"Ito dalhin mo 'to." pinakita ni Sheena kay Lianne ang isang sexy na lingerie. "Kailangan mo 'to para sa honeymoon niyo ni Captain!" kinikilig na sambit nito.
Nabatukan ni Lianne ang pinsan at inismiran ito. Walang honeymoon nangyari dahil nauna na! Gusto sana niyang sabihin sa babae ang katagang iyon pero mas lalo lang siya nitong bwesitin at pilitin magkwento hanggang umaga.
"Ito, ito, ito rin." Pinagdadampot nito ang mga sexy nitong nighties sa closet at nilagay sa luggage niya. "Lahat, suotin mo'yan at tikman mo siya ng bonga! Ibulong mo agad sa'kin kung gaano siya kasarap, ah?" humagikhik ito habang pinagpapasok sa loob ng kaniyang bag ang mga damit na hindi niya kayang suotin buhay niya.
Mapapa-sign of the cross na lang talaga siya sa mga kasuotan at lingerie na pinadala nito sa kaniya. Ang weird lang dahil hindi naman siya magsusuot ng mga ganito, ever! Si Sheena na ang nagligpit para sa kaniya, lahat ng mga gamit niya ay nil
Nanigas ang kaniyang buong katawan at napapikit ng mariin. Kung kainin siya ng aso, dapat kay Zyd na lang pala siya nagpakain tutal mukha rin naman 'tong aso. Dalawang kahol ang narinig niya at ramdam niyang may dumila sa kaniyang magkabilang kamay.Ayan na! Kakainin na siya. Pinanlamigan siya ng katawan at baka hindi na siya aabutin ng umaga nito. Hinintay niyang kagatin siya ng mga aso pero lumipas na lang ang napakahabang segundo, walang kumagat.Ba't ayaw nila akong kagatin? Naglakas loob siyang magbukas ng mata at para siyang nabunutan ng tinik nang makitang nakaupo ang dalawang aso na subrang lalaki ng katawan at halos kasingtangkad ng kaniyang height saka nag-puppy eyes.Ang cute naman! Nag-alangan pa siya nung una na hawakan ang mga ito dahil baka sunggaban ang kaniyang maliit na kamay pero nung mag-wag tail na ang dalawang aso, napa-shit siya sa subrang bait. Hinimas niya ang mga ulo ng mga 'to at ang
Lumipas ang isang linggo na walang masyadong problema sa pagsasama... What she mean is pagtira niya sa bahay ni Zyd. Madalang lang itong nagpapakita sa bahay, kung minsan ay sa kabilang bahay ito nagpapalipas ng gabi. In which walang problema iyon kay Lianne. Okay rin na wala siyang cellphone, according kasi sa source niyang si Trixie at Hera isama na rin ang kaniyang pinsan... Nung minsan tinawagan niya ang mga ito sa telephone, naging mainit sa news at tsismis ng tao ang pagpapakasal ni Zyd sa ibang babae.Kaharap niya si Tacu at Lula nang araw na 'yon nang dumating ang lalaki at deritsong binati ang alagang aso. Napaismid siya, mukhang hindi siya nito nakita. Pinagmasdan na lang niya ito habang naglalaro sa alaga. Nag-stay lang ito nang ilang minuto at umakyat na sa 3rd floor kung saan ang kwarto nito. Nagkibit lang siya ng balikat at hinarap ulit si Lula; 'yung golden retriever. Si Tacu kasi ay nakakatakot ang hitsura nitong para handang lumapa ng tao lalo
Tinatamad na binuksan ni Lianne ang malaking flat screen TV sa sala nang hapong iyon. As usuall, wala si Zyd. Nasa game nito at minsan siyang nag-presinta na sumama pero umayaw ng lalaki. Ano ba ang silbi ng sinasabi nitong 'Support him in every game?', hindi na siya nag-insist. Nanatili siya sa bahay para magpaka-bored pero pag subrang bored na talaga, pupuntahan na lang niya ang coffee shop.Napaunat siya ng likod nang eksaktong mukha ni Henrik ang unang nakita niya habang naglalaro ng hockey. Napasapo siya sa ulo sa alaalang nagyaya pala ito sa kaniya nung nakaraan linggo at nawala na sa utak niya. Ano na lang ang iisipin nito? Masyadong mabait ang lalaki sa kaniya kaya hindi nito deserves na tratuhin ng ganito.Agad niyang tinakbo ang sariling kwarto at hinanap ang number nito sa kaniyang bag. Napangiti siya nang makita niya iyon at bumalik ulit sa sala. Napatanga siya nang tumutok ang camera kay Zyd na naglalaro at nakikipag-agawan
