Share

Kabanata 9

KABANATA 9

"Baka kapag magpatugtog ako ng gitara at kumanta sa harapan mo, hindi mo makayanan ang sarili mo't hagkan ako," Hambog na aniya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumabog na ako sa kakatawa. Nakita ko naman kung paano siya ngumisi sa reaksyon ko.

Inasar na nga, ngumisi pa. Baliw.

"Patawa-tawa lang pero kinilig na pala," Sabi niya.

Mas lalo akong humagalpak nang tawa at nakahawak na ako sa dibdib ko ngayon. Sumasakit na rin ang tiyan ko sa ginagawa ko.

Tumawa muna ako. "Ang hangin mo! Hindi ka nga siguro marunong," Ani ko.

Umiling-iling lang siya at nilapag ang gitara sa tabi niya. Binigay niya sa akin ang dala kong plate na wala nang laman.

"Sama ako mamaya ha? Mag-aantay ako sa labas," Sabi ko.

Nanatili siyang nakatayo habang nakapamewang na nakatingin sa akin.

"Kapag sinama kita mamaya, lalayo ka kay Syd ha? Kun'di kakaladkarin kita pauwi kahit hindi pa tapos ang gig ko," Striktong aniya.

Umirap ako. "Paano ako matututong mag gitara kung pagbabawalan mo ako? At tsak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status