She was totally shock! Idaan pa na lumamig ang simoy ng hangin at pakiramdam niya nagsasayawan ang bituin at buwan sa paningin niya. Bakit wala ito kanina nung siya ang humalik dito... Wait, he's kissing her and reality hits her! Nagpumilit siyang kumawala pero mahigpit ang pagkakayakap nito sa kaniyang beywang at mas lalong dumiin ang halik nito. Oh my, his kiss tastes like heaven at nanghihina ang mga tuhod niya. Naramdaman niya ang sariling tumugon pero bago pa man niya tinugon ito, bigla na itong bumitaw at nakangising dumistansya sa kaniya.“I'm taking back the kiss you stole. Goodbye, Ms. Fierce Red.” Tumalikod na ito pabalik sa sasakyan.Habang siya ay napatulala. Kung hindi pa siya nilapitan ni Sheena at hilahin ulit hindi pa bumalik ang utak niya. Totoo ba 'yon?“What was that Lianne Elhuoette Vergara!!!” matinis ang boses na tili nito nang makapasok ito sa loob ng kotse. “Hay
Sa wakas, nakahanap din siya ng trabaho. Iyon nga lang, sa isang Coffee Shop. Cashier siya ro'n at okay na okay na iyon sa kaniya. Malaking pera na rin iyon kapag naging Philippine Peso. Hindi naman siya mapili sa trabaho, ang kaniya lang ay mapapalagyan niya ng loob at nagustuhan ay okay na okay iyon.Hindi gaanong sikat ang Coffee Shop na binabantayan niya at dahil bagong bukas pa ito kaya hindi siya busy at may dalawa siyang kasamang babae na puro pinay rin. Mabilis napalagay ang loob niya sa dalawa.“Ang gwapo talaga niya, no?” nangangarap na saad ng dalawa habang nakatuon ang mga mata sa malaking flatscreen TV sa isang tabi.Agad napasunod ang kaniyang tingin dito. Napaismid siya sa taong tinutukoy ng mga ito, ang bwesit na lalaki! Hindi na lang niya pinakialam ang mga ito at nagseryuso sa binabasang menu. Hindi siya mahilig sa kape kaya kailangan niyang mamemorya bawat kape roon.
Nang gabing iyon ay naglakad lang siya patungong bus stop at makasakay na pauwi. Isang sakay lang naman ang gagawin niya at makakapiling niya ang unan at kama. Napasigaw siya nang may humablot sa kaniyang bag at mabilis na itinakbo papalayo. Ando'n ang perang pamasahe niya at cellphone na pinahiram lang sa kaniya ni Sheena. Shutaa! Wala siyang pakialam kung babae siya, hinabol niya ito.“Give me back my bag!”“Then take it bitch!”Pinagtinginan siya ng mga tao pero wala man lang kahit isang tumulong. Akala siguro ng mga ito ay naglalaro lang siya ng habul-habulan. Mabilis na lumipat sa kabilang lane ang magnanakaw at bago pa siya nakasunod dito isang malakas na busina ng sasakyan ang pumigil sa kaniya kaya ang nangyari nakalayo na ito ng tuluyan. Letse! Muntikan pa siyang mabangga.Bwesit! Kainis naman, oh.Parang gusto niyang maiyak pero hinam
Tuwing hapon ng ala-una lang ang bukas ng Country's Coffee Shop, wala sa mood na pumasok siya nang araw na iyon. Dinadalangin niya na sana ay hindi siya pestehin ng araw na ito at baka kung ano naman ang kamalasan ang mangyayari sa kaniya. Agad siyang binati ng dalawang lukaret niyang kasamahan sa shop.Kaniya-kaniyang lapit ito sa kaniya at sinundot ang kaniyang tagiliran. Pinaalala ng mga ito sa kaniya ang nakakahiyang pangyayari nung nadapa siya. Pinagsisimangutan na lang niya ang mga ito at nagderitso na sa kaniyang pwesto. Dahil wala pa naman silang customer at bihira lang may napapadpad sa shop nila, tumulong siya sa dalawa na maglinis at gamit na kailangan ayusin.“Hindi ba iyan 'yong jowa ni Captain Zyd? Ang ganda niya pala talaga no?”Napatingin siya sa sinabi ni Trixie at lihim na pinagmasdan ito. Yeah, nakita niya na ito nung nasa park siya. Maganda ang babae at maganda ang pagkakakurba ng ka
