Share

Chapter 44

Nakatalikod si Kelly sa may pintuan habang nakaupo sa kama. Panay ang pagpatak ng kaniyang luha pero nang marinig ang pagbukas ng pinto ay mabilis na pinunasan niya ang mukha at nahiga sa kama. Pigil ang sariling suminghot siya dahil ayaw niyang ipakita rito na umiiyak siya.

Naramdaman niyang nakatingin ito sa likod niya pero hindi siya tuminag bagkos ay hinila niya ang kumot hanggang sa may leeg niya. Tanging ang ulo na lamang niya ang nakikita.

Humugot siya ng napakalalim na hininga at mariing kinipkip sa kamay ang kumot. Mainit man ang panahon ay pakiramdam niya nilalamig pa rin siya dahil sa halo-halong emosyon na kaniyang nararamdaman ngayon. Ang mga narinig niya sa bibig ng ama ng binata at ang katotohanan na baka hindi siya mahal ni Ryker. Ang tingin lamang nila sa pagsulpot niya sa buhay ng binata ay isang babaeng madaling abusuhin ng lalaki. Isang mahina at sunud-sunuran.

"May surpresa ako sa'yo bukas," narinig niyang turan nito bago ang paglundo ng kabilang side ng kama.

Nak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status