I pushed myself out of Alexis's body, but I could still feel his warmness which made me want to hug him again. Na Hindi dapat. Kailangan kong dumistansya sa kanya dahil ayaw kong mapalapit lalo. Ayaw kong masaktan. Nakakatakot."What? Mas masarap ba sa bisig ni Red kaysa sa akin?" I knew that he was just mocking me. That he wanted to annoy me."Let's talk," baliwalang sagot ko na lang saka nagpauna nang umakyat sa aking silid.Kung hindi man siya sumunod ay ayos lang. Walang pag-uusap na magaganap. Pero dinig ko ang mahihinang yapak ng paa niya, at dama ko ang prisensya niya sa aking likuran.Napangisi ako dahil kahit papaano ay marunong naman palang sumunod ang tukmol na ito.Pagdating sa kuwarto ko ay hinarap ko siya. Sakto naman na kapapasok niya lang at nasa bukana ng pinto. "I want to talk about-""That's not what I wanted to do right now Minzi," agap niya naman.Humakbang siya palapit sa akin na ikinaatras ko naman. Sinara niya rin ang pinto at halos takasan ako ng lakas ng mari
Sa sobrang pagod ay hindi ko namalayang naka-idlip ako matapos ang nangyari sa amin ni Alexis. Nagising ako na hindi alam kung anong oras na. Wala rin akong ideya kung nasa labas pa ba ang mga bisita o baka lumayas na. Sinubukan king bumangon na hindi ko rin naman nagawa. Makirot na naman ang kasu-kasuhan ko at parang nangalay ang aking balakang at hita.Ang pagitan ng hita ko ay makirot. Medyo mahapdi na parang may sugat ang pakiramda.Sa muli king pagsubok na tumayo ay may yumakap sa aking baywang mula sa likuran. Nang lingunin ko ay nasilayan ko ang lalaking natutulog sa aking tabi.Alexis Montemayor. My boss. And now, my husband...I unconsciously stared at his handsome face. His breathing was even and he looked so peaceful.Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig kay Alexis. Hanggang sa pumikit na lang muli ang aking mga mata at nakatulog na ulit ako ng katabi siya.Sa sumunod kong pag gising ay medyo madilim na. Wala na rin akong katabi sa kama. Patay na ang aircon at
PAGKARATING namin sa Olongapo ay latang-lata na ako. Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng kaluluwa at isang pitik na lang ay makikita ko na ang katotohanan.Simula kasi pagsakay hanggang sa pagbaba namin ng letseng helicopter ay suka na ako ng suka. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil hindi nga talaga ako sanay sumakay sa mga ganoong sasakyan. Air-conditioned bus or kotse nga bumabaliktad na ang sikmura ko, helicopter pa kaya."Kapag hindi ka pa tumigil sa kasusuka mo dadalhin na kita sa ospital," sabi ni Alexis habang paroot parito sa gilid ko.Nakatalungko ako sa lababo ng kangang private room at pilit na kinakalma ang aking sarili. Ewan ko nga rin kung bakit parang ang oa na ng pagsusuka ko. Pero tulad nga ng sinabi ko, masisisi ko ba ang sarili ko?"Minzi-""Manahimik ka ngang lintek ka!" agap ko sa kanya. Kitang nanghihina na nga ako'y magbubunganga pa talaga siya."Don't you dare shout at me!" galit na sambit niya naman. Alam kong wrong move ang pagsinghal ko sa kanya, pero
"Alexis sandali!" Kahit na muntik ko nang maapakan ang tiyan ni Red ay kaagad akong tumayo upang habulin si Alexis. Alam kong galit siya dahil kitang-kita sa mga mata niya at sa pagkuyom ng kamao niya. Wala naman akong ginagawang masama at aksidente lang ang pagkakabagsak naming dalawa ng lasenggerong si Red sa lapag."Alexis-""Fuck you!" galit niyang sigaw sa akin na kusang nagpahinto sa akin. "May namamagitan ba sa inyo ni Red? May nangyari na ba sa inyo? Kaya ba gano'n na lang kung magtabi kayo noong nasa probinsya n'yo tayo? Kailan pa?" sunud-sunod niya pang tanong. Pero di tulad kanina na halos magliyab ang mga mata niya sa galit, ngayon ay parang wala na akong makitang kahit na anong emosyon doon."Mali ang iniisip mo. Hindi ganoon 'yon-""Then what the hell is that?!" muli niyang putol sa akin. "Red is lying on the floor while you're on top of him. He's half-naked, and for fuck sake Minzi, baka hindi lang gano'n ang maaabutan ko kung hindi ko naisipang tignan ka sa silid mo!"