Bitbit ang pinggang may pagkain sa isang kamay, maingat na naglakad si Lianne pabalik sa mesa kung saan sila nakaupong tatlo. Hindi pa siya tuluyan nakalapit sa kanilang pwesto, may tumabig sa kaniyang kamay at dahilan para magkalat sa kaniyang suot na damit ang pagkain. Hindi siya nakahuma lalo na nung napatingin siya sa may gawa non. Kumulo ang kaniyang dugo nang makitang ang girlfriend ito ni Zyd. Nakataas ang kilay nito na parang siya pa ang may kasalanan.“Opps! Sorry.” umikot ang eyeballs nito at nilagpasan siya.Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. Ayaw niyang gumawa ng eskandalo kahit kating-kati siyang hilain ang buhok nito at ingudngud iyon dahil halata naman na sinadya nitong tabigin ang kamay niya.“Let me help you.”Isang kamay ang humawak sa kaniya at hinila siya papalayo roon. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa subrang bilis ng pan
Nagulat si Lianne nang bigla siyang lapitan ni Trixie at Hera. Wala silang masyadong customer nang araw na iyon at hindi naman sila pinagbabawalan ni Ms. Williamson na magdaldalan basta nagagawa pa rin nila ang kanilang trabaho. Gano`n kabait ang kanilang amo."Hoy babae, ano ba talaga ang pagitan niyo ni Ms. Kate? Bakit sinasabi niyang sinira mo ang gown niya?" echoss na pagtatanong ni Trixie. Umalon-alon pa ang kilay.Hindi niya pinansin ang pagtatanong nito. "Wala ka ba gagawin? Makikita ka sa cctv...""Huwag mo nga iwasan ang tanong namin babae ka. Hindi ka talaga namin titigilan hanggang sa pumuti 'yan buhok mo." maarteng saad ni Hera at pinandilatan pa siya ng mata.Pinagwalang bahala pa rin niya ang pananakot nito. Actually, ayaw niya nang balikan pa sa utak ang pangyayaring iyon dahil nabubwesit lang ang araw niya lalo na at kung iisipin, wala siyang kasalanan. Bigla na lang itong
"So its you."Natigilan si Lianne sa pag-lock ng shop. Nauna na ang dalawa niyang kasama at hindi niya napaghandaan ang presinsya ng lalaking walang iba kundi si Captain McCluskey. Nakasandal ito sa dingding at nakapamulsa. May suot itong cap at hindi niya alam kung saan ito nakatingin, marahil sa kaniya."What do you mean?" nilangkapan niya ng galit ang boses. Pinagpatuloy niya ang pag-lock ng pintuan. Hindi niya pinaalam dito na nanginig ang kaniyang kamay."That one who ki-""- I'm going. Have a goodnight Mr. McCluskey." Hindi niya hinayaan na matapos ang sasabihin nito at nauna ng humakbang. Bahala ito kung habang-buhay itong tatayo sa dingding nila o kung gusto nito maging dingding. Ang gusto niya ay makauwi na ngayon! As in ngayon kung may pakpak siya."Not so fast Elhouette." He quickly grabbed her hand.Elhouette? Natigilan siya. Ito lagi ang tinatawa
Nakaismid na nakaharap si Lianne sa kawalan habang nakaupo sa loob ng Coffee Shop. Wala yata siyang balak patahimikin ng kaniyang utak sa pag-iisip sa lalaki na kahit anong gawin niya para mawala ito, hindi talaga! Para itong sirang plaka na paulit-ulit na lumitaw sa kaniyang isipan."Ano ba Lianne, nababaliw ka na. Magtrabaho ka na, okay? Hindi ka pumunta sa Canada para lumandi, babae ka." pinapagalitan niya ang kaniyang sarili at kulang na lang ay iuntog niya.Wala silang customer sa araw na iyon kaya ang ginawa nila ay tumambay at naghihintay na may darating na customer. Nagkikwentuhan ang dalawang kasama niya malapit sa may glass wall habang siya ay nasa kaniyang pwesto lang nakaupo. Its been 2 weeks since nung huli niyang makita ang binata but who cares, hindi naman niya ito gusto pang makita."Shuta ka girl, move on!" inis na pakli niya at napairap.Nasa sitwasyon siya n