Share

Chapter 40

Habang kumakain ng agahan sina Kelly at Ryker ay hindi umiimik ang una. Pinapakiramdaman niya ang huli dahil feeling niya ay may gusto itong sabihin sa kaniya. Maya't maya rin itong napapasulyap sa gawi niya at hindi niya kayang ignorahin iyon. Kapag ganitong tahimik lang silang dalawa ay parang ordinaryong couple lang sila. Iyong normal lahat pero 'pag bumuka na ang bibig nito ay mababasag ang imahinasyon niya at babalik ang pagkamuhi niya rito.

"Pagkatapos mong kumain ay maghanda ka. Pupunta tayo sa Hera," narinig niyang wika nito.

Agarang nag-angat siya ng mukha at maang na tinignan ito. Kung 'di siya nagkakamali ay ang Hera na tinutukoy nito ay ang malaking mall na pag-aari ng pamilya nito. Hindi niya alam kung ano na namang trick ang hinahabi nito pero wala siyang tiwala rito.

"Simula sa araw na 'to ay ikaw na ang magbabantay sa bookstore. Anong gusto mong pangalan ng maliit mong business?" tanong nito.

Bahagyang sumikdo ang puso niya sa narinig. Makakahugot na rin siya ng ibang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status