Share

Chapter 4

Aalis ako rito sa ayaw at sa gusto ni Hades.

Iyon lang ang tumatakbo sa isip ko sa araw na iyon. Kailangan ko makatakas at makalayo kay Auntie o sa kanya man.

Pinagmamasdan ko ang sarili mula sa salamin. Nakasuot ako ng itim na shirt, napakalaki nito na nagmistulang bestida. Mahaba rin ang manggas na umabot sa aking siko. Malaki rin sa may bandang leeg kaya naman halos makita ang kanang balikat ko.

Mabuti na lamang at natuyo kaagad ang nilabhan kong panty, 'yun nga lang ay wala akong short.

Umupo ako sa kama at nag muni-muni. Wala na akong nagawa kanina kundi kainin ang mga pagkain na nasa refrigerator, mula umagahan hanggang hapunan. Marami siyang stock ng pagkain kaya hindi ako namroblema sa pamimili.

Humikab ako at tumayo upang lingunin ang bintana. Nasa siyudad ako ngayon at napakalayo kumpara sa probinsya namin. Kahit madilim na ang paligid ay nakikita ko ang mga taong nag lalakad sa gilid ng dagat, merong nag kekwentuhan, nag tatawanan, may mga bata ring nag hahabulan.

Nakarinig ako ng ingay mula sa ibaba, tama nga siya, ginabi siya ng uwi.

Umupo ako sa kama, hinintay ko ang pag dating niya rito sa kwarto pero hindi siya pumunta.

Saan siya matutulog? Iisa lang naman ang kama rito. Tumayo ako at sumilip sa may pinto, naaamoy ko ang kaniyang pabango. Lumabas ako at sinilip siya, humawak ako sa railing ng hagdan. Nakaupo siya ngayon sa sofa habang nakahawak sa kaniyang ulo at nakayuko.

Pinagmamasdan ko siyang mabuti. Malalim ang kaniyang paghinga ngunit hindi siya masyadong gumagalaw.

"Bakit hindi ka pa natutulog," bigla itong nag tanong ng hindi gumagalaw kaya kumunot ang noo ko.

Lumingon ako sa paligid. Ako ba ang kausap niya? Paano niya ako nakikita habang naka yuko?

"Wala lang," tipid kong pag sagot.

Marahan akong bumaba ng hagdan, tumayo ako malayo sa kaniya.

Bumuntong hininga ang lalaki at tumitig sa akin.

"Great shirt," nakatitig siya sa damit ko hanggang sa bumaba ang tingin niya sa hita ko kaya tumikhim at umiwas ako ng tingin.

"So, nong balak mo sa akin? Ikukulong mo na ako rito habang buhay?"

He snapped his eyebrows together. He moved his right hand and laid it on the back of the sofa, he opened his thighs. Nakikita kong malaki ang mga hita niya, bumabakat 'yun sa suot niyang pants. Umiwas ako ulit ng tingin.

Twenty three years na akong nabubuhay at kailanman ay hindi ako nag kagusto sa isang lalaki, kahit pa flirting and flings ay hindi ako nagkaroon.

Ang mga lalaki sa probinsya namin ay medyo kayumanggi, ibang iba sa itsura ng lalaki na nasa harap ko.

"I can take you shopping tomorrow if you need stuffs."

"Talaga?"

Bigla akong nakaisip ng ideya.

"Ipapasama kita kay Miko, I can't go with you."

"Bakit?" Humina ang boses ko ngunit naririnig ko ang pag ka excite.

"May meeting ako bukas," tumayo siya mula sa sofa.

Nakita kong umakyat siya sa taas kaya hinintay ko ang pag balik niya. Nilingon ko ang suitcase na katabi niya kanina. I know he's a busy man, kaya naman susulitin ko na hindi ko siya kasama bukas.

Tatakas ako!

Pagbalik niya ay nakita kong may hawak siyang black card. Maliit lang 'yun na para bang kasing laki ng debit card.

"Ano 'yan?" Tanong ko, lumapit siya sa akim at inabot 'yun.

"Black card."

Tiningnan ko 'yun, itim na itim ang kulay at may numbers sa unahan na naka sulat sa kulay na ginto, sa ibaba naman nito ay ang kaniyang pangalan.

"Anong... gagawin ko rito?"

"You can use that thing para mabayaran ang mga bibilhin mo. Kung hindi ka marunong, tutulungan ka ni Miko."

