Share

BACK TO ME chapter 3

Sumakit ang ulo ni Edward ng maisip ang maaaring maging epekto sa kanya ng nagawa niya kay Dailyn. Naalala niya si Aileen, kaya napasuntok siya sa malambot na kama.

Narinig ni Edward ang pasigaw na tawag ni Emy sa pangalan ng anak nito, kaya nauna ng lumabas ng kwarto si Edward at hindi na niya hinintay na matapos pa si Dailyn.

Nakita niya ang Mama nila Aileen na nasa sala nakaupo at hinihintay sila. Nahihiya siyang lumapit rito at tahimik na umupo at hindi rin naman siya makatingin sa ina ni Dailyn at Aileen.

Pinagmasdan lang muna siya ng ginang. Mababanaag pa rin sa mukha nito ang pagkadismaya sa kanila ng anak nito. Ramdam ni Edward na nagpipigil pa ng galit ang mama ni Dailyn.

Ilang minuto ang lumipas ay si Dailyn naman ang lumabas ng kwarto, umupo na rin ito sa tabi ni Edward na hindi makatingin sa kanyang ina.

"Anong nangyare? magpaliwanag kayo!" paasik na tanong ni Emy sa dalawa.

"Tita, hindi ko alam ang nangyare kagabi, wala talaga akong matandaan dahil sa kalasingan." pagsago
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status