Share

Chapter 34

Ava’s P.O.V

“Para po kay Miss Ramirez.”

Natigilan ako sa paglilimbag sa harap ng kompyuter nang marinig ko ang pekeng ginagamit kong apelyido. Maya-maya lang ay sumilip si Lianna at Veronica sa pintuan ng aking cubicle.

“Bakit?” nahihiwagahan kong tanong.

Sa halip na sagutin nila ang tanong ko ay maloko nila akong nginisian. Nagawa pang itaas-baba ni Lianna ang kaniyang mga kilay.

Tamad akong napabuntong-hininga.

“Bakit nga?” tanong ko ulit, ngunit natigilan na lang ako nang lumantad sa aking harapan ang isang malaking bouquet ng magkahalong pula at puting rosas, at isang box na nakabalot. Hindi ko napigilan ang mapataas ng kilay.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status