Share

Chapter 20

Nang makapasok sila ng VIP room ay kumalma na ang mood ni Ryker. Naisip niyang alisin na sa trabaho ang manager ngunit naisip niya na hindi niya dadalhin ang dalaga rito sa susunod. Uutusan na lang niya ang manager na huwag magpakita sa harap nila ni Kelly. Kanina, kumulo ang dugo niya nang makitang nakatingin ang manager kay Kelly. Bakas ang paghanga at atraksyon sa mukha nito na hindi man lang itinago.

Sumulyap siya sa dalaga at nakita niyang binibistahan nito ang buong room. Naghuhumiyaw ng ito ng karangyaan. Simula sa sofa at sa interior ng room. At hindi niya maiwasang maging proud. Ang ipakita at iparamdam ang karangyaan sa dalaga ay isa sa plano niya. Gusto niyang silawin ito upang masanay sa ginagalawan niyang mundo. Gusto niyang ipakita ito lahat sa kaniya. Dahil alam niyang ito ang hangad ng karamihang babae.

Habang nakatitig siya sa pagkamangha na ekspresyon nito ay nagsimulang punan muli sa kaniyang puso ang angkinin ito. Talagang ayaw niya itong ibahagi sa iba at gusto ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status