Share

Chapter 38

"Masaya ka ba?"

Natigil sa paghalo si Kelly sa tinitimpla niyang banana blossom pancake nang marinig ang tanong na iyon ni Gemma. Hindi niya ito tinignan at nakatutok lamang ang kaniyang mata sa malaking bowl sa mesa.

Masaya nga ba siya? Of course not! Pagkatapos ng huling dinner nila sa main house ay kinulong na siya nito sa mansion ni Ryker at nababantayan lahat ng mga kilos niya. Pati na yata pagpunta niya sa banyo ay binabantayan ni Caspian. Ramdam niya ang mga nakasunod na mata nito kahit saan siya magpunta. Pakiramdam niya ay nasasakal siya at hindi makakilos ng malaya. Idagdag pa na ganun din ang ginagawa ni Ryker sa tuwing uuwi ito galing sa office nito.

Paano siya magiging masaya kung ganitong parang may makapal na kadenang bakal na nakatali sa leeg, paa at kamay niya. Ngumingiti lang naman siya kung palihim na tinatawagan niya ang magulang gamit ang cellphone ni Gemma. Pero 'pag kaharap na niya si Ryker ay ni hindi niya magawang tumawa. At sa tuwing nagkakaroon sila ng maini
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status