Kung maaari lamang na bugbugin ni Haniel ang parte ng sarili n’yang nag-udyok na halikan si Glayscent ay ginawa na nya. Ngunit huli na para mag-sisi, nagawa na n’yang ilapat ang labi sa babae. Nang dahan-dahang ilayo ni Haniel ang mukha nya rito ay hindi malaman ni Glayscent ang dapat maging reaksyon, naging awkward ang buong paligid at hindi sila halos makatingin sa mata ng isa’t-isa.
Tumikhim si Glayscent, nagtanggal ng bara sa lalamunan na parang biglang natuyo dahil sa biglaang nangyari.
“B-bakit… bakit mo ginawa i-iyon?” Nag-aalangan man ay tinanong nya parin si Haniel kahit na nauutal sya sa pagsasalita.
Hindi naman agad nakasagot si Haniel at parang walang mahagilap na tamang salitang dapat n’yang sabihin.
“Ah, i-iyon ba? Ha-ha-ha, a-ano… s-sabi mo kasi, ano… na nakakakilig y-y’ung eksena dun sa… pinanuod mo. Hindi ba? Kaya, ano&hel
Nag-sscan lang si Haniel ng mga channel sa tv nang marinig nya ang malakas na pagsigaw ni Glayscent na nanggagaling sa banyo, dahil sa pagkataranta at pag-aalala na baka may nangyaring masama ay dali-dali s’yang tumakbo papasok sa banyo. “What happened?” tarantang tanong nya kay Glayscent na nasa loob ng bath tub. “A-ang lamig ng tubig! Bakit ganyan kalamig? P-parang galing sa freezer!” Nakatayo parin sya sa bath tub habang nakaturo pa sa shower. Napatingin si Haniel sa kanyang dereksyon at natulala, nagtaka si Glayscent kung bakit bigla itong tumalikod. Huli na nang mapagtanto n’yang wala nga pala s’yang kahit anumang saplot sa katawan. Agad n’yang tinakpan ang sarili ngunit wala na rin itong saysay dahil nakita na ng lalaki ang kanyang kabuoan. “Bakit ka ba pumasok bigla dito! Nakakainis ka talaga!” galit na usal nya sa lalaki at tinatakpan parin ang katawan gamit ang nahigit na bat
Pagkatapos nilang mag-agahan ay bumyahe na agad sila papunta sa airport at lumipad patungong Jeju Island. Nais sana ni Glayscent na magtrain at ferry para makita nya ang mga tanawin pero aabutin ng ilang oras kung doon sila sasakay, kaya naman pumayag na rin sya sa eroplano.Makalipas ang mahigit dalawang oras ay narating na nila ang mala paraisong isla ng Jeju. Namilog ang mga mata ni Glayscent sa nakakahalinang tanawin na sumalubong sa kanila.“We haven’t reached our first stop, so save your energy for the whole day,” wika ni Haniel habang nilalanghap ang sariwang hangin ng isla.Tumango-tango lamang sya habang pinapasadahan ng tingin ang paligid, maya-maya pa ay dumating ang isang red BRZ/86 sports car. Bumaba ang driver nito at lumapit kay Haniel bago inabot ang susi sa kanya at nagpaalam.Napalunok si Glayscent, “S-sayo rin ang kotse na iyan?” Halos malula sya sa ga
Nang matapos si Fred sa pag-aayos ng kanilang tutulugan ay pinapasok na sila nito upang makapagpahinga.“Sir, ayos lang po ba sa inyo rito? Sabihin nyo lang po kung hindi kayo kumportable. Sige po, goodnight po sa inyo, ma’am Glayscent,” turan ni Fred bago umalis.Maya-maya ay nagring ang cellphone ni Haniel at nakita n’yang gustong magvideo call ng kanyang lola. Pag sagot nya rito ay agad na bumungad ang malungkot na mukha ni Nigel.“Nasaan po si mama ko?” tanong ng bata, agad naman n’yang ibinigay kay Glayscent ang cellphone upang magka-usap ang mag-ina.“Hi, baby ko. Kumusta ka d’yan? Bakit ka sad?” napansin agad ni Glayscent ang maglungkot na mukha ng anak.“Uwi ka na po, miss na kita eh. So sad na talaga ako, mama.” Halatang katatapos lamang umiyak ng anak nya dahil sa namamasa pa ang mata nito.&
