Share

Chapter 120

Wala akong ibang ginawa kung hindi maghintay na lang sa pagdating ng isang taong parang imposible naman ng dumating pa.

Ngayon ang araw kung saan kailangan kong pumunta sa Seth Corporation para i-check kung ano na ang mga nangyayari roon. Simula no'ng huling nagkita kasi kami ni Michael ay hindi na 'yon nasundan pa.

"Ready ka na?" napalingon ako sa aking likod bago ako tumango.

"Tara," simpleng sagot ko.

Hindi naman na nagsalita pa si Redenn. Ngumiti na lamang siya bago idinipa ang kanyang kamay upang ituro ang aking daraanan.

"Let's go!" biglang sabi niya bago naglakad kasabay ko. Napangiti naman ako bago ako tumango.

"Kailan mo balak mag-stay muna sa inyo?" biglang tanong nito sa akin sa gitna ng aming paglalakad. Napangiti naman ako.

"Plano ko na ngang umuwi," panimula ko.

"Wala pa ba kayong balita kay Michael?" tanong ko pa. Hindi naman kaagad sumagot si Redenn pero kita ko sa itsura niya na may ayaw siyang sabihin

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status