Share

Chapter FOUR

"Sorry zaxh,sa mga nasabi ko o mga nagawa ko "-Hingi ko ng tawad sa kaniya.Nandito kami ngayon sa sala at kumakain i mean siya lang nakatayo lang ako tinitingnan siyang kumakain Hindi niya naman inimik yung sinabi ko.

Ayaw niya kong kasabay kumain mas gusto niya daw kasi mag-isa

Gusto niya lang din nakatayo ako sa gilid niya para pag may ipapakuha siya matatawag niya ko agad

Nasanay na ko na parang katulong lang niya ko sa bahay na to

"Stop Staring at me" - Ani niya

Hindi ko alam na nakatingin pala ako sa kaniya

"Sorry madami lang inisip"-saad ko sa kaniya

"Tulad ng?"-Tanong niya at tumitig sakin

"Pagiging maganda ko"-ngiti kong saad sa kaniya habang proud na proud sa sarili ko nakita ko namang kumunot ang noo niya

"I'm sorry last night miss"-Saad niya habang inaayos ang gamit niya

"Ayos lang yun h-hindi k-ko naman alam na g-girlfriend mo siya"-Ngiti ko na lamang sagot sa kaniya

"I'm still sorry for what happen last night,I just already drunk,Napasobra ata yung inom ko"-Pagpapaliwanag niya

"Hindi ayos lang ano ka ba,"-Ngiti kong sagot dito

"Nasaktan ba kita?"-Pahabol na tanong niya

"Hindi naman,Naiintindihan ko naman kung bakit,kahit ako magagalit rin eh"-saad ko at napakamot na lang sa ulo

"S-sorry"-simpleng ani niya

"Ano,magsosorry ka nalang ba dyan maghapon,malalate ka na sa pupuntahan mo"-ani ko

"Babawi ako"-ani niya bago umalis

Nginitian ko lang siya at nag babye na

Hindi ko alam kung anong magiging pakiramdam ko..

Magiging masaya ba..

Magiging malungkot..

O ipagmix ko nalang..

Basta halo halo na yung nararamdaman ko

Pero tama bang ma feel ko to?

Buong maghapon lang ako nagisip sa mga nangyare at di ko namalayang Mabilis ang oras at maggagabi na uli kaya nagluto nalang ako ng ulam ko at kay tiklong para may ulam na siya mamaya at di na mamroblema sa ulam,

Agad din akong natapos sa pagkain at nilinisan na ang mga pinagkaininan at pinaglutuan ko kaya umakyat na ko sa taas para magpahinga,

Huminga ako ng malalim at agad humiga sa aking kama,

Hindi ko naiintindihan ang sitwasyon ko sa buhay ngayon,

Napapaisip nalang ako kung marami pa bang thrill sa buhay ko,

*****

"Ianna!"-Rinig kong boses ngunit kilala ko ito

"Mama ko?"-Naluluha kong tawag sa kaniya

nakikita ko ngayon ang isang magandang babae na mahaba ang buhok na ngayon ay nakangiti sa harap ko

"Ianna,anak ko"-ngiti niyang sambit

Agad ko siyang niyakap at umiiyak sa bisig niya naramdaman ko naman ang kamay niya sa likod ko na at hinahaplos ang likod ko,

"Mama kamusta na po kayo?,Matagal ko po kayong hinintay,Mama Gusto ko po kayong makita araw araw"-Parang batang saad ko sa kaniya habang nakayap

"Lagi mong tandaan nandito lang si mama sa likod mo ha,Wag kang mag alala maayos ang lagay ko,ikaw ang inaalala ko,wag mo ng gagawin ulit yung ginawa mo dati,naiintindihan mo ba?"-Ngiting ani niya

"Mama,Please balik na po kayo sakin,hindi ko na po gagawin ulit yun pangako! bumalik na po kayo sakin,kaya ko pong iwan ang lahat basta magkasama lang tayong dalawa,Ayoko na po maghiwalay tayo Please mama! please!"Umiiyak na saad ko dito at nagawa ko pang lumuhod habang nakikiusap sa kaniya

"Hindi pwede anak,Lagi mong tatandaan mahal ka ni mama ianna,"Saad niya

"Mama,Please sama niyo na po ako! Ayaw ko na po dito,Gustong Gusto ko na po kayo masakama,Sama niyo na po ako Please!!"-Nagmamakaawa kong sambit sa kaniya

"Hindi pa pwede anak,Tandaan mo mahal na mahal ka ni mama ok? Mahal na mahal ka ng mama ianna"-Huling sambit niya bago parang nawalang bula,

"Mama! Mama ko! Wag mo kong iwan please!,Mama ko,M-ma ko!"-Tinatawag ko pa ang kaniyang pangalan ngunit nabigo ako parang naging madilim nalang ang lahat sa paligid

"Miss?Miss?Are you okay?"-Rinig kong sambit ng isang lalake,Napabaligwas naman ako ng bangon baka naakyat bahay na kami,

