Share

10: TENSION

Naiwan akong nakanganga sa aking kinatatayuan dahil sa sinabi ni Leon. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil nag-aalala siya sa akin o dapat ay mainis ako dahil sa sinabi niya. Nang unti-unting mag-settle sa utak ko ang paraan ng pagkakasabi niya ng mga salitang iyon sa akin ay unti-unting uminit ang ulo ko.

Kahit naririnig ko ang ungol nina Kirsten at Uriel, binalewala ko iyon at inis na humabol sa papalayong si Leon.

“Sino ka ba para pagsabihan ako?” Tumaas ang boses ko pero hindi man lang siya huminto para harapin ako.

Sa sobrang inis ko ay hinaklit ko ang kaniyang braso para mapilitan siyang harapin ako. Pero nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Hinawakan niya ang aking magkabilang balikat at mariiin pinatuwid ako nang tayo.

“Nakita mo naman hindi ba? Walang normal sa mga kaibigan ko maliban kina Maureen at Bryan. Kung talagang matino silang kaibigan at magandang impluwensiya sa’yo o sa akin o sa kahit sino, hindi sila gagawa ng ganitong kababuyan sa ating harapan.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status