Awareness of improper plastic disposal has spread nationwide yet Angielyn didn't expect na sa lahat pa talaga ng lugar, dito pa napadpad ang pinakamakapal na plastic. Natatawa siya na ewan! At first, hindi talaga siya naniniwala sa kasabihang first impression lasts pero ngayon, malulunok niya yata ang sariling paniniwala. Her first impression for the girl beside Attorney Finn will last for sure. Walang duda!
"Hija, hindi mo ba kakainin 'yan?"
Litong nilingon niya si Mrs. Stephy. Napakurap-kurap pa siya nang ilang beses dahil lahat ng mata ay nakatingin na sa kanya ngayon.
Naituro niya ang sarili. "Po? Ako po?"
"Sinong kakainin? I mean, ano?" naitanong ni Angie sa sarili. Masyado yatang na focus ang atensyon niya sa pagmamasid sa kaplastikan ni Venice kaya ito at hindi niya agad naintindihan kung ano ang tinutukoy ng ginang.
Bumungisngis ang ginang saka ito sumagot at may itinuturo. "Kanina pa kasi nasa ere lang 'yang pusit na itinusok mo
Ginising si Angielyn ng pag-alburuto ng kanyang tiyan. Hating-gabi na yata. Given the silence that enveloped the entire room, she checked the alarm clock beside the lampshade. Hindi nga siya nagkamali. Madaling-araw na nga pero heto at hindi siya mapakali sa higaan. She need to let the digested foods out. Taeng-tae na siya! Madalian ang ginawa niyang pagbangon sa kama at maging ang pag-upo sa inidoro matapos mabuksan ang pintuan ng banyo. Hindi na niya kailangang maghintay ng ilang minuto para lumabas ang dapat lumabas dahil nag-log-out agad ang mga ito pagkalapat ng kanyang pang-upo. Exaggerated pero success ang naging operasyon. She cleaned herself thouroughly before she exit the CR. Okay na sana ang lahat at handa na sana siya para muling mahiga at ipagpatuloy ang naantalang pagtulog pero tumunog na naman bigla ang kanyang tiyan. This time, hindi na dahil kailangan niyang magbawas kundi dahil, kailangan na naman niyang sidlan ang sikmura niya. After a coup
"Good morning, Attorney!" Masiglang bati ni Venice ang sumalubong kay Finn pagkarating niya sa sala. Dumiretso na siya rito kahit hindi pa siya nakapaghilamos man lang. May hinahanap kasi ang mga mata niya. Nang hindi niya ito nabungaran pagkagising kanina ay madalian ang ginawa niyang paglabas sa study room. Oo nga at naroon pa ang higaang inihanda niya kagabi pero parang walang indikasyon na hinigaan iyon ng kung sino. Walang kagusot-gusot ang bed sheet ng kama. Pati ang kumot ay maayos na nakatupi. Nakadama tuloy siya ng panghihinayang kasi na picture out niya sa isip kagabi na parang dinaanan ng bagyo ang magiging ayos ng kumot kinabukasan. Sa klase ba naman ng kalikutan matulog ni Angielyn, hindi na 'yon nakapagtataka. "Good morning!" tugon ni Finn sa pagbati ni Venice. Malawak ang pagkakangiti ng babae. Napansin niya na may suot itong apron. Kapansin-pansin kasi mas mataas pa ang tela ng apron kaysa sa suot nitong nasapawan. Litaw an
"Where did you sleep last night?" Natigil si Angielyn sa kapipili ng mga gamit pambata. Naisipan niya kasi na mamili. Hindi pa niya alam ang gender ng batang dinadala niya kasi hindi pa makita sa ultrasound kaya plano niya na parehong panglalaki at pangbabae ang bibilhin niya na gamit. Total naman, day off ni Air ngayon kaya pinilit niya talaga na sumama ito. Oo na! Siya na itong walang konsensya. Alam naman niya na kulang ito sa tulog pero kinaladkad pa rin niya ito papunta rito sa mall. "Masyado bang magaspang ang tela nito? Do you think magiging komportable si baby na suotin ito? Ano sa tingin mo?" Kunwari ay tanong niya para ibahin ang usapan. Para matakasan na sagutin ang tinatanong ng kaibigan. Sa dami ba naman ng mga inilihim niya sa kaibigan, nakokonsensya na siya. Pero mukha yatang wala talaga itong plano na hayaan siyang makalusot sa pagkakataong 'to. Inilapit pa nito ang mukha sa mukha niya habang nakataas ang isang kilay. Parang isang kontra
"Ate..." Ungol lang ang naging sagot ni Angie sa pagtawag ni Merna. Kanina pa kasi ito parang wala sa sarili at medyo balisa. Tatanungin niya sana ito kanina kung bakit kaya lang nawala sa isip niya. Naging abala kasi siya sa pagharap sa kinakalkula na earnings sa mga nagdaang buwan bago siya umalis. In other words, natambakan siya. Hinintay niya na dugtungan ni Merna ang gustong sabihin sa kanya pero nahalata niya na nag-aalangan ito. Sa huli ay ibinaba niya ang hawak na bolpen saka hinarap ang dalaga. "Spill it out. Makikinig ako," pang-e-engganyo niya rito sa malumanay na tono para hindi na ito mag-alangan. Buka-sara ang labi nito. May gusto itong sabihin pero umaatras ito kalaunan. Nadagdagan tuloy ang curiousity niya. Dahil sa tingin niya ay hindi ito makapagsalita kung nakatitig siya rito, nagkunwari siyang tinitingnan muli ang book of earnings. Mata niya lang ang naroon pero ang tainga niya, bukas para sa nais sabihin ni Merna. Pati nga malalim
