Share

The Runaway Fiancé
The Runaway Fiancé
Author: yklareyy

Prologue

PROLOGUE

When they started to scream, all I want to do is to keep running until I can't hear the noises again. When life gets hard, I definitely choose to runaway than being stuck in that chaos. I want my freedom alone. I want myself alone. I prefer being alone than to hear this disgusting scream, saying that I shouldn't be selfish and try to get along with others, especially to the man that they wanted to be my husband for the damn reasons.

"Diba sinabi ko sa 'yo na makipag-kita ka roon? Bakit hindi mo sinipot?!" 

Umalingawngaw ang sigaw ng Ama ko sa buong kwarto ko. Hindi pa siya nakuntento at pinatid pa niya ang lamesa ko kaya nagkalat ang lahat ng gamit ko sa sahig. 

Napatingin ako sa mga gamit ko na nagkalat sa sahig. Nabasag ang pinag-ipunan kong vanity mirror dahil sa pagkakapatid niya. Nagkalat ang lahat ng makeup at nabasag pa ang lalagyan ng cream ko.

Nang-iinit ang sulok ng mata ko at hindi ko na napigilan ang pag-igting ng panga ko. Kahit nanginginig ang labi, buong tapang kong sinalubong ang mga tingin niya na parang kakain na nang buhay. 

"You can't force me to the marriage that I don't want." Buong tapang kong sagot.

Humakbang sa papalapit sa akin kaya napaatras ako. Napasandal na ako sa headboard ng kama ko habang yakap-yakap ko ang sarili kong tuhod.

"Kahit ano pang gawin niyo, hindi niyo ako mapipilit sa gusto niyo." Mahinahong sabi ko.

Napahilamos siya sa kanyang mukha pagkatapos ay umupo siya sa gilid ng kama ko. Akmang hahawakan na niya ang kamay ko ngunit inilayo ko ito.

You want me to tie to the person whom I don't really like? You all want me to be his wife were in fact, you don't know what kind of person he is? This fact is ridiculous! For fuck sake! Arrange Marriage is not that famous this days! Wala nang pwersahan ang pagpapakasal ngayon! Hindi na uso ang sapilitang pagpapakasal ngayon!

"Just please, Sienna, I promise... this is the last. Last na ito anak, pagkatapos nito wala na. Pagkatapos nito, you can do whatever you want. You can live freely. Lahat ng gusto mo, gagawin ko at ibibigay ko. Lahat ng pangangailangan mo, ako ang sasalo. Having Talavera Company is a big asset to our company, you know that right? Having them, can make us lift even more." Paliwanag niya.

Pero kahit anong paliwanag nila sa akin kung ano ang benepisyo ng pagkakatali ko, hindi na ito pinoproseso ng utak ko. Kahit anong pilit kong intindihin ang sinasabi nila, d-in-edeny na ito. 

I know this is too much. Sobra-sobra na ito. No'ng una ginagawa ko pa ang gusto nila sa kadahilanang sila ang dahilan kung bakit ko nasisilayan ang mundo. Sa kadahilanang sila ang dahilan kung bakit marangya ang buhay ko ngayon. Sa kadahilanang, utang ko sa kanila lahat ang meron ako ngayon. 

Sinasabi man nang iba na para na akong sunod-sunurang aso sa mga magulang ko, wala akong pakealam do'n. Nabuhay ako dahil sa kanila kaya ginagawa ko ang lahat para mapasaya sila. 

At the young age, wala akong ginawa kun'di sundin lahat ng gusto nila at balewalain kung ano ang gusto ko. I want to take medicine course pero pinilit nila akong kumuha ng ibang kurso para maiba naman daw. Pinilit nila akong pinapakuha ng 'photography' kahit hindi ko naman gusto iyon. I even remember how they announced that I'm going to take Major in Arts even though they already know that I'm currently in process for taking the entrance exam for my desired course but they insist that I should take Arts that's why I pulled out. 

Lahat ginawa ko kahit labag sa loob pero kahit kailan hindi pa naging sapat iyon? Kulang pa lahat ng iyon? Kailangan pa ba akong ipagkanulo sa mga taong hindi ko kilala? Really? Mabuti at nasikmura pa nila ang ganoong mga pangyayari!

I swear to the whole world, I'm not going to marry that man! I swear to all deity that I stayed single until I found my the one.

I wiped my tears as I exhaled deeply. "What benefits would I receive if I accept this marriage?" I asked my father.

Nagliwanag ang mukha niya at parang natauhan siya sa sinabi ko. Umayos siya ng upo at pilit inaabot ang kamay ko at hinawakan iyon. A big smile plastered in his face.

Mas lalong nanikip ang dibdib ko sa naging reaction niya. Giving me to someone can make him happy. Ang ibigay ako sa iba para sa kompanya ay nagpapasaya sa kanila. Ang isosyo ako sa kakilala nila ay lubos na nagpapainit sa kanilang puso.

When I will be enough? Kailan pa ako magiging sapat?

Lumunok muna ang ama ko bago sumagot sa tanong ko. "After this, you can do whatever you want. I'll support you. You have my support, Sienna. Gusto mo kumuha ng medicine right? Pwede kitang pagpapa-aralin ulit." Sabi niya.

Nanginginig ang labi ko kaya kinagat ko ang pang-ibaba. Kinalas ko sa pagkakahawak ang kamay niya sa kamay ko para mapunasan ang nabasang pisngi ko dahil sa pag-iyak. Ito lang ba ang pwedeng gawin kapag sobrang nasasaktan na? Ang umiyak?

Buong tapang kong sinalubong ang tingin niya at sinserong tiningnan siya sa mga mata. "You'll do whatever I want?" Pag-uulit ko sa sinabi niya.

He nodded. "Yes of course, you have my word."

"Kill me then." 

Shock plastered in his face. All the happiness, glimpse, twinkled-eyes are gone.

"W-What?" Nautal siya sa pagtanong.

I firm my voice even more. Trying to convince him. 

"You want me to marry that man and if I marry him, I can get a price? Now, killing me, is the price that I want." 

Lumambot ang expression ng mukha niya at hinaplos ang pisngi ko.

"How can I kill my own daughter?" Bulong niya.

"Hiniling kita Sienna, paano kita ipapatay? Hindi ko kayang pumatay ng anak... I would gladly hurt myself, than to my childrens." Aniya.

"S-So, does it mean na hindi mo na ako ipipilit sa kasal? I want my freedom, Dad. Gusto ko sarili ko muna. Hindi naman mali piliin ang sarili paminsan-minsan 'di ba?" Mahinang ani ko.

Tumango siya at pinahiran ang pisngi ko. Inilapit niya ako sa kanya at niyakap pagkatapos ay hinalikan ang noo ko.

"I'll pull out. No more weddings. I'll give you your freedom. From now on, I'll support whatever you want. You're my only daughter, you're precious more than anything else." 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status