Share

Chapter 150

Malalim akong napahinga. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mumultuhin ng mga nangyari nitong nakaraan. Tanging iniisip ko na lang na baka kaya nangyayari ito ay dahil may magandang mangyayari.

Marahan kong itinango ang aking ulo ngunit agad akong napahinto nang makita ko ang isang pangalan na nakasulat ngayon sa isang libro. Libro na kanina ay hawak ko.

Agad akong natigilan.

"Francesca? Saan ko nga narinig 'yon?" tanong ko sa aking sarili bago ako napalingon sa paligid.

Patuloy ako sa pag-iisip nang bigla ko na lamang naalala kung saan ko nga ba narinig ang pangalan na iyon.

Flashback

Nakatayo ako ngayon sa labas ng bahay na pinuntahan namin ngayon ni Michael. Ngayon na nandito ako, ngayon ko lang nalaman na nasa isang liblib na lugar kami. Puno rito ng mga tanim na puno, halaman, at mga bulaklak.

"Why are you here?" narinig kong tanong ng isang boses mula sa kung saan.

Agad akong napalingon sa aking likuran at doo

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status