Ganoon na lang ang pagkatigil ni Celeste sa narinig na sinabi ni Semion.Matagal niya iyong pinroseso sa kanyang isipan habang inuusisa kung seryoso ba talaga ang lalaki na ito sa alok na pagpapakasal sa kanya.Napasinghot siya, natigil nang tuluyan ang kaninang pagpigil sa mga hagulgol.“Kasal?” tanong niyang usal sa lalaki. “A-Alam mo ba na ang pagpapakasal sa ‘kin ay magiging mabigat para sa'yo?”Sa katunayan, wala nang pakialam si Celeste kung anumang hilingin sa kanya ni Semion matapos siyang matulungan. Kung katawan niya, wala na siyang pakialam sa dignidad ng isang babae, at hahayaan na lamang ito na angkinin siya, basta't makuha lang din niya ang inaasam na paghihiganti. Dahil wala rin naman siyang maibibigay talaga kundi ang sarili.Subalit hindi sumagi sa isipan niya ang pagpapaksal dito. Unang-una, sino namang matinong lalaki ang papatol sa may nauna nang asawa? Pangalawa, sino namang matinong ‘heir’ ng isang maimpluwensyang pamilya ang papatol sa may lubog ng pamilya na tu
“Here's our marriage contract.” may ngiting binigay ni Semion ang mga organisadong papel kay Celeste. “Read it out loud. Kung may gusto kang idagdag o baguhin, sabihin mo na agad.”Naglalaman ang mga papel ng mga kasunduan na dapat nilang masunod sa kasalan na magaganap na ito."This contract is entered into between Primo Semion Lombardi and Celeste Costa on September, 2024," pagbasa ni Celeste sa nakasulat sa unang parirala.“Continue,” ani Semion habang nakatuong nakaupo sa kaharap niyang upuan.Tumuon ang mga mata niya sa unang seksyon. “Public appearance. Both parties were expected to act as a committed couple in public, projecting an image of love and devotion to their friends, acquaintances, and the world at large…?” May pagtataka niyang tiningnan si Semion.Tumango ito. “That's right. Kapag nasa publiko tayo, dapat nating ipakita na totoo ang relasyon natin. We hold hands, hug, and even peck a kiss at worst. You know how socialization works; kapag may nakita lang ang mga tao na
Pinaubaya ni Celeste kay Semion ang lahat ng mga pag-aasikaso para sa legal nilang pagkasal. Ito ang siyang nangunguna sa pag-aayos ng mga papeles nilang dalawa.Lahat din ng mga gamit ni Celeste na naiwan sa mansyon ng mga Allegra ay maayos na naibalik sa kanya noong gabi rin ng pagsugod nito sa mansyon ng mga Allegra.Napakalaki ng pasasalamat ni Celeste kay Semion dahil doon. Kahit pa wala talagang binalik ni piso ang mga Allega sa kanya bukod sa mga gamit niya.“Senyora~ Kami na po ni Lyn ang mag-aayos ng mga gamit niyo para ilipat sa bago niyong bedroom ni Primo Semion!” magiliw na saad ni Melissa, ang bagong personal maid na pinili mismo ni Celeste.“Naku, Senyora, ‘wag na po kayo tumulong, dahil trabaho namin yaan ni Lisa.” maingat na sambit naman ni Kaitlyn, ang napili namang personal maid ni Semion para kay Celeste, kung kaya't dalawa ang taong sunod-sunuran sa kanya ngayon.“Ano pa nga bang magagwa ko?” may ngiti sa labing aniya. “Sige, ipagkakatiwala ko sa inyo ang gamit ko
Maaga pa lang ay nagkagulo-gulo na ang mga katulong sa loob ng mansyon ni Semion. Iyon ay dahil dumating sa mansyon ang kinatatakutan nilang babae.“Ate Val, long time no see!” Akmang yayakap si Semion sa kanyang nakatatandang kapatid na babae nang bigla siya nitong batukan ng malakas sa ulo. “What the–”“What the hell did you do?! Bakit ngayon lang nakarating sa akin na muntik ka na palang mamatay, Semion?! Kung hindi ko pa nalaman kay Tito na may problema sa asawa ng pamilya niya, hindi ko pa malalaman ang nangyari sa'yo! You almost died for pete sake!”Hindi nakailag muli si Semion nang muli siyang sapukin sa ulo ng kanyang ate. Ito ang numero unong dahilan kung bakit may trauma siya rito.Ang lakas ni Valentina Lombardi ay katumbas ng isang lalaki. Kahit pa madali lang din ni Semion mapatumba ito kung gugustuhin niya, kapag ginawa naman niya iyon ay mananagot siya sa kanyang ama.“Please, stop punching me, Ate Val. Presko pa ang mga injuries ko–”“What the hell?!” malakas na sumam