Kaharap niya si Lula at kinakausap ito habang lihim na nakikinig sa sintemyento niya. Si Tacu naman ay masyadong walang paki sa kaniyang kadramahan at natulog lang sa kaniyang paanan. Ang plano na lumabas sila papuntang lake ay 'di natuloy dahil naalala niya 'yung punishment ng lalaki. Hindi siya baliw para pumayag sa punishment nitong sinasabi."Answer me Lula! Do you think I'm pretty?" pag-uulit niya sa kaniyang tanong pero hindi ito sumagot. Pati aso napagod na sa kaniyang pag-iinarte.Ito last question na lang bago siya pumasok sa loob at tumambay sa kahit saang sulok ng bahay habang mag-basa ng librong hindi niya alam ang mga title. "Do you think... He... Likes me?"Napasimangot siya nang maghikab ito at natulog sa kaniyang paanan. That's it, nakakapagod nga talaga siyang kausap. Nag-walk out siya at hinayaan ang mga ito na matulog. Nagtuloy-tuloy siya sa kusina at kumuha ng pagkain do'n. Isa sa advantage niya
Hindi siya makatulog buong gabi kaya kinabukasan, para siyang sabog na bumaba ng hagdanan at parang kasapi ng rugby gang sa hitsura. Kumakamot pa siya sa ulo papuntang kusina at uminom ng subrang lamig na tubig para tuluyan magising ang inaantok niyang diwa pero walang epekto."Goodmorning!" masiglang bati sa kaniya ni Zyd.Kumakamot pa si Lianne sa kaniyang singit. "Goodmorning din."Sino ba kasi ang maagang mag-goodmorning sa kaniya? Maliban sa hindi pa sila nagkakasalubong ni Zyd sa loob ng bahay na ito tuwing umaga, si Lula at Tacu lang ang naisip niyang babati sa kaniya. Salamat naman at nakakapagsalita na ang mga aso sa bahay na 'to."Are you sick or something?""I'm okay—" Awtomatikong nanlaki ang kaniyang mga mata nang maalalang hindi naman pala nagsasalita ang mga alagang aso.Kitang-kita niya ang bagong ligo na si Zyd at subrang presko tingnan. Tumama pa ang sinag ng araw
Tahimik lang na nakikisabay si Lianne sa isang tabi sa pamilya ni Zyd. Nalaman din niya 'yung brown na buhok na ka-engkwentro niya kanina ay bunsong kapatid ng lalaki. So what? Awayin pa niya ito, eh. Masyadong bastos ang bibig. Maingay ang buong paligid at kaniya-kaniyang tawanan ang mga ito at nag-uusap habang sandaling umalis ang asawa raw niya sa papel dahil tinawag ito ng ama."Can I have a few words with you, young lady?" Lumapit sa kaniya ang ina ni Zyd. Nakangiti ito kaya kampante siyang sumama rito nung akayin siyang mag-usap sila sa balcony."Tell me dear, on what earth why my son marry you instead of Kate?" nakangiting tanong nito.Natigilan siya. Kahit nakangiti ang magandang ginang sa kaniyang harapan, hindi niya maiwasan iba ang tono nito."Ma'm, may I ask you a query?"Nagdaan muna ang ilang segundo bago ito tumango. Nakatayo sila pareho at may bitbit itong wine glass. Oras na m
BITBIT ni Lianne sa umagang iyon ang laptop at nilagay sa breakfast bar habang kausap ang pamilya sa Pinas thru Skype. Medyo nakahinga siya ng maluwang nang malaman nakalabas na ang kaniyang Ina at sinimulan na rin itayo ulit ang bahay nilang minsan nagdrama para lang talaga kumapit siya kay Zyd."Kumusta finals niyo?" tanong niya sa kapatid niyang future architect. Tumawa naman ito ng malandi sa kabila at nagmamayabang na pinakita sa kaniya ang matataas na marka."Hoy, ikaw malandi. Kumusta 'yan malunggay mo? Buo pa o wasak na?" pagtatanong niya sa isa niya pang kapatid."Ate ang bibig mo!" agad naman napasimangot ito sa kabilang linya. Napahalakhak naman siya sa naging reaksyon ng kaniyang kapatid. "Eh, ikaw? Kumusta na ang pagiging topakin mo, ate? Maliban sa paiba-iba ka ng mood, lakas pa ng tuyo mo sa utak."Napataas ang kaniyang kilay sa lampastangan sinabi nito lalo na't sabay pa itong nagsitawanan sa k
Nakasuot si Lianne ng malaking cap at may bitbit na popcorn nang magsimula siyang manood ng live game ng National Hockey League at ang naglalaro ay ang Eastern Conference: Atlantic Division A at Metropolitan Division B. Okay lang na mag-ingay siya, wala naman ang kaniyang asawa 'raw'. Afterall, 7 nang gabi kaya malaya siyang manood habang nasa paanan niya ang dalawang aso at ginawang watcher sakaling dumating si Zyd.Sa kapapanood niya ng hockey dati, naintindihan niya na ang nakakalitong larong ito. Dati, 'di niya maintindihan kung bakit hinahabol ng mga bwesit ang maliit na puck at pinag-aagawan. Kung pwede naman siya ang pag-agawan. Napahagikhik siya sa naisip."Go, King Henrik!" malakas na sigaw niya sabay ihip niya sa kaniyang torotot na dala saka lumamon ng popcorn.Umiiling naman si Lula at Tacu sa kaniyang kaingayan at humiga sa carpet na nando'n. Hinihintay siyang matapos sa kaniyang pag-fan girling.