Wearing his wide smile, tinahak ng mga paa ni Finn ang unang kwarto sa kaliwang bahagi ng second floor ng hotel pagkalabas niya mula sa elevator na lulan. For the last time, ininspeksyon niya ang sarili. Kumakabog ang d****b niya sa sobrang kaba at excitement. Feeling niya tuloy, para siyang teenager pa lang na makikipag-meet-up nang unang beses sa babaeng napupusuan. Dagdagan pa sa atmosphere ng hotel. Memorable sa kanya ang lugar na ito. Kaya siguro ito ang napili ni Angielyn na setting ng kanilang pagkikita. Since ibinigay ng isang staff ng hotel ang key ng kwarto na ginamit niya noon, diretso na niyang binuksan ang pintuan saka hinubad ang suot na sapatos pagkatapos. Pinakiramdam niya ang silid bago iginala ang mata sa buong paligid. Wala pang sign na may tao na nauna sa kanya roon. Nakahinga siya ng maluwag. Mas mabuti rin pala na napaaga siya ng dating sa dalaga. Agad kasi siyang sumakay sa kotse papunta rito pagkatanggap niya ng text kanina. Nawala tuloy sa kanyang i
For the first time in months after that hotel incident, natagpuan ni Angielyn ang sariling nakangiti. Iyong tipo ng ngiti na bukal sa kalooban at hindi dahil kailangan niyang ngumiti. Habang hinihimas niya kasi ang tiyan ay naramdaman niya ang pagsipa ng bata sa kanyang sinapupunan. Alam na niya ang kasarian ng kanyang anak dahil naisagawa na niya ang second ultrasound. She got a he! Malakas ang kanyang kutob dati pa na lalaki ang kanyang dinadala kaya mostly, panglalaki na gamit ang binibili niya bago pa nakita ang resulta. Thankful siya kasi sa kabila ng sakit na nakaukit pa rin hanggang ngayon sa kanyang puso, hindi nito naapektuhan ang kalusugan ng kanyang pinagbubuntis. She's hardly coping up but she did her best anyway for her baby. Basta ang ginawa niya sa lang sa mga nagdaang buwan, itinuloy niya lang ang nakagawian. Magbantay sa flower shop, mag-deliver ng mga bulaklak sa mga social gatherings. Pero unlike dati na kahit sa malayo, naghahatid siya. Ngayon ay pinagbab
Magtatanghali na. Pero mula nang pumasok si Finn sa study room ng alas syete ng umaga, hindi pa siya tumatayo mula sa tinatrabaho. Dinalhan na nga lang siya ni Isabel ng agahan."Hindi ka pa ba napapagod?"Biglaan ang pagsulpot ni Emerson sa kanyang tabi. Kasalukuyan niyang nire-review ngayon ang panibagong kaso. Katatapos niya lang mai-close ang kaso patungkol sa rape case nang anak ng Congressman.Iniliko niya ang swivel chair paharap sa bagong dating. Hindi na niya kinailangang yayain ito na maupo since feel at home naman ito. Kumuha ito ng sariling upuan para sa sarili. Mas komportable pa nga ang posisyon nito ngayon kaysa sa kanya."Let's have fun. Ito naman, parang wala man lang nangyari na pagkapanalo ng kaso. Kalat na kalat ang mukha mo sa lahat ng balita pero heto ka at ibang kaso na naman ang pinagkakaabalahan imbes na mag-celebrate.""E' kasi nga marami pang dapat asikasuhin. Marami pa akong dapat pag-aralan para sa susunod n
Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatayo lang roon pero base sa pangangawit ng kanyang paa nang ibalik siya ng magkakakasunod na katok sa reyalidad, alam niyang matagal-tagal talaga siyang doon lang nakatunganga."Finn, gising ka pa?"Bahagya siyang lumayo sa pinto. He cleared the lump on his throat before responding to his mom. "Yes po, Ma.""Pwede ba akong pumasok?"Nakadama bigla si Finn ng pagkataranta. Magaan ang pagyapak na ginawa niya para hindi marinig ng ginang ang kanyang mga yabag pero sapat ang bilis niyon para marating niya ang sariling kama at humiga roon para magkunwaring kanina pa niya ipinahinga ang sarili."Bukas po 'yan. Pasok po kayo."Pagkabukas ng pintuan at tanaw na niya ang ina ay saka siya bumangon at naupo sa kama."Hijo..." paunang ani ng butihing ina sa kanya. "May dapat ba akong malaman? Napansin ko kasi kanina sa telepono no'ng inimbitahan ko si Angielyn na nagdadalawang-isip siya na paunlak