Napaigik si Kelly nang malakas na itulak siya ni Ryker sa kama pag-uwi nila ng mansion. Nagliliyab sa pagkapoot ang mata nito na nakatingin sa kaniya. Mababakas ang takot sa mata na bumangon siya pero napadaing siya at napaluha nang mariing pisilin nito ang baba niya.Nanginginig ang buong katawan niya na hinawakan ang kamay nito pero tinabig iyon ng malaya nitong kamay. Sa lakas ng ginawa nito ay animo mababali na ang braso niya. Mas dumiin pang lalo ang daliri nito kaya malakas na dumaing siya."Ang iyong boses, ang ngiti mo, ang luha mo, lahat ng tungkol sa iyo ay pag-aari ko, Kelly. Malungkot ka man o masaya ay ako lang dapat ang una at huling nagmamay-ari sa'yo. Nasabi ko na sa'yo na inukopa mo ang puso ko at ibig sabihin nun ay mahal kita. Kaya wala kang karapatan na ipakita ang lahat ng 'to sa mga unrelated na lalaki o kahit pa babae 'yon! Naiintindihan mo ba ako??" puno ng pagbabanta at mapanganib na angil nito sa kaniya.Napahikbi siya at pilit na umiiling para bitawan nito a
Pagkalabas nina Caspian at Gemma ng kuwarto ay nagpupuyos ang kalooban na hinablot niya ang unan at malakas na ibinato sa sulok. Gusto niyang magwala at sumigaw pero alam niyang kahit gawin niya 'to ay walang silbi sapagkat iignorahin lamang siya ng mga tao rito sa mansion. Nanggigigil na hinablot niya ang lampshade sa bedside table at ibinato sa dingding. Lumikha iyon ng malakas na ingay nang mabasag iyon. Ngunit hindi siya tumigil at hinablot naman ang isang vase na may bulaklak ng puting rosas. Pero kahit gaano kalakas ang ingay na ginagawa niya ay walang kahit na sino ang nagbukas ng pinto upang tignan siya.Puno ng pagkamuhing matalim na tinignan niya ang pinto habang nagmumura, lalo na ang demonyong 'yon. Kahit pa hindi nito itinuloy ang balak kagabi ay pakiramdam niya niruyakan pa rin nito ang pagkababae niya. Tapos ito pa at ikinukulong siya nito sa mansion. Isa siyang chauvinistic pig at napaka-inhumane.Umiiyak na sinipa niya ang unan sa kaniyang paanan. Marahas na pinunasan
Masagana ang mga pagkain na inihanda sa mesa subalit animo walang lasa iyon. Pati ang paglunok ay napakahirap sa kaniya. Kahit pa tumatawa ang mga kasalo niya ay hindi niya magawang sumali. Hindi niya magawang mag-enjoy.Ang matandang Mondragon ay hindi nakaligtaang lagyan ng pagkain ang pinggan niya. Pilit na ngumiti siya at nagpasalamat pa rin dito."Bakit hindi ka na lang magpatayo ng bookstore sa Hera Mall at ipangalan mo kay Kelly ang ownership, hijo," suhestyon ni Lolo Jones, "sa ganun ay hindi sa company siya magtatrabaho. Last time, pinag-isipan ko 'to noong sabihin ni hija na librarian ang natapos niya. Im sure mas nag-eenjoy siyang ang nasa paligid niya ay mga libro."Biglang napaangat ng ulo si Kelly at gulat na tinignan ang matanda bago sumulyap kay Ryker. Ang weakness niya ay mga libro at hindi niya alam kung paanong nalaman iyon ng matanda. Magkaganun pa man ay hindi siya masaya dahil pakiramdam niya ay itinatali siya ng Lolo ni Ryker. Ngayon niya natanong sa sarili kung
Hindi sa loob ng mansion dumeretso si Kelly kundi sa garden sa may likod. Si Ryker naman ay hindi niya alam kung saang sulok ng mansion na ito pumunta sapagkat nang bumaba ito ng sasakyan ay basta na lang siya nito iniwan.Noong pumunta siya rito ay may nakita siyang outdoor lounge chair sa may ilalim ng willow tree at doon siya nahiga. Para kasing hapong-hapo na siya kaya pinili niyang pumunta rito.Pumikit siya at pinuno ng hangin ang baga niya. Kahit man lang sa oras na 'to ay magawa niyang makahinga ng maluwag sa parte ng mansion na 'to. Ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang mukha ay parang malinis na hangin na madalas niyang pinahahalagahan at minamahal sa Santa Rosa."I miss my family," naluluhang bulong niya at itinaas ang kamay na parang abot niya ang madilim na langit. Wala man lang kahit isang bituin ngayon na makita niya. "Kung pwede ko lang silang makausap kahir minsan lang," dugtong niya.Mariing naglapat ang labi niya para walang makawalang hikbi sa bibi
"Masaya ka ba?"Natigil sa paghalo si Kelly sa tinitimpla niyang banana blossom pancake nang marinig ang tanong na iyon ni Gemma. Hindi niya ito tinignan at nakatutok lamang ang kaniyang mata sa malