Share

Chapter FIVE

*DING*DONG*

Agad akong lumabas sa kwarto ko ng may marnig akong nagdoorbell,

"Baka yan na yung mga sinasabi ni zaxch"-sambit ko sa sarili ko,

Agad agad rin akong bumaba at inayos ang sarili bago buksan ang gate,

"Hello?Ikaw po ba yung sinasabi ni zaxch?"-Ngiting sambit ko,ngunit nagtatakang reaksyon niya sa mukha ang nakuha kong sagot,

"Hihingi lang po sana ako ng pagkain mam,nagugutom na po kasi ako kahit yung tira tira lang po ayos na"-ngiti ngunit malungkot na sabi niya,nakita ko naman na hinawakan nito ang tyan na,

"Halika,Pumasok ka dito may pagkain pa ko dito,"-ani ko,inalalayan ko siyang pumasok at pinaupo sa kusina habang kumukuha ng pagkain na natira kanina,

"S-salamat p-po m-mam"-Ani niya at dali daling kinuha ang mga pagkain na nasa mesa,

"Dahan dahan lang mabulunan ka"-nagaalala kong sambit sa kaniya

"P-pasensya n-na p-po i-ilang a-araw n-na k-kasi a-akong h-hindi k-kumakain"-Ani nito

"Ano bang pangalan mo?"-Tanong ko rito

"A-ako p-po s-si M-mier"-Sagot nito,at patuloy tuloy lang sa pagkain

Tiningnan ko ito ng kabuuhan,

Maputi,mahaba ang buhok,may itsura siya,

"Parang ambata mo pa ha,nasan ang mga magulang mo?anong ginagawa mo dito bakit palaboy laboy ka dito?baka mahuli ka ng guard"-sunod sunod kong tanong dito,agad naman itong napatigil sa kinakain niya at nakita kong umaagos ang luha niya

"P-pinalayas p-po a-ako"-Umiiyak niyang sambit

"Ha? Bakit naman?"-takang tanong ko rito

"D-dahil p-po d-dito"-Ani nito at hinawakan ang

tyan nito agad akong nagulat saking nalaman,

"B-buntis ka? Ilang taon ka na ba,bakit pinapabayaan ka lang,"-Agad akong lumapit dito at niyakap ito,

"Ate Wag po marumi na po ako"-ani nito at kumalas sa pagkayakap ko,nabigla naman ako sa inasal nito at dali daling tumakbo palabas ng bahay,hinabol ko iti dahil gusto ko humingi ng pasensya dahil baka natakot siya sa biglang asal ko,

"Hi mam ako po yung pinadala dito ni sir old"-Ani ng isang medyo may edad na pagkabukas ko ng gate,may kasama rin itong isang medyo maganda na bata pa parang kasing edad  baka anak niya ito,

"Pasensya na po pero may nakita ba kayong bata na babae na tumakbo palabas ng bahay?"-Tanong ko dito nagtinginan naman silang dalawa at umiling

"Wala po mam"-Sagot ng kasama niyang bata,

"Pasensya na po,Pasok po kayo,"-sambit ko at pinagbuksan sila ng gate,

Pinaupo ko sila sa table center at binigyan ng juice at pagkain

"Ako nga po pala si Nena,At ito si shanniela tawagin niyo nalang po siyang shan, "-Pagpapakilala ni aling nena agad naman akong ngumiti,

"Kayo lang po ba mag isa dito mam?"-Ani ni aling nena

"Hindi po,kasama ko po yung asaw- i mean kasama ko po dito si zaxch"-Ngiting sambit ko nakita ko naman na nag iba ang reaksyon ni shan at umiwas ng tingin

"Okay ka lang ba?"-nagaalalang tanong ko dito

"A-ayos lang po ako mam,Pagod lang po siguro sa byahe"-Ani nito,

Agad ko namang tinuro kung saan ang kwarto nila,Nahuling naglalakad si shan,at katabi ko naman si aling nena

"Bale magkahiwalay po kayo ng kwarto ni sir?"-Tanong ni aling nena

"Opo,kasi kasal lang naman po kami sa papel pero hindi kami nagmamahalan"-Saad ko dito

"Ah,Eh bakit hindi niyo itry magmahalan,wala naman sigurong hadlang for sure pogi si sir,swerte nga sayo si sir eh ang ganda ganda mong bata"-Nakangiting sambit ni aling nena,napangiti rin ako

"May Girlfriend si zaxch,At nirerespeto ko yun,Hindi po natin pwedeng pilitin ang isang taong mahalin tayo kahit may mahal na silang iba,"-Sambit ko dito,agad naman itong natahinik "bale ito po pangsamantala yung kwarto niyo,"-dagdag ko ng makarating kami sa harap bg kwarto nila.

"Salamat mam!"-Ngiting sabi ni aling nena

"Magpahinga na kayo,ako na muna bahala,kahit bukas na kayo magsimula"-ngiting sambit ko

"Hindi mam,kaya ko naman,si shan lang talaga yung napagod sa byahe"-ani ni aling nena

"Sige,pag may itatanong kayo nasa kwarto lang ako,yung kulay brown,kasi yung black kay zaxch yun"-Sambit ko,agad naman akong nagpaalam at nakita ko si shan na nakaupo sa gilid ng kama,

"Sige mam,maraming salamat po!"-Ngiting sambit ni aling nena ng pagkasira ng pinto ay dumiretso na ko sa kwarto ko at agad naghanda upang maligo,

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Nasan po pala yung nanay mo ia?buti pumayag siya sa set up niyo"-Sambit ni tita nena hababg nagluluto ito ng magiging hapunan namin,

"W-wala na po akong nanay,10 years old po simula nung mawala siya dahil sa aksidente"-Malungkot na saad ko dito habang naghihiwa ng mga sangkap,

"Pasensya na ia,"-Ani nito

"Ok lang po yun,ganun talaga ang buhay diba?"-pilit na ngiti ko dito

"MAM!!"-sigaw ni tiklong

"A-aray k-ko"-Naiiyak kong sabi dahil sa pagkabigla ko ay aksidente kong nahiwa ang daliri ko kaya andaming dugo na lumalabas

"Ay jusko ia!ano nangyare?"-Nagaalalang sambit ni tita nena agad naman itong kumuha ng kape na barako at nilagay sa sugat ko

"Mam! ay hala anong nangyare sayo mam?"-Nagaalalang tanong ni tiklong

"Ikaw kasi,Bigla bigla kang sumisigaw,nagulat si ia sayo at nahiwa niya ang daliri niya"-pinapagalitan siya ni tita nena,

"Hala sorry mam!"-Nakokonsensya na sambit ni tiklong ngumiti lang ako dito kahit naiiyak na ko

"Umiyak ka lang ia,para mabawasan yung sakit ng nararamdaman mo"-ani ni aling nena kahit nakakahiya ay umiyak ako,

"What's happening here?"-Rinig kong boses mula sa pinto ng kusina

"What happened to your finger?"-Nagaalalang taning ni zaxch at lumapit sakin at kinuha ang daliri kong dumudugo,

Ngayong ko lang siyang nakita ng malapitan,

Ang tangos pala ng ilong niya,makakapal ang kilay,at mapupulang labi,

"You won't get better just by looking at me"-Saad niya kaya napabalik ako sa reyalidad

"Tiklong, get the car, let's take her to the hospital, hurry up!"-Ani niya,agad naman halos madapa na tumakbo si tiklong

Nagulat na lang ako ng buhatin ako nito na parang sa kasal,

napatitig lang ako sa nagaalalang mukha niya,

"kung ganto ka ba naman sakin araw araw hindi imposibleng mainlove ako sayo kahit na mali"-saad ko sa isip ko

agad ako nitong nilagay sa kotse at habang hawak hawak ang kamay ko na dumudugo pa rin

"Hurry up!"-saad niya

Ng makarating kami sa hospital ay buhat buhat niya pa rin ako kaya yung ibang tao ay nakatingin samin,

"Hindi naman siya masyadong malalim,Pero mahaba ang hiwa kaya dugo ito ng dugo,reresitahan ko kayo ng gamot,para gumaling agad,sa susunod misis mag ingat para hindi masyadlng natataranta si mister"-Ani ng doctor,napatitig ako kay zaxch at namula

"H-hindi k-ko p-po s-siya asawa"-Utal kong sagot sa doctor

"She's my wife"-Ani ni zaxch,nagpalitan ng tingin samin ang doctor

"Ay may lq,Sige maiwan ko na kayo,yung mga binilin ko misis okay?"-Ani ng doctor

"Why did you say we weren't couple"-masungit na saad nito

"Sa papel lang naman tayo mag asawa diba?"-sagot ko dito agad ko naman nakitang nagiba ang mukha niya

"Come on, let's go home, I'm tired"-saad niya at unang naglakad

Galit ba siya?

Bakit siya nagagalit?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dranreb Daquiz
ang gulo ng kwento
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status