“‘Nay!”Sa kalagitnaan ng pag-uusap at tawanan nila Semion, Celeste, Valentina, at Lordes, ay isang boses ng lalaki ang nangibabaw sa loob ng kubo.Pumasok sa kahoy na pintuan ang isang lalaki, suot ang marungis na damit pambukid, at balanggot sa ulo. May dala-dala itong dalawang maduduming sako na punong-puno at mukhang mabigat.“Nanay?” ang kayumanggi nitong balat ay mukha pang nasunog dahil sa sikat ng araw sa pinanggalian nito. Binitawan nito ang dalawang sako na may pagtatakang tinitingnan ang mga malalaking tao sa maliit nilang kubo.“Felip, anak!” Natutuwang napatayo ang kanyang ina na si Lordes mula sa kinauupuan katabi ang napakagandang babae para salubingin siya. “Mabuti at nakauwi ka na rin sa wakas!”“Ah, opo, ‘Nay. Tapos na ang trabaho namin. T'saka nagpamigay nga pala si Kapitan Pablo ng mga mais at kamoteng kahoy, pang ilang linggo na rin nating pangtawid ‘to.”“Wow, nagpasalamat ka naman ba? Kahit ganoon ang kapitan, mabait na tao parin ‘yon.”Napatawa si Felip. “Syemp
Ilang segundong nagtitigan ng masama sina Semion at Felip na animo dinadaluyan ng kuryente ang titigan nilang iyon. Parehong napatiim-bagang ang dalawa ngunit nanatiling tahimik.“Ay hala!” nagugulat na bigkas ni Celeste nang maproseso ang biglaang pangyayari ngayon-ngayon lang. Naramdaman niya ang tensyon sa dalawa at hindi maiwasang magtaka na kumapit sa braso ni Semion.Samantalang kinapitan naman ni Lordes ang anak niya nang may kaguluhan. “Ano ka ba naman? Hindi ka dapat magsalita ng ganyan sa bisita!” puno ng paumanhin niyang hinarap sa si Semion. “Pasensya niya, iho! Wala pa kasi siyang alam sa nangyayari kaya kung ano-ano na’ng pinagsasabi!”Doon lamang natauhan si Semion at pinutol ang sama ng tingin sa lalaking iyon para bumaling sa nanay nito. “It's okay, ‘Nay---"“Ano ba kasing dapat kong malaman?” walang pasensyang putol ni Felip kay Semion. “Dahil sa anggulo na nakikita ko ngayon, hindi dapat mag-asawa si Celeste agad matapos ng nangyari dahil kailangan niyang magdoble i
Ang akala ni Celeste ay magiging madali lang para kay Felip na magbago ang pakikitungo kay Semion nang ikwento niya ang ‘pekeng’ love story nila ni Semion, subalit sa halip ay mas lalo lamang sumama ang loob nito sa hindi malamang dahilan.“Hindi ba kapani-paniwala ang ginawang love story natin, Semion?” takang tanong niya sa lalaki, habang pinapatuyo ang kanyang basang buhok gamit ang tuwalya.Katatapos lamang niya maligo sa loob ng maliit na banyo ng inuupuhan nilang maliit na apartment sa lugar. Naupo siya sa kama, tiningnan si Semion na kanina'y nangangalikot sa cellphone, at ngayo'y may blangkong itsurang bumaling ng pansin sa kanya.“Why though? Does it matter?” tanong nito sa kanya. “Ano naman kung hindi maniwala ang lalaking ‘yon? May magagawa ba siya para mapigilan ang kasal?”Bahagyang natigilan si Celeste. Guni-guni niya lang ba? O masama talaga ang mood ni Semion magmula kanina pa?“Hindi naman sa gano'n,” aniya. “Pero kasi para ko na rin siyang pamilya, kaya mas nakakagaa
“D-Darson… h-huwag…”Kagaya ng nakasanayan at karaniwang nangyayari tuwing alas kwatro ng madaling araw, nagising si Semion dahil sa mga mahihinang halinghing ni Celeste habang ito'y malalim na natutulog.Tumagilid siya ng higa para pakatitigan ang mukha ni Celeste. Mayroong malamig na pawis ang namumuo sa noo nito kasabay ng naipong mga likido sa mahahaba at makakapal na pilik-mata nito.“Darson…” mas nalukot ang mukha ni Celeste at pinanginginigan ng katawan.Malamig ang mukha at walang ekspresyong pinanood ni Semion ang kalagayan na iyon ni Celeste. Matagal niyang hinayaang ganoon si Celeste hindi katulad noon, bago niya muling niyakap ang katawan ni Celeste at kinulong sa kanyang mga braso.“I'm here.” walang ganang aniya saka sinuklay ang likod ng buhok ni Celeste.“Hmm…” doon lamang pawang nakahinga si Celeste. Natigil ang panginginig at natigil ang mga halinghing.Muling pinikit ni Semion ang kanyang mga mata.Noong unang gabi na nagkatabi sila ni Celeste sa iisang kama, ay tan
“Luca, don't be rude. Eat your vegetables.” mahinang bulong ni Valentina sa kanyang kapatid nang makitang nilalaro-laro lamang nito ang pagkaing nasa harapan nito.Bumulong si Luca pabalik sa kanyang ate. “I don't get it. Rice and vegetables as breakfast? Para na ‘tong lunch.”“What? It's a typical Filipino commoner style. Kanin sa umaga, tanghali, at gabi. Learn to adapt, since this isn't our place. Eat your food.”Napapanguso na walang nagawa si Luca na tikman ang gulay kasama ng kanin. Akala niya ay hindi masarap. Subalit nang malasahan niya ay agad siyang napahanga. “Wow, what kind of gulay is this?”Nadinig ni Lordes ang batang si Luca at napatugon sa kabila ng pakikipag-usap kina Celeste. “Adobong talbos ng kamote iyan, anak.”“What? Akala ko meron lang adobong manok at baboy. Meron din palang ganito?”“Oo naman, iho, naku! Kung dito ka sa probinsya marami ka pang malalamang iba't-ibang klase ng putahe! Masasarap kahit na hindi kamahalan ang mga pampalasa!”“Really?” naputol ang
At Semion's Residence…“Pinatay nila lahat.” nanlalambot na naiusal ni Celeste matapos ibigay sa kanya ni Diego ang isang dokumento sa pag-uutos ni Semion.“Yeah, mukhang ang pagkitil ng buhay ang pinakamadaling solusyon para sa mga Allegra.” saad ni Semion habang umiinom ng red wine. “Your family lawyers, estate planners, accountants, and financial advisors, lahat sila patay na. At imposibleng coincidence lang ‘yun, dahil ayon sa mga autopsy and investigations, ang kinamatay nila ay car accidents—drunk driving, brake failure, rollover accidents, and even distracted driving. All are ridiculously related! Hindi man lang nila sinubukang baguhin ang strategy nila.”“Pati magulang ko at si kuya car accidents din.” Nahilot ni Celeste ang sintido. “Paano na ‘yan? Sila ang kailangan natin para sa mga dokumento ng mga properties and assets ng pamilya namin. Paano mapapatunayan na sa amin ang probinsya kung walang legal na mga dokumento?”“Well bago ‘yan,” sinenyasan ni Semion si Diego para ma
[MAKIBAKA, ‘Wag Matakot!][Patalsikin ang mga Allegra sa lupang hindi sa kanila!][Hindi niyo na kami mapapatahimik!][Hustisya! Hustisya! Hustisya para sa lahat ng magsasakang minasaker nila!][LALABAN, hindi na aatras!]Ilang beses na napakurap-kurap si Governor Demetrio Allegra habang naiwang nakaawang ang kanyang bibig. Kasalukuyan ngayong inuulat sa balitang umaga ang pagra-rally ng mga magsasaka sa lupang kinatitirikan nila at ito pa nga'y live na nangyayari at pinalabas sa telebisyon!“Gobernor!” napasaklolo sa kanya ang babaeng sekretarya nang mahilo siya at mawalan ng balanse.Napakapit si Demetrio sa kanyang office table habang alalay ng sekretarya. “P-Patayin mo, patayin mo ang screen ngayon din!” galit niyang utos.“Opo!” dali-dali siyang binitawan ng babae para kunin ang remote at patayin ang telebisyon.Ang malaki at malapad niyang dibdib ay panay ang taas-baba na animo nahihirapan na sa pagkuha ng hangin sa ere. Malakas ang pagdagundong ng puso niya at pakiramdam niya’y
“We absolutely cannot do that. Hindi natin pwedeng patayin si Celeste, Dad.” matigas na pagtutol ni Darson sa kanyang ama.Nagningas ang mga mata nito sa kanya. “Anong sinabi mo? Bakit? May nararamdaman ka ba sa babaeng ‘yon? Are you fuckin' kidding me right now?”Bago pa siya sugurin ng kanyang ama para pagbuhatan ng kamay ay kaagad na siyang nakapagpaliwanag. “Sa tingin mo ba talaga matatahimik sila kung sa ganitong klase ng sitwasyon pa biglang mawawala si Celeste? Lalo lang magkakagulo at lalo lang tayong malalagay sa alanganin. Gamitin mo ang utak mo ngayon; hindi itong nagpapadalos-dalos ka sa pagdedesisyon. Mas lalo lang tayong mapag-iinitan ng mga Lombardi at hindi malayong tayo pa ang mapapatumba sa huli!”Nakita niya ang pagtiim-bagang ng kanyang ama na hindi niya kinatakot.Dahil kung iisipin, totoo naman talaga ang sinabi niya. Pinagbantaan na sila ng pamilyang Lombardi matapos pahiyain sa harapan ng maraming tao, tanda ng pagiging seryos ng mga ito sa pagprotekta kay Cele