Share

Chapter 31

Agad natutok ang mata ni Kelly sa aristokratong lalaki sa hapag. Sa unang tingin pa lang ay agad mong masasabi na strikto ito. Sa tingin niya ay hindi mo magagawang kalabanin ito sa matiim at mapangkilatis pa lang na tingin nito.

Lihim siyang napalunok at nanalangin na sana ay hindi ito sumabog sa galit dahil dinala siya ni Ryker dito. May tiwala naman siya sa binata na ipagtatanggol siya nito dahil malakas ang loob nitong isama siya pero 'di pa rin niya maiwasang matakot at manliit. Paano kung sabihin nilang isa lang siyang lintang nakakapit sa apo nila. O 'di kaya ay isa lamang siyang langgam sa mata nila at hindi kayang pantayan ang kung ano mang meron ang pamilya nila?

Ngunit animo naipako siya sa kinatatayuan dahil bigla itong tumayo at naniningkit ang matang dinuro si Ryker. Hindi maitatago ang galit sa mata nito. "Anong karapatan mo para walang pakundangan mong dalhin ang babaeng walang kaugnayan sa pamilyang 'to?" Halos manginig ang daliri nitong nakaduro sa binata.

Napigilan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status