Thank you sa gems!
Nagkikislapang mga ilaw sa gabi ng marangyang bulwagan, malamyos na musikang umalingawngaw sa lugar, maging masasarap na putahe sa kada mesa ng bisita, tila lahat ay ine-enjoy ang party matapos ng mahabang seremonyas ng kasal. Bawat sulok ng silid ay puno ng tawanan at kwentuhan kung saan bida ang dalawang bagong kasal.Hindi kalaunan. Si Semion ay tumayo mula sa kanilang mesa, kinuha ang isang wireless na mikropono na noo'y inabot ng isang host, saka siya lumapit sa gitna ng entablado. Unti-unting natahimik ang mga bisita, wala pa man ay nakatuon na, nag-aabang sa kanyang sasabihin. Si Celeste ay nanatiling nakaupo, nakangiti sa kanyang asawa, matapos madamayan ni Semion sa nangyari.Kagaya ng karaniwang awra ni Semion sa tuwing haharap sa mga tao, nakasilay ang maganda nitong ngiti sa labi, walang bahid ng tunay niyang pag-uugali. "Ladies and gentlemen, thank you all for being here tonight," panimula niya. "Napakahalaga para sa amin ng aking asawa na si Celeste ang inyong presensya
“Congratulations on winning your case, Mrs. Celeste Lombardi!”“Congratulations, Mrs. Costa-Lombardi!”“May this event mark your flourishing~”“More wins to come for both the Costa and Lombardi families!”Pinaunlakan ng kaliwa't-kanang papuri at pagbati si Celeste matapos ang inereng naganap na paghatol ng korte.Hindi lamang siya na-congratulate sa kasal kundi na rin sa pagkapanalo sa kaso laban kay Governor Demetrio Allegra.Matapos makipaghalubilo sa mga pamilyang may mataas na estado sa social class, kaagad na nagtungo si Celeste sa kanyang pamilya nang makahanap ng opotunidad.“Nanay Lordes!” mahigpit niyang niyakap ang ina sa tagal nilang hindi nagkasama at halos ngayon na lamang nagkalapit ang kanilang landas.Natutuwang napatawa si Lordes. “Ang anak ako! Proud na proud na ako sa'yo, Celeste.” mahigpit din nitong ginantihan ang kanyang yakap bago sila naghiwalay. Agad nitong sinapo ang kanyang mukha nang may nagniningning na mga mata. “Nagawa mo, anak. Sa wakas ay nabilanggo na
“Anong ibig mong sabihin, Felip?” kuryosong tanong ni Celeste sa lalaki.Nagpakawala ng marahas na hininga si Felip, halata ang pagkabahala sa kanyang ekspresyon sa mukha. “Noong una pa lang kitang nakita na naglalakad sa altar kanina, inaasahan kong makita ang matamis na ngiti sa mukha mo dahil ganoon ka ‘pag totoong masaya. Pero simula noon hanggang sa dumating tayo rito, hindi pa kita nakikitang masaya. Marami ka ring ginawang mali kanina sa seremonyas ng kasal, samantalang perpeksyunista ka. Para kang nasa ibang dimensyon.”Natahimik si Celeste.“Idagdag mo pa iyong suot mo kaninang gown, bakit gano'n? Oo maganda, pero bakit may pagka-basa at madungis? Ha!” napasinghal ito. “Pero parang hindi iyon nakikita ng lahat. Parang ako lang yata nakakakita na may problema ang bride. Maging asawa mo walang pake. Ang ganda pa ng pagkakangiti, sarap batukan.”Napasinghap siya ng hangin at umiling-iling. “Hindi iyon sa gano'n, Felip. Mali ka ng pagkakaintindi and interpretasyon sa nangyari. Ay
Nang magbalik sina Celeste at Felip sa pangunahing gusali ay pareho silang natigilan sa isang komosyon na nangyari.“Waah! Why are you doing this to me, Semion? You told me I was special! Sabi mo may espesyal tayong relasyon!” may isang babae ang umiiyak na nakayakap sa baywang ngayon ni Semion.“Oh my god! She did not!”“Marami na siyang nainom kaya ganiyan!”“Kanina pa siya naglalasing sa isang tabi, no wonder nawala na sa hulog!”Unti-unting nagsalubong ang mga kilay ni Celeste na mabagal na naglakad at nakihalo sa crowd. Pinanood niya ang kasalukuyang nangyayari.Nakataas sa ere ang dalawang braso ni Semion, ang isa na may hawak na alak ay ipinatong nito sa tray ng dumaan na waiter. Bakas ang hindi pagkagusto sa kanyang emosyon sa mukha.“Please let go, Jessa.” itinulak ni Semion gamit ang isang palad ang babaeng grabe ang pagkakayakap sa kanya na halos ibaon ang buong katawan sa kanya.“N-Naghintay ako! Huhu, naghintay ako ng ilang taon matapos ang gabing iyon! Naniwala akong bab
