Share

Chapter 32

Habang pauwi sila ni Ryker sa mansion ay tahimik lang na nakamasid siya sa bintana. Ang sabi ng patriarch ng pamilya nina Ryker aty matulog na sila ng main house ngunit tumanggi ang huli. Napansin niyang parang may tinatakasan ang binata dahil hinila na siya nito paalis pagkatapos ng dinner at kuwentuhan nila.

Sa durasyon ng dinner na 'yon ay tanging ang matandang Mondragon ang palaging nagsasalita. Kung hindi nito pinupuri ang achievements ng mga apo nito ay pinupuna naman nito ang ibang pagkakamali ni Ryker. Isa na roon ang pagbabayad nito ng mga babae para lang makasama nito sa isang gabi na ikinaluwa ng kaniyang mata. Hindi niya inaasahang marinig iyon sa bibig ng matanda. At puno ng disgusto at pagkayamot ang tono ng matanda.

Nang marinig na binanggit iyon ni Lolo Jones ay biglang naalala niya ang medical records ng mga babae na aksidenting nakita niya noon. Nahulaan niya agad na nagsinungaling si Sydney sa kaniya tungkol doon. Nanikip ang dibdib niya at mapait na napangiti nang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status