Hello! Happy pride month! After a long break to focus on our final exams, the author is back, and we're now going to enter a new stage of Celeste and Semion's lives! Unti-unti na pong mabubunyag ang sikretong hindi pa sinasabi ng Lombardi family kay Celeste, and of course, the real mastermind behind the death of Celeste's family! (Bakit nga ba nandito pa si Anna?) I hope you're still there and hope to trust the process of the unfolding events! Also! Gusto ko sanang i-promote ang story na matagal nang natengga sa isipan ko nitong nakalipas na mga araw. ^_^ Title: Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back! (You can check it out on my profile or search it) Blurb: “Ipapalaglag mo ang anak natin?!” galit na sigaw ni Carcel sa'kin. “Pinirmahan ko na ang divorce paper 'di ba?! Kaya huwag kang mangialam sa gagawin ko, Carcel!" “Huwag mong idamay ang bata, Jett! Ipanganak mo lang iyan, at kami na ni Gia ang magpapalaki sa kanya!" "Ginag*go mo ba talaga ako, ha?!" tumutulo ang mga
Nagpatuloy ang kasal sa kabila ng nangyaring kaguluhan, dahilan upang kuwestyunin ni Celeste ang sarili kung tunay nga ba ang naganap kanina o isa lamang bangungot. Simula nang dumating sila sa simbahan, maglakad siya sa altar, sumunod sa seremonyas, pagpapalitan ng vows, maging ang pagsabi ng katagang I do, para lamang siyang lumulutang sa ere. Nangyari ang lahat ng iyon bago niya pa mapagtanto marahil ang gumugulo sa isipan niya ay ang pagkikita nila ni Anna at ang mga putukan ng mga baril. Sa bilis ng pangyayari ay ganoon na lang ito kahirap para sa kanya na iproseso. Kahit anong pagpapakalma niya sa sarili ay hindi parin siya mapakali sa takot na baka sumunod ang mga taong iyon sa kanilang lokasyon. Kapag nagkataaon, maraming mga inosente ang madadamay. Subalit kahit ilang beses tingnan ni Celeste si Valentina, Luca, maging sina Lyn at Lisa, normal lamang ang mga ito na tila hindi na-trauma sa nangyari kanina. Nagagawa nilang ngumiti, makipag-usap sa iba ng normal, at gawin pari
Nagkikislapang mga ilaw sa gabi ng marangyang bulwagan, malamyos na musikang umalingawngaw sa lugar, maging masasarap na putahe sa kada mesa ng bisita, tila lahat ay ine-enjoy ang party matapos ng mahabang seremonyas ng kasal. Bawat sulok ng silid ay puno ng tawanan at kwentuhan kung saan bida ang dalawang bagong kasal.Hindi kalaunan. Si Semion ay tumayo mula sa kanilang mesa, kinuha ang isang wireless na mikropono na noo'y inabot ng isang host, saka siya lumapit sa gitna ng entablado. Unti-unting natahimik ang mga bisita, wala pa man ay nakatuon na, nag-aabang sa kanyang sasabihin. Si Celeste ay nanatiling nakaupo, nakangiti sa kanyang asawa, matapos madamayan ni Semion sa nangyari.Kagaya ng karaniwang awra ni Semion sa tuwing haharap sa mga tao, nakasilay ang maganda nitong ngiti sa labi, walang bahid ng tunay niyang pag-uugali. "Ladies and gentlemen, thank you all for being here tonight," panimula niya. "Napakahalaga para sa amin ng aking asawa na si Celeste ang inyong presensya
“Congratulations on winning your case, Mrs. Celeste Lombardi!”“Congratulations, Mrs. Costa-Lombardi!”“May this event mark your flourishing~”“More wins to come for both the Costa and Lombardi families!”Pinaunlakan ng kaliwa't-kanang papuri at pagbati si Celeste matapos ang inereng naganap na paghatol ng korte.Hindi lamang siya na-congratulate sa kasal kundi na rin sa pagkapanalo sa kaso laban kay Governor Demetrio Allegra.Matapos makipaghalubilo sa mga pamilyang may mataas na estado sa social class, kaagad na nagtungo si Celeste sa kanyang pamilya nang makahanap ng opotunidad.“Nanay Lordes!” mahigpit niyang niyakap ang ina sa tagal nilang hindi nagkasama at halos ngayon na lamang nagkalapit ang kanilang landas.Natutuwang napatawa si Lordes. “Ang anak ako! Proud na proud na ako sa'yo, Celeste.” mahigpit din nitong ginantihan ang kanyang yakap bago sila naghiwalay. Agad nitong sinapo ang kanyang mukha nang may nagniningning na mga mata. “Nagawa mo, anak. Sa wakas ay nabilanggo na
“Anong ibig mong sabihin, Felip?” kuryosong tanong ni Celeste sa lalaki.Nagpakawala ng marahas na hininga si Felip, halata ang pagkabahala sa kanyang ekspresyon sa mukha. “Noong una pa lang kitang nakita na naglalakad sa altar kanina, inaasahan kong makita ang matamis na ngiti sa mukha mo dahil ganoon ka ‘pag totoong masaya. Pero simula noon hanggang sa dumating tayo rito, hindi pa kita nakikitang masaya. Marami ka ring ginawang mali kanina sa seremonyas ng kasal, samantalang perpeksyunista ka. Para kang nasa ibang dimensyon.”Natahimik si Celeste.“Idagdag mo pa iyong suot mo kaninang gown, bakit gano'n? Oo maganda, pero bakit may pagka-basa at madungis? Ha!” napasinghal ito. “Pero parang hindi iyon nakikita ng lahat. Parang ako lang yata nakakakita na may problema ang bride. Maging asawa mo walang pake. Ang ganda pa ng pagkakangiti, sarap batukan.”Napasinghap siya ng hangin at umiling-iling. “Hindi iyon sa gano'n, Felip. Mali ka ng pagkakaintindi and interpretasyon sa nangyari. Ay
Nang magbalik sina Celeste at Felip sa pangunahing gusali ay pareho silang natigilan sa isang komosyon na nangyari.“Waah! Why are you doing this to me, Semion? You told me I was special! Sabi mo may espesyal tayong relasyon!” may isang babae ang umiiyak na nakayakap sa baywang ngayon ni Semion.“Oh my god! She did not!”“Marami na siyang nainom kaya ganiyan!”“Kanina pa siya naglalasing sa isang tabi, no wonder nawala na sa hulog!”Unti-unting nagsalubong ang mga kilay ni Celeste na mabagal na naglakad at nakihalo sa crowd. Pinanood niya ang kasalukuyang nangyayari.Nakataas sa ere ang dalawang braso ni Semion, ang isa na may hawak na alak ay ipinatong nito sa tray ng dumaan na waiter. Bakas ang hindi pagkagusto sa kanyang emosyon sa mukha.“Please let go, Jessa.” itinulak ni Semion gamit ang isang palad ang babaeng grabe ang pagkakayakap sa kanya na halos ibaon ang buong katawan sa kanya.“N-Naghintay ako! Huhu, naghintay ako ng ilang taon matapos ang gabing iyon! Naniwala akong bab
Sinabi minsan ng yumaong ina ni Celeste na huwag niyang dibdibin kung sakaling magloko ang kanyang asawa balang araw.Dahil nasa kalikasan na ng mga lalaki ang hindi makuntento sa iisang babae lamang. Samantalang ang mga babae ay dapat laging tapat sa kanilang mga asawa, hindi puwedeng magpabihag sa tukso.Matagal na panahong dinala ni Celeste ang paniniwalang iyon sa isipan niya, hanggang sa halos limang taon nilang pagsasama ni Darson bilang mag-asawa.Naging masunurin siya rito, marespeto, lahat ng tungkulin niya ay ginampanan niya ng mabuti. Maging ang pagiging selosa ay hindi niya ginagawa para hindi bigyan ng rason si Darson na masakal sa kaniya at humanap ng ibang babae.Pero ang pagiging perpekto niyang asawa, mukha namang wala lamang saysay para kay Darson.“D-Darson? Sino siya?”Pagkabukas pa lamang ng pintuan ni Celeste ay tumambad na sa kanyang harapan ang asawa. Ngunit hindi lamang ito nag-iisa, kundi sa tabi nito ay nakatayo ang isang babae na may nakaumbok na tiyan, at
“Madam, huwag na po kayong umiyak. Wala pa kayong kain simula kahapon. Magkakasakit kayo niyan, eh.”Sa loob ng kuwarto ay walang ibang maririnig kundi ang mga hindi mapigil na hikbi ni Celeste. Saan pa mang bahagi ng unan ay napupuno na iyon ng mga luha at sipon niya. Hindi na niya rin magawang imulat ang mga mata sa labis na pamamaga ng mga ito.“Madam, kahit sabaw lang po, basta ba'y magkaroon lamang ng laman ang sikmura niyo.”Kahit ano pang panunuyo ni Anna, ang tapat na personal na katulong ni Celeste, ay hindi parin bumabangon sa kama ang amo niya. “S-Sinabi nang ayoko!” galit na sigaw ni Celeste habang baon-baon ang mukha sa unan. “Bakit mo ba ako hindi sinusunod, Anna? Lumabas ka na, pakiusap lang!”Sa sitwasyon ngayon ni Celeste ay nadudurog din ang puso ni Anna. Ilang beses na siyang pinagtulakan ng amo, pero nananatili parin siya sa loob ng silid nito, pinapanood itong umiiyak at kinukumbinsi na kumain.“Madam,” kinagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng mga luha. “Hu