Share

Chapter 45

Dahil walang pasabi si Kelly na uuwi siya, nang itulak niya pabukas ang pinto ng bahay ay sabay na napalingon ang magulang niya na nasa living room. Gulat na napamata sila sa kaniya sa biglaang pagsulpot niya. Parang ulan na namalisbis ang kaniyang luha at patakbong inihagis ang sarili sa pagitan nila.

Humihikbing mahigpit na yumakap siya sa kanila. Nagtataka man sila sa kaniyang reaksyon ay gumanti naman sila ng yakap at hinaplos ang likod niya. Lahat ng sakit at takot na ininda niya at dinanas sa kamay ni Ryker ay parang bombang sumabog sa buong pagkatao niya. Isinubsob niya ang ulo sa leeg ng mama niya habang pigil ang pag-atungal niya.

"Naku, itong batang 'to. Ilang buwan ka lang na nagtrabaho malayo sa amin ay ito at umaatungal ka na. Miss na miss ka rin namin, anak," masuyong bigkas ng mama niya. Very affectionate na hinagod nito ang kaniyang likod.

Natawa ang kaniyang ama at matunog na hinalikan ang sentido niya. "Matanda ka na, hija, ngunit hindi mo makaya ang mabuhay nang mal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status