Isang halimaw ang pagkakakilala ni Semion sa kanyang nakakatandang babaeng kapatid na si Valentina. Unang-una ay dahil lumaki siyang bugbog-sarado rito nang hindi nakakaganti pabalik. Pangalawa ay napakasakit ito sa tainga sa tuwing pinapagalitan siya, at pangatlo ay sadyang napakatigas nito.Subalit sa harapan niya ngayon, magmula nang dumating si Celeste, ay tila naging maamong tupa si Valentina.“What's wrong with you?” hindi maipintang mukha na tanong ni Semion sa babae. “‘Wag mong sabihin na may balak kang ligawan ang asawa ko?”Ang inaasahan niya ay sisigawan siya nito, subalit nanatiling kalmado parin si Valentina, ang tuon ay na kay Celeste.“I've never seen you before, what's your name?” lumiit ang dapat malaki nitong boses.Ganoon na lang ang pag-awang ng labi ni Semion. “You're a pretentious monster!”Hindi siya pinansin ng dalawa.“My name is Celeste Costa-Lombardi po,” nahihiya ngunit matamis na tugon ni Celeste.“Celeste, ang gandang pangalan.” anito. “I know Celeste mean
Kalmado man at mahinhin sa panlabas na anyo, subalit sa loob nagtatago ang pagwawala ng husto ni Celeste.Paano siya kakalma kung kaharap niya ang pangunahing pamilya ni Primo Semion Lombardi!Hindi niya alam kung hanggang kailan niya mapapanatili ang maganda at matamis na ngiti sa labi niya. Dahil sa totoo lang ay para na siyang madudumi sa kaba.“So, you got married.” Kalmado ang buo at mababang boses na tanong ng matandang lalaki. Ang buhok nito ay purong puti na, subalit hindi bakas ang labis na katandaan sa mukha at pangangatawan nito.“Yes, dad. I'm married.” kalmado ring tugon ni Semion sa kanyang tabi.“Congratulations.”“Thank you.”Nabalot muli ng katahimikan ang dining room, kung saan sila ngayon kalmado ngunit madugong kumakain ng lunch.Nabaling ang tingin ni Celeste sa kaharap na batang lalaki sa hapag-kainan. Iyon ay si Primo Luca, ang bunsong kapatid ni Semion na edad thirteen years old. Kanina pa ito nakatitig sa kanya na halos hindi na kumukurap ang mga mata nito.Cre
“Don’t be ridiculous, Mom! Bakit ko naman hahalikan ang asawa ko sa harapan ninyo?”“Bakit naman hindi? Wala namang masama. Sa susunod pa nga'y maghahalikan na kayo sa harapan ng altar at harapan ng maraming tao.”“P-Pero…” naroon ang pagtutol ni Semion. “Wala naman kami sa mood gawin ang sinasabi mo ngayon. T'saka isa pa, may minor, oh!” pagtukoy niya kay Luca.“Tatakpan ko mata.” tinakpan kaagad ni Valentina ang mga mata ni Luca.“H-Hey! I'm not a child anymore! I want to see it too!”Lukot na lukot ang noo ni Semion. “Seriously? Are you all really going to make us kiss here and now?”“Son,” seryosong pagsasalita ng ama ni Semion. “Do it and be done with it already. Nang payapa na kaming makakain at makaalis dito. Ibigay niyo na sa kanila ang hinihingi nila, hindi naman kalakihang bagay.”“Tama, tama.” pagsang-ayon pa ni Valentina. “Isa pa, sa history mo ng pagiging playboy, hindi ka na mahihirapang gawin ang basic na gawaing ‘to.”“Nagbago na ‘ko.” paninindigan pa ni Semion. “You kn
“Which side of the bed are you comfortable sleeping on?” tanong ni Semion kay Celeste habang pareho silang nakatingin sa king-sized bed na nababalot ng puting punda.“Um, siguro sa kaliwa na lang.” napapakamot sa leeg niyang tugon.“Okay, then I'll sleep on the right side of the bed.”“Sige, goodnight…”“Goodnight.”Pareho silang parang robot na naglakad sa kama, sabay na naupo sa magkabilang gilid, bago tinanggal ang nakaipit na iisang kumot, at pinuwesto ang kanilang mga sarili.Ito ang unang pagkakataon na matutulog sila sa iisang kuwarto.“Should I turn off the lights?” muling pagtatanong in Semion.“Sige, sanay din akong matulog nang walang ilaw.” may ngiti pang tugon ni Celeste.Kinuha ni Semion ang remote at tinapat iyon sa ilaw dahilan ng pagpatay nito. Kasabay naman no'n ang pagliwanag ng mga maliliit na ilaw ng dimlights at lampshade sa silid, kung kaya't kahit madilim ay mayroon paring nakikitang liwanag.“Goodnight.” nahiga si Semion na nakatalikod kay Celeste.“Goodnight d