Miko? Yun ba 'yung lalaking kasama niya noong nakaraang gabi? Iyong singkit na mukhang friendly?

"W-Wala ka bang cash...?"

He tilted his head and shook.

"Wala."

Normal lang ba sa mga mayayaman na wala silang cash? I mean, mayaman din kami noon pero mas gusto ni mom and dad ang cash.

"It's your first time to see a black card?"

"Oo, karamihan sa nakikita ko minsan ay kulay blue, 'yung parang kay kuya."

I sat on the sofa, I traced my finger to its number. Pang mayaman ba ito?

Bakit ngayon lang ako nakakita nito?

Sa pamilya namin ay si kuya lang ang nakikita ko noon na gumagamit ng card, ang card na gamit niya ay 'yung kulay blue na ginagamit ng iba. Ang sabi niya sa akin ay pwede ako magkaroon ng ganoon kapag may sarili na akong pera at trabaho.

Pero hindi na yata ako mag kakaroon ng ganoon, bukod sa ikinukulong ako ng lalaking ito ay hindi rin ako naka pagtapos ng college.

"How old are you?" Tanong nito at umupo sa katapat na sofa.

"Twenty three, batang-bata pa kumpara sa iyo. Ikaw?"

"Thirty five."

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng marinig ang sinabi niya. Muntik ko pang mabulunan ang sarili kong laway habang gulat na gulat sa binanggit niyang edad.

T-Thirty five...?

"Talaga?" Lumunok ako para maiwasan ang pag piyok ko.

Hindi halata na thirty five siya, maayos pa ang pangangatawan niya at nag mistulang halos kaedad ko lamang. Sabagay, ganiyan din ang itsura ni kuya, halos mag kasing edad lang din sila, ang kaso ay mas baby face sa kaniya ang kuya ko.

"Ang tanda mo na pala..." Pabulong kong saad na mukhang narinig niya.

Doon na ako tuluyang nabulunan sa sarili kong laway. Umubo ako at napahawak sa aking dibdib.

"Yeah, and I can still break a bed."

Bastos!

"You are turning red, hindi ka ba sanay na may nag sasalita ng ganiyan sa harap mo?"

Yumuko ako at tumango bilang pag sagot. Ngayon dalawang kamay ko na ang naka hawak sa black card niya.

"Mahigpit ipinag babawal sa akin ni dad at kuya na hindi ako pwedeng maki pag usap sa mga lalaki na ganiyan mag salita."

Ilang minuto siyang tahimik kaya tiningnan ko siya, naka titig lang siya sa mukha ko na para bang may iniisip.

Ano naman ang iniisip niya?

"Strict parents?"

Tumango ako.

"Where are they?"

Kumurap ako at umiling.

"Hindi mo na kailangan malaman. Anong oras pala ako pwedeng umalis bukas kasama si Miko?"

"One pm can do, ipapahatid ko kayo sa driver."

"Talaga bang hindi ka sasama?" Naniniguro lang ako, baka mamaya pag takas ko nasa harap ko na siya.

"Gusto mong sumama ako?"

"Naku, 'wag na! Doon ka na lang sa trabaho mo!"

He nodded and stood up. Naglakad siya at huminto sa harapan ko kaya tiningala ko siya. Matangos ang kaniyang ilong kaya natural lang na malaki rin ang butas nito.

"Matulog ka na."

"Saan ka matutulog?"

"Sa sofa."

Tumayo ako at pinagmamasdan ang sofa na inuupuan ko kanina. Maliit lang ito at malaki siya, kakasya ba siya rito? Sigurado akong kapag humiga siya ay lalagpas ang kaniyang paa.

"Doon ka na lang sa kama, ako na lang dito."

"No, doon ka sa kama ko."

"Hindi na, dito na lang ako. Bigyan mo na lang ako ng unan at kumot."

"Doon ka sa kwarto, may pintuan para kapag hindi ko napigilan ang sarili kong gapangin ka, may—"

"Goodnight!" Mabilis ko siyang tinalikuran at malalaki ang hakbang na ginawa ko hanggang sa maka punta sa kwarto. Upang masiguro ay ni-lock ko ang pinto.

I touched my chest, my heart was pounding with so much nervousness when he said those words. I climbed into the bed and wrapped myself in a blanket.

Bakit ganito ang puso ko...?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status