Share

Chapter 23

Umaasa si Kelly na uuwi sa tanghalian si Ryker pero hindi ito umuwi kaya nadismaya siya. Gusto sana niyang magtanong ukol sa biglaang pag-assign nito kay Gemma. Sa hapunan naman ay hindi rin umuwi ang binata kaya mag-isa siyang kumain. Naintindihan naman niya ang binata dahil alam niyang boss ito ng sarili nitong kompanya at marami itong trabahong dapat asikasuhin.

Katatapos lang niyang kumain at nakaupo sa ilalim ng banyan tree at nakahiga sa tabi niya ang asong si Yango at nakaunan pa sa binti niya. May nilagay na parang Christmas light ang puno kaya maliwanag ang ilalim nito. Hinahagod niya ang ulo ni Yango nang humahangos na dumating si Gemma. Habol ang hiningang ibinigay nito ang telepono sa kaniya. Nagtatakang inabot niya iyon at inilagay sa taynga.

"Si Master," bulong ni Gemma. Nakakaunawang napatango siya at nag-hello sa binata.

"Hello, darling, kumusta ang araw mo?" tanong nito.

"Okay naman," mahinang sagot niya. "Boss, hindi ko maintindihan kung bakit bigla mong pinadala ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status