HINDI SIGURADO...Kahit anong isip ko ay hindi ko talaga alam. Bukod sa hindi ko alam kung paano maging isang ina kung sakali mang nagdadalang tao nga ako, hindi ko rin alam kung matatanggap ba ni Alexis ito.Ilang beses na akong nagparoo't parito sa kusina, at ilang beses ko na ring nilinis ang sala pero wala pa rin talaga akong mahagilap na sagot sa mga katanungan ko. Kung kailan ba nabuo kung sakali ngang positive? Ilang linggo na ba, o di kaya ay buwan? Kung babae ba o lalaki? Sinong magiging kamukha?May parte sa puso at isip ko na nasasabik. Pero hindi rin nawawala ang takot."Minzi!" napapitlag ako sa boses na iyon ni Red kasabay ng malakas at sunud-sunod na katok sa pinto. "Open the door!"Kaagad akong tumalima at pinagbuksan naman siya ng pinto. Dahil sa pagkapraning ko kanina, pati si Red ay napraning na rin. Mas excited pa nga yata ang hudas na ito kaysa sa akin at sa ama ng dinadala ko kung sakali."Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong niya pa nang makalapit siya sa akin.H
HATING GABI...Who the hell is Sandra? Siya ba 'yong babe kanina? Napapanaginipan niya ba ito? Anong klaseng panaginip naman kaya? Masaya? Galit? O baka masarap?Hindi maampat-ampat ang luha ko dahil sa sama ng loob. Alam kong wala akong karapatan upang makadama ng hinanakit at sumama ang loob kay Alexis dahil sa papel lang naman kami kasal. Hindi ko alam kung ano ang intensyon niya at kung bakit siya pumirma? Hindi ko rin alam kung bakit sa dinami-rami ng babae niya ay ako pa talaga. Ang dami kong katanungan pero ni isa ay hindi mabigyan ng kasagutan.Matagal akong nakatitig sa kanya. Halos masaulo ko na nga ang buong mukha niya. Kung ilan ang nunal niya at bawat pag kunot ng kilay niya. Lumipas ang ilang minuto, hanggang sa umabot ng isang oras na nakatayo lang ako sa gilid ng kama niya at tinititigan siya. Pero nang mag sawa na ako, nang wala na akong luhang mailabas at masakit na rin ang lalamunan dahil sa tinatagong paghikbi... saka pa lang ako nagkaroon ng lakas ng loob upang tu
Who's the father? Is he fucking kidding me?"Natural ikaw! Tanga ka ba!" bulyaw ko sa kanya kahit namamalipit na sa sakit.Hindi niya ako pinansin at kaagad na binuhat ng pa-bridal style. Tuloy-tuloy din siyang lumabas nang hindi pa rin ako pinapansin o tinitignan man lang.Nangunyapit na lang ako sa leeg niya habang iniinda ang pananakit ng tiyan. "Pag may nangyari sa anak ko, kasalanan mo!" Umiling lang siya na parang wala lang sa kanya ang mga sinasabi ko.Pagkarating sa basement ay kaagad niya akong isinakay sa sasakyan niya. Maingat niya akong inupo sa passenger seat kahit na seryoso at tila walang emosyon ang kanyang mukha. Siya na rin ang nagkabit ng setbealt ko bago siya umikot papunta sa driver seat."A-Alexis..." Napayuko ako. Nahihiya akong sabihin sa kanya ang kalagayan ko dahil alam kong hindi naman siya intiresado. "A-Anong plano mo ngayon?""Just rest, we'll talk later."Tulad ng sinabi niya ay nanahimik nga ako hanggang sa makatulugan ko na lang ang pananakit ng aking
Pinakatitigan ko siya kahit na nga ba tila nanlilisik ang mga mata niyang nakatutok din sa akin. "Sandali nga..." Dinuro ko siya sa dibdib dahil sa namumuong inis na nadarama ko. "Tingin mo ba ay ibang lalaki ang ama ng dinadala ko? Kaya ba tanong ka ng tanong kung sino ang ama nito dahil tingin mo iniiputan kita sa ulo?"Tikum lang ang bibig niya habang mariin pa rin na nakatitig sa akin."Gago ka pala eh! Anong akala mo, nagpapakara+ ako sa iba? Na kaya kong ibigay ang sarili ko sa kung sino-sinong lalaki? Na hindi ako kuntento sa isa? Ano, na makati ako at handang magpakamot maibsan lang ang tanginang l!bog na namumuo sa katawan ko?!" sunud-sunod ko pang tanong sa kanya. "Tangina Alexis, maganda lang ako pero hindi ako kaladkarin!"Humihingal ako sa galit matapos ‘yon. Hindi ko inaasahan na papasok sa lintek na kukute ni Alexis ang ganoong bagay! Akala ko ba matalino siya? Pero bakit ngayon, bakit parang ang tindi ng tagas ng utak niya?!Nang akmang tatalikuran niya ako ay kaagad k