Share

Chapter 44

"Tang-ina! Ano ang sinabi mo? Puta! Paano nangyari iyon? Bakit wala maski isa sa inyo ang nakaaalam o nakatunog man lamang na mangyayari ang mga ito?!" Galit na galit na sigaw ni Brent sa mga executives nila sa opisina. Alam niya na hindi tama ang mga salita na ginagamit niya sa ngayon, pero wala siyang pakialam dahil ang mahalaga sa kan'ya ay ang mailabas niya ang galit at inis niya.

Nananatili na tahimik ang tatlong kaharap niya at ang lahat ay nakayuko lamang. Kahit sila ay walang masabi na rason at dahilan kung bakit nangyari ang mga nangyari maliban sa tangi na puno’t-dulo ng nararamdaman na galit ng kanilang amo: ang mga Ruiz.

"Wala bang sasagot sa inyo?!" muli na bulyaw niya. "Ibinigay ko sa inyo ang trabaho na ito upang masiguro na pipirma sa atin ang mga Montes. Sinigurado ko nang pagkuha na lamang ng pirma niya ang gagawin ninyo, pero bakit bigla na lamang na sasabihin ninyo na umayaw na at pumirma ng kasunduan sa iba?!" Halos mapatid na ang litid niya sa kakasigaw dahil sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dimple
............ ......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status