Share

CHAPTER 65

"WHAT?"

Nakakunot ang noo ko nang sitahin si Alexis. Sumunod siya sa amin hanggang sa pinto. Imbes na sagutin ako ay nanguna pa siya sa akin sa paglabas. Wala siyang pakialam kahit bahagyang magulo pa ang buhok niya at gusot ang suot niyang damit.

Binuksan niya ang pinto ng kotse ni Red sa passenger seat at saka kinausap ito. "Ngayon mo lang gagawin to, at ngayon lang din ako papayag. Wala nang next time at kung sakaling maulit pa, kalilimutan kong kaibigan kita," aniya saka ako pinapasok.

Siya na rin ang naglagay ng seatbelt ko habang tahimik naman si Red na nakamasid lang sa amin. Hindi pa sinara ni Alexis ang pinto at matagal pa akong pinasadahan ng tingin matapos niya akong kabitan ng seatbelt.

"What?" naiiritang sita ko ulit sa kanya. Nakakailang naman kasi ang pagtitig niya, isa pa'y anong oras na.

"You look good on your dress," aniya lang

Nag-init ang pisngi ko pero inismiran ko na lang siya upang hindi mahalata.

Akmang isasara ko na ang pinto nang pigilan niya ako sa braso. N
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status