"Yung mama ko!"-sambit ko habang umiiyak

"Shhh! It's okay!"-Ani niya at hinagod yung likod ko

"Sabi niya babalikan niya ko,Pero hindi na siya bumalik"-Umiiyak ko pang sambit

"O-okay lang yun miss,"-Ani niya ,hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon dahil nakayakap siya sakin at naramdaman kong may luha na bumagsak sa balikat ko,masarap pala sa pakiramdam na may nakayap sayo ng ganto,

"Mam,Tubig po!"-rinig kong ani ni tiklong agad ko itong nilingon at naghiwalay kami sa yakap ng kaharap ko ngayon,

"Sorry sir,Moment niyo pala ngayon"-naka peace sign na sabi ni tiklong

Tiklong- ✌️(⁠.⁠ ⁠❛⁠ ⁠ᴗ⁠ ⁠❛⁠.⁠)✌️

"I-I just came here to say mag-uumagahan na tayo tara na!"-Ani niya at tumayo na

"Anong oras na ba?"-Takang tanong ko

"8am"-Simpleng sagot niya

"Hala!"-Napabaligwas ako ng bangon at dali dali kong inayos yung higaan ko at naghilamos

"Why are you in a hurry?"-Nakakunot niyang tanong

"Sorry po,8 na pala wala pa kong naluto na breakfast"-kinakabahan kong sambit

"Just come down"-ani niya

Tiningnan ko naman si tiklong ng

"Anong meron?" look,Nagkibit balikat lang ito

"Okay po"-tanging sagot ko nalang baka magbago pa mood nito mahirap na,

nauna na siyang kaya inayos ko muna ang buhok ko,

"Mukhang Good mood si sir ngayon mam ha!"-Pangaasar nitong sambit

"Bakit kaya?"-Takang tanong ko

Mag-iisa't kalahating buwan na ko dito mam,Ngayon ko lang kayo nakitang nagmomoment"-Tuksong sambit niya

"THIKLONG!,What are you doing there?,Get down here!"-Sigaw na sapat lang na maririnig namin ni tiklong

"Sige mam,Baba na ko sunod na po kayo,baka mamaya lumabas na naman yung sungay ni sir,"-Ani ni tiklong at agad agad ring bumaba

Agad na rin akong bumaba,baka mamaya mainip kakahintay yun at lumabas na yung sungay niya,

"Why are you taking so long,Come on! I'm Hungry"-Ani nito na parang batang nagdadabog na umupo sa upuan

"Bakit?"-takang tanong ko dito

"Anong bakit?"-Kunot na noo niyang sambit

"Kumain ka na,"-ani ko dito

"Di ka sasabay?"-

tanong niya

"sasabay ako?"-patangang tanong ko

"Ayaw mo ba?"-sagot niya

"Anong ayaw?"-Tanong ko uli dito

"Ayaw mo ba kong kasabay kumain?"-Tanong niya habang nakatitig sakin

"Pwede ba?"-Masayang tanong ko dito

Agad naman siyang lumapit sa pwesto ko at inalalayan akong umupo sa upuan agad rin akong nagpasalamat ngunit naguguluhan pa rin sa mga nangyayare,

"Why are you so confused?"-tanong nito

"Wala naman,"-simpleng sagot ko

Hindi ako nakatingin sa kaniya dahil sa ibabaw ng mesa ako nakatingin ngayon,ang daming pagkain na pwedeng pagpilian,Parang may event nga sa dami ng pagkain,

"Uhm,May pupunta ba ngayon bakit ang daming pagkain"-Tanong ko dito

"Para sayo lahat yan,"-simpleng sambit niya

"Para sakin?"-takang tanong ko

"Yes,Kumain ka hanggat kaya mo"-mabilisan niyang ngiti ngunit nakita ko iyon,

"Cute ka pala kapag nakangiti eh!"-Ani ko dito

"Really?"-gulat na tanong niya

"Si tiklong nasan pala?,Pakuhain natin dito"-Pagiiba ko ng usapan

"Nandun siya sa kusina,ang sabi ko sumabay na satin but he said na He wants to be alone with the crickets"-sambit niya

Tumango nalang ako at natulala sa mga pagkain na nandito sa mesa

"By the way Miss,Uhm,May pupunta ditong maid mamaya,"-Ani niya

"bakit may maid? kaya ko naman mag isa"-ani ko sa kaniya

"Para mabawas bawasan naman yung ginagawa mo dito sa bahay and beside makapagpahinga ka dito ng maayos,and si oldman naman nagpadala ng mga yun "-pagpapaliwanag niya

"Kaya ko naman yung gawaing bahay,hindi ko na kailangan ng katulong"-Sambit ko

"Really?"-taas kilay niyang sambit

"Hindi"-tanging sagot ko,mahirap na baka magkamali tayo ng sagot,

"Good"-Ani niya

"Salamat pala kanina"-Pagiiba ko ng topic dahil nakakailang siya,

"For what?"-sambit niya

"Ah,Wala"-iling ko

"I'm leaving,be careful here, take care of yourself okay?"-Ani niya at dali daling kinuha ang mga gamit niya

"Ok,Ingat ka po!"-Sambit ko at patuloy na kumakain

"Don't worry, the new maids are coming, you will take care of them"-huling sinabi niya at narinig ko na lamang ang tunog ng kotseng papaalis na..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status