tumango na lang si Alas at sineyasan na buksan ang pinto na kaagad namang tinalima ng lalaki. “My favorite nephew is now here.” Halakhak ni Segundo nang makita ang pamangkin. Paanong paborito e, siya lang naman ang kaisa-isang pamangkin nito. “Mr. Fonteverde! Boss, pakawalan mo ’ko. Wala talaga akong kinalaman doon,” pagmamakaawa at pagpapalag na rin ng lalaking basag-basag na ang mukha at puno ng dugo mula sa mga sugat na natamo dahil sa pambubugbog. Nakaluhod ito