Nag-aalala na si Glayscent sa kung ano na ang lagay ni Haniel sa loob ng kwarto dahil ilang oras na itong hindi lumalabas magmula nang makabalik sila sa hotel.“Haniel? Ayos ka lang ba? Gusto mo bang kumain? May dala akong merienda. Papasok na ako ha.” Dahan-dahang pinihit ni Glayscent ang doorknob bitbit ang tray ng pagkaing kanyang hinanda kanina.Nakita nya si Haniel na nakahiga sa kama at parang natutulog, nakalilis ang kumot nito kaya naman pagkalapag nya ng tray sa side table ay inayos nya ang kumot ngunit kinabahan sya nang makita itong puno ng pawis ang mukha. Butil-butil ito, agad n’yang hinawakan ang noo ni Haniel upang tignan kung may lagnat at hindi nga sya nagkamali, mataas ang lagnat nito.Dali-dali s’yang kumuha ng maliit na palangganang may tubig at malinis na towel. Umupo sya sa tabi nito at pinunasan nya ng marahan ang noo ni Haniel.“Ano bang nangyari
Matapos kumain ay napagpasyahan nilang pumunta pa sa isang lugar bago man lang sila umuwi ng Pilipinas kinabukasan. Dinala sya ni Haniel sa Namsan tower kung saan tanaw ito sa kanilang hotel room. Manghang-mangha si Glayscent dahil sa lawak ng kanyang natatanaw. Nasa pinakatuktok sila at kitang-kita ang kagandahan ng Seoul. Pagkatapos nila doon ay pumunta naman sila sa sikat na Gyeongbokgung palace kung saan makikita ang history ng Korea noon
Alas tres ng hapon nang umalis si Haniel at sinabing hintayin sya, ngunit mag-aalas nuebe na ng gabi ay wala parin ang lalaki. Hindi naman sya makaalis sa kanyang pwesto dahil hindi nya alam ang pauwi sa hotel, ayaw nya ring makipagsapalarang sumakay sa taxi dahil hindi nya rin alam ang sasabihin sa driver gayong hindi nya tanda ang pangalan ng hotel na tinutuluyan nila ni Haniel.“Bakit ba kasi hindi ko alam ang number ng mokong na iyon?” inis na sabi nya sa sarili.
“Gusto mong uminom?” nakangiting turan ni Glayscent kay Haniel.“Dali na, bumawi ka sa akin. Alalahanin mo may kasalanan ka pa. Inom tayo, order ka nalang ng chicken. May nakita akong soju at beer sa ref, gusto kong matry ‘yung alak ng mga Korean. Masarap daw ang chicken at soju eh.” Parang walang bakas ng nangyari kanina ang mga pananalita ngayon ni Glayscent, na parang walang nangyari kanina sa labas.Napatawa na lamang si Haniel at sinunod ang kagustuhan nya. Pagdating ng manok ay inilatag iyon ni Glayscent sa center table at naglabas din ng soju at beer.“Tara, movie marathon tayo, aalis na tayo bukas eh. Hindi ko na naman nasulit ang paggagala dahil sa isang tao d’yan na oa kung magalit.” Halatang pinariringgan sya nito kaya naman pabiro nya itong sinamaan ng tingin na ikinatawa na lamang ni Glayscent.“Hmmm! Ang sarap naman ng manok na ito,
Matapos ang nangyaring iyon sa kanila sa Korea ay hindi na muli pang pinag-usapan nina Haniel at Glayscent ang tungkol doon. Nais mang magtanong ni Glayscent ay hindi nya magawa dahil halata na kay Haniel ang ginagawang pag-iwas. Hanggang sa makauwi sila sa Pilipinas ay wala itong imik sa buong byahe at nakakutok lamang sa kanyang laptop habang inaasikaso ang mga naiwang Gawain sa kumpanya.“Mama! Sobrang miss na miss na po kita! Buti umuwi ka na po.” Bakas ang pagkasabik ng anak sa kanya na agad na tumakbo patungo sa kanya nang makita silang papasok na sa mansyon.“Na-miss din kita ng sobra, babay ko. Kumusta ka? Behave ka ba kina lolo at lola? Hindi ka pasaway?” tanong nya habang karga ang munting bata.Sunod-sunod na pagtango ang isinagot sa kanya ni Nigel na may kasamang matatamis na ngiti. Ito ang isa sa mga na-miss nya ng sobra sa anak, ang pagiging napakalambing nito at ang matatamis na ngi