Sinabi minsan ng yumaong ina ni Celeste na huwag niyang dibdibin kung sakaling magloko ang kanyang asawa balang araw.Dahil nasa kalikasan na ng mga lalaki ang hindi makuntento sa iisang babae lamang. Samantalang ang mga babae ay dapat laging tapat sa kanilang mga asawa, hindi puwedeng magpabihag sa tukso.Matagal na panahong dinala ni Celeste ang paniniwalang iyon sa isipan niya, hanggang sa halos limang taon nilang pagsasama ni Darson bilang mag-asawa.Naging masunurin siya rito, marespeto, lahat ng tungkulin niya ay ginampanan niya ng mabuti. Maging ang pagiging selosa ay hindi niya ginagawa para hindi bigyan ng rason si Darson na masakal sa kaniya at humanap ng ibang babae.Pero ang pagiging perpekto niyang asawa, mukha namang wala lamang saysay para kay Darson.“D-Darson? Sino siya?”Pagkabukas pa lamang ng pintuan ni Celeste ay tumambad na sa kanyang harapan ang asawa. Ngunit hindi lamang ito nag-iisa, kundi sa tabi nito ay nakatayo ang isang babae na may nakaumbok na tiyan, at
“Madam, huwag na po kayong umiyak. Wala pa kayong kain simula kahapon. Magkakasakit kayo niyan, eh.”Sa loob ng kuwarto ay walang ibang maririnig kundi ang mga hindi mapigil na hikbi ni Celeste. Saan pa mang bahagi ng unan ay napupuno na iyon ng mga luha at sipon niya. Hindi na niya rin magawang imulat ang mga mata sa labis na pamamaga ng mga ito.“Madam, kahit sabaw lang po, basta ba'y magkaroon lamang ng laman ang sikmura niyo.”Kahit ano pang panunuyo ni Anna, ang tapat na personal na katulong ni Celeste, ay hindi parin bumabangon sa kama ang amo niya. “S-Sinabi nang ayoko!” galit na sigaw ni Celeste habang baon-baon ang mukha sa unan. “Bakit mo ba ako hindi sinusunod, Anna? Lumabas ka na, pakiusap lang!”Sa sitwasyon ngayon ni Celeste ay nadudurog din ang puso ni Anna. Ilang beses na siyang pinagtulakan ng amo, pero nananatili parin siya sa loob ng silid nito, pinapanood itong umiiyak at kinukumbinsi na kumain.“Madam,” kinagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng mga luha. “Hu
“Ang ganda at bait ng babaeng dinala ni Sir Darson dito sa mansyon. Nakakarelate ako sa kanya. Si Madam Celeste kasi, kahit limang taon na rito sa mansyon, ang hirap paring i-approach. Kailangan gusto niya lagi binabati siya at binibigyang respeto. Pero si Madam Chiarra, close na kami agad!”“Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo, Tami. Baka isipin nila na kumakampi ka sa kabit. Kahit pa mabait si Madam Chiarra, hindi dapat tayo pumanig sa mali.”“Hmp! Bakit naman? Feeling ko nga hihiwalayan na ni Sir Darson ‘yang si Madam Celeste. Hindi na siya masaya kay Madam. Pero kung titingnan mo siya ngayon, nanunumbalik ang saya niya kay Madam Chiarra! Ganiyan naman kasi talaga. ‘Pag may pagkukulang ang isang babae sa asawa niya, hahanap at hahanap ang lalaki ng ibang babaeng pupunan ang pagkukulang na ‘yon.”“Para sa akin ay wala namang pagkukulang si Madam Celeste. Sadyang hindi lang talaga niya mabigyan ng anak si Sir Darson. Sino ba namang asawa ang ipagkakait na magsilang ng sanggol, ‘di ba? Sa
“Napakasarap, daddy!” tuwang-tuwang sigaw ni Chiarra, puri nang puri sa pagkaing sinusubo ni Darson sa kanya.Magkatabi ang mga ito sa lamesa, habang si Celeste ay nasa harapan nila, kung kaya't kitang-kita niya ang bawat galaw ng dalawa.Kung mailalarawan iyon ni Celeste, ay tila isang sea lion si Chiarra ngayon. Ang ingay-ingay ng tawa at panay palakpak habang ito'y binibigyan ng pagkain ng isang trainer na si Darson.Hindi maiwasang husgahan ni Celeste ang babae dahil sa pagiging ignorante nito. Hindi ito marunong kumain ng maayos. Hindi nito alam kung anong gagamiting kagamitan sa pagkain ng lobster. Kalat-kalat at napakadungis.Wala itong proper etiquette sa harap ng hapagkainan. Sino bang magdadaldal nang may laman ang bibig? Nakakadiri din ang mga sauce na nagkalat sa gilid ng labi at pisngi nito.Kung ito pa'y nasa harapan ng mommy niya, paniguradong nasampal na ito ngayon. Dahil ganoon din siya pinalaki. Tamang pag-uugali sa harapan ng pagkain, lalo na kung may mga kasabay ka