Share

CHAPTER 2

WHILE I'm laying on my bed nagising nalang ako nang may kumatok sa pinto ko. And I know it's my Yaya.

“poooo” pa sigaw kong tugon sa mga katok na kanina pa nag-iingay sa pinto ko.

“kain na ija mag aalas syete na nang gabi” wika ng isang malumanay na boses ng isang may edad na babae.

Iminulat ko ang aking mga mata at tumingin sa malaking wall clock na naka-kabit sa dingding ng kwarto ko. Mag a-alas-syete na nga ng gabi. Gano'n ba ako ka patay sa tulog? Muni ko sa isipan ko.

“okay po yaya susunod na po ako mamaya” sagot ko rito bago bumangon at umupo sa kama ko. Buhaghag ang buhok at pahikab na nag-unat ng katawan.

“oh sige” tanging tugon n'ya lamang.

Rinig ko ang mga yabag nito na papalayo na sa kwarto ko. Napahilot ako sa sintido ko at matamlay na bumaba ng kama at nagpunta sa whole body ko na salamin, inayos ko muna ang sarili bago lumabas ng kwarto.

Dumiritso na ako sa kusina at kumuha ng pagkain. Dinala ko ito sa sala at doon na kumain.

Pagkatapos kong kumain ay nag hugas muna ako ng pinagkainan. 'Alang naman kung i-aasa ko pa kila yaya kung kaya ko naman itong gawin.' Umakyat na ulit ako sa kwarto ko pagkatapos at sumandal sa headboard ng kama ko.

Kinuha ko ang cellphone ko saka nag open sa I*******m, bungad na bungad sa akin ang mga litrato na post ni Alfred kasama ang kanyang babae na medyo may kalakihan na ang t'yan.

Bumalik na naman sa alaala ko ang panlolokong ginawa nya sa'kin, ang sakit-sakit subra. Sa tagal na namin ay nakuha nya padi'ng magloko.

Nanubig ang mga mata ko nang makita ang mga iyon kaya naman ay pinatay ko na lamang ang cellphone ko at nahiga nalang ulit.

PAGKA-UMAGA ay naisipan ko'ng umalis at mamasyal mag isa, nagpunta ako sa mall upang mag shopping total wala naman akong magawa sa bahay. Kaya naisipan kong libangin muna ang sarili at hayaang kalimutan ang lahat.

Nang makarating ako sa parking lot ay inayos ko muna ang sarili bago bumaba ng sasakyan. Pagkababa ko pa lang ay bumungad sa akin ang pigura ng isang lalaki na nagpabalik ulit sa sakit na nararamdaman ko. Nakita ko si Alfred, my ex boyfriend.

“Hey Freya!” sambit nya sa pangalan ko.

Nag iwas ako ng tingin sa kanya at hindi man lang s'ya binigyan ng pansin. Akmang papasok na sana ako sa pinto ng mall ng bigla n'ya akong hawakan sa may siko na s'yang ikinatigil ko.

“wait I have something to give you” ani nito sa'ka dahan-dahang bumitaw sa pagka hawak sa akin.

Napahinto ako at lumingon sa kanya, may ibinibigay s'yang isang kulay lila na card, tinignan ko lamang iyon at hindi kinuha. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nagtama ang aming mga mata.

Grabe ang naramdaman kong kaba na may halong sakit at pangamba, ngunit hindi ko iyon pinapahalata sa kanya.

“what is it?” walang buhay na tanong ko sa kanya.

“It's an invitation card for my wedding I hope you can come” sagot nito sa akin habang inilahad pa rin sa akin ang card na binibigay sa akin.

Tinignan ko ulit ang card na nasa harapan ko pa. Parang sinaksak ang puso ko nang libo-libong kutsilyo nang marinig na ikakasal na ang taong dating sa akin lang nangakong papakasalan ako. Gusto kong umiyak, sumigaw!

“oh great congratulations, btw I'm busy I can't go with your wedding.” Pag tanggi ko rito at akmang aalis na sana ako nang magsalita ulit ito.

“Freya, get it. Baka magbago pa ang isip mo at makapunta ka." Wika n'ya.

Huminto ulit ako at naisipang baka isipin nito na masyado akong apektado sa kanila. Totoo naman eh, apektadong-apektado ako. Sabi ng half brain ko.

Lumingon ulit ako sa kanya. At bumuntong hininga.

“hayst fine” sabay hablot sa invitation card n'ya at nilagay ko na lamang iyon sa shoulder bag ko at umalis na. Hindi na'ko nagpaalam sa kanya at tuloy lang ang paglalakad ko.

“ang kapal-kapal  naman ng mukha nya upang imbitahan pa ako sa fucking wedding nila. Wala naman akong pake! Mga bweset! Ipakain ko pa sa kanya ang card na yun eh” muni-muni ko habang paikot-ikot ako sa mall.

Paminsan din akong tinitignan ng ibang kostumer dahil sa pamamaktol na ginawa ko. Kada kuha ng damit ay pahablot ko itong kinukuha.

Napaisip nalang ako bigla na kung hindi ako pupunta sa fuckining wedding nila eh baka isiping hindi ako maka get over sa kanya at affected ako masyado. tsk.

Kaya naman ay bumili nalang ako ng susuotin ko sa fuckining kasal ng fuckining ex boyfriend ko. Pagkatapos kong magpa counter at bayaran ang mga pinamili ko ay lumabas na ako dala-dala ang mga gamit na naibigan ko.

Habang hinahanap ko ang susi ng sasakyan sa shoulder bag na dala ko ay hindi ko namalayang nakabangga na pala ako ng tao. Ayan kasi, tatanga-tanga!

“Ay sorry² I didn't mean it” pagpa umanhin ko. Sabay yuko ng ulo ko.

“Nah, it's okay” ani ng isang baritonong boses. Wait! Parang... familiar!

His voice, oh it's sound familiar kaya naman ay tumingin ako sa kanya, naka shades ito ngunit hindi nabawasan ang taglay nitong ka gwapohan kundi mas naging gorgeous pa ito sa tindig n'ya. I saw his handsome face kahit naka sun glasses lang ito.

“O-oh- ah...s-sorry again.” sabay iwas ko nang tingin at nag umpisang humakbang ulit habang hinanap ulit ang susi ko.

Nang mahanap ko na ay agad kong binuksan ang sasakyan ko. Papasok na sana ako nang biglang may nagsalita ulit sa likoran ko, ito ay ang lalaking nakabanggaan ko.

“Did we meet na ba?” may kuryusidad na tanong ng lalaki.

Kinakabahan ako at nagdadalawang isip kung lilingon ba ako't sasagot. Pero nilakasan ko ang sarili ko't lumingon sa kanya. Sinalubong ko ang matiim nitong titig sa akin.

“Nope, why?” patanong na sagot ko sa kanya.

“hmm, you looks familiar and I think we meet na” tinanggal nya ang sun glasses nya at napaka gwapo nya, he looks familiar too but hindi ko matandaan kung saan kami nag kita or saan kami nagka kilala. Fuck! Saan ba!?

“hmm okay, baka kamukha ko lang yun. Sige alis nako” sasakay na sana ako sa sasakyan ko nang may ibigay sya sa'kin.

“here's my calling card young lady” sabay kindat. A little smirk form on his lips ng tanggapin ko iyon. Shit! Ang gwapo nya! Kung wala lang akong supporter, nalaglag na sana 'tong T-back ko. Ani ng crazy side na utak ko.

Tinanggap ko na lamang ang calling card na binigay nya without any responses at pumasok na sa sasakyan. Pagka andar nito ay agad na akong umalis.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status