Nagpasya siyang dumeritso sa Coffee Shop nang araw na iyon pero naka-close pa. kaya nagpasya siyang dumalaw ulit sa paborito niyang spot; ang swing. Tahimik siyang napaupo ro'n at malayang pinagmasdan ang magandang halaman sa kalayuan. Parang kahapon lang masaya pa sila ni Zyd at isang iglap biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya. Mapait siyang napangiti. Well, hindi niya napaghandaan iyon. Marahan siyang napabuntunghinga. Isang oras siyang nasa swing at hindi niya namalayang nakatulog siya habang nakasandal sa lubid.
Nagising lang siya nung may humaplos sa kaniyang pisngi, una niyang nabungaran ay si Henrik at masuyong nakangiti sa kaniya. "I'm sorry if I wake you up. There's a left though..." Pinakita nito sa kaniya ang dahon na hawak.
Namula ang kaniyang magkabilang pisngi at umayos ng upo saka siya ngumiti ng matamis. "Hey!" nakuha niyang bumati rito.
Ngumiti lang ito at umupo sa kabilang swing. "How's life?
(N/A:Ang susunod na mangyari ay bahala na kayo. Ihanda ang kutsilyo at itak)Natawa siya ng mapakla nang tumuntong ang oras ng alas dose nang gabi. Wow! Walang Zyd na dumating, walang asawa niya ang bumati man lang sa kaniyang birthday. Nag-iwan siya ng note sa ref na birthday niya at sa bahay nila Sheena ang munting celebration pero wala, walang Zyd Caiden McCluskey . Masyado ba siyang umasa na darating ito?Kanina pa nagpaalam si Henrik at umalis, mabuti pa ang binata. Kahit busy itong tao, may oras ito sa kaniya at nagdala pa ng gift. Si Hera at Trixie, umalis na rin dahil maaga ang mga 'to bukas sa Coffee Shop habang naunang nagpaalam si Sheena at nang kaniyang tiyahin at asawa nito matulog. Siya na lang ang mag-isang taong nakatayo sa balcony at matamang naghihintay na biglang susulpot ang lalaki.Napabuntunghinga siya. It's okay, birthday lang naman ito eh. Walang special kasi nga, birthday lang niya. Kaya n
Sa isang mumurahing hotel si Lianne bumagsak. Ayaw niyang bumalik sa bahay ng kaniyang tiyahin at baka mahabang sermon ang abutin niya rito pag makita siyang bitbit ang kaniyang mga gamit. Iniwan niya rin sa ibabaw ng kama ang contract nila ni Zyd at nag-iwan siya ng note na gusto niya ng divorce. After sa nangyari, magpakatanga pa ba siya? Nasa Pittsburgh siya, wala sa Pinas para magpakamartyr pa. Sa Pinas lang uso ang marupok.Mabilis niyang pinahiran ang luha na lumabas sa mga mata niya. No, 'di deserved nito iyakan. Dahil ang totoo, kung siya tanga, si Zyd mas tanga! Ginago na nga ito ng ilang beses ng ex, sige pa rin. Well, hindi niya iyon kawalan. Nabasag nga puso niya atnasaktan but doesn't mean na magpakarupok siya. Inayos niya ang sarili at pinangakong hindi siya iiyak na habang nakatingin sa salamin.May mga kalmot at mga sugat lang naman siya pero keri lang. Malayo sa atay, 'di nakakalason. Tinamad siyang gamutin ang kan
Napatingin si Lianne sa malaking salamin at napangiti. Kakayanin niya ang training kahit sobrang nahihirapan siya. Hindi naman siya pang-model ang dating pero dahil sa laki ng tiwala ni Fritz sa kaniya at sa kailangan niya ng trabaho para mabuhay rito sa Pittsburgh, kailangan niyang yakapin ang opportunity na iyon. Papatunayan niyang ang pinay na tulad niya ay may kayang ipagmalaki.Ang nakasaad sa contract, sa Catalog and Commercial Model siya ilalagay. Dahil hindi siya matangkad, hindi siya pwede sa Fahion or sa Run Away. Wala naman problema iyon kay Lianne, kahit maging tagahugas lang siya ng baso at plato okay na sa kaniya. Malaki naman rate ng dollar pag naging peso.It's now or never! Ngayon niya ipapakita sa lahat na hindi lahat ng pinay, kayang api-apihin. Lahat ng babae ay may iba't ibang kagandahan, maputi man o maitim. After all, hindi sa kulay nabi-base ang kagandahan ng isang babae, nasa puso ito at kabutihan ng loob. And that gave her
Napakuyom ng kamao si Zyd nang makitang sumakay si Lianne sa kotse ni Gustavvson. Napangisi siya. Lumabas na nga ang totoong kulay ng babae. Madilim ang anyo na pinaharurot niya ang sasakyan pabalik ng bahay.Agad siyang dumeritso sa kwarto ng babae at kinuha ulit ang contract na iniwan ni Lianne at ang sulat. Mabilis niyang nilamukos iyon at binato sa malapit na trashbin. Fuck! Ang lakas ng loob nitong umalis sa kaniyang poder after ng ginawa nito?Nagsimulang kumuyom ang kaniyang kamao at pilit kinalma ang sarili. Ang lakas ng loob nitong sabihin sa kaniya sa sulat na hindi siya nito gustong makasama at si Henrik Gustavvson ang lalaking gustong gusto nito. Na ginamit lang siya kapalit ang pera at citizenship ng babae. Na hindi na ito naghabol ng pera dahil kaya nitong perahan ng mas malaki si Gustavvson, mas gwapo ito kesa sa kaniya at sawang-sawa na ito sa kaniya kaya aalis na ito sa kaniyang buhay. Na huwag niya itong guluhin pa kahi
Agad niyang hininto ang sasakyan sa tabi ng kalsada at tinawagan si Hudson. Kakausapin lang niya ang kaibigang Doctor at Mechatronical Engineer. Kung hindi siguro siya maagang naging addict sa Hockey, baka naging Captain siya ng barko."Hey, Zyd.""Yow bud, can you help me trace a woman's location?" bungad niya rito.Natawa ito sa kabilang linya at ilang segundo bago sumagot. "Her name is Lianne Elhouette Vergara McCluskey.""Fuck! How you——""I knew everything," simpleng sagot nito sa kabilang linya at natawa, "I'll send her locations right away. Plus I'm giving you an app for free where of course, you could locate her anywhere."Napabuntunghinga siya at napasandal ang ulo sa head rest, "Okay, thank you." pinatay niya ang tawag at ilang beses napabuntunghinga. Bumalik siya sa Hospital. Kailangan niyang kausapin si Zig at may ipapakiusap siya rito.Dumaan muna siya
Nahabag si Lianne sa sitwasyon ni Mrs. McCluskey. Parang kinuyom ang puso niya sa kalagayan nito ngayon na sobrang nangayat at nanghihina. Naging mabait itong mother in law niya kahit hindi niya kasundo ang anak nitong babae. Sa tuwing nagkikita sila nito dati, alagang-alaga siya. Tinuring din siya nitong anak kaya ang makita itong halos hindi makabangon, labis na naglungkot sa kaniya.Ginanap niya ang kamay nito at pinipigilan ang sariling 'wag umiyak sa harap nito. Bigla siyang nakaramdam ng konsensya sa isiping, lagi siya nitong hinahanap."Ma'am...""Y-you always call me t-that... Ca-call me... Mommy..."Marahan siyang tumango at ngumiti. Nagpaalam naman si Zyd at lumabas ito habang sila lang dalawa ni Mrs. McCluskey sa loob ng pribadong room. Agad siyang humingi ng pasensya sa mabait na ginang at ngumiti lang ito. May inabot ito sa kaniyang singsing."T-the 4rth generation of family heirl
Ngumiti lang siya sa sinabi ni Mrs. McCluskey at hindi na nagsalita pa. Hinanda niya ang gamot at ang tubig, oras na nito para inumin ang gamot."Lianne...""Po?"Ngumiti ito at hinaplos ang kaniyang buhok, "I like you. Please, don't change." Tumango siya bilang sagot sa sinabi nito at hinarap nito si Zyd sa kabila. "Zyd... Why won't you tell her right now, right there, how much you love her?" pagalit na tanong nito kay Zyd.Namumulang nagtaas ng tingin si Zyd at nakatingin sa kaniya. Halos hindi siya nito kayang tingnan habang siya, walang pakialam. Mahal? Kung sinabi siguro nito dati nung nasa Paris sila, baka namatay pa siya sa kilig at umuwing Pittsburgh na parang naka-drugs. Well, tapos na sila sa gano'ng stage. Hindi sila mga bata ni Zyd, wala sila sa high-school na puro habul-habulan at laruan ng feelings. Punyetang pagmamahal iyan! Nakapag-move on na ba ito?!"Mom, El
Natatawang pinugpug ng halik ni Lianne ng ang batang karga-karga niya. Ang cute ba naman kasi nito! Isali pa na sobrang cute nitong tumawa at nakakawala ng stress."How are you baby, ha? Why so cute talaga? Hmm? Ang cute mo!" pinanggigilan niya ang kawawang pisngi nito at leeg habang humahalakhak naman ito.Parang dati lang, ang liit pa nito at karga-karga pa niya. Ngayon, ang bilis ng panahon. Napangiti siya at hinaplos ang makapal nitong buhok."Hoy babae! Inaaswang mo na naman ang anak ko." nakabusangot ang mukha ni Hera nang lapitan siya nito. Galing ito sa restroom at sandaling umihi.Ang lakas ng tawa niya at pabirong binatukan ang babae, "Halatang hindi ka madamot sa anak mo, no?""Malamang! Ang gwapo-gwapo kaya ng anak ko. Tatay ba naman niya ay American, sinong 'di gwapo ang lahi?"Nag-ikot siya ng mata at inismiran ito. Totoo naman talaga. Nakapag-asawa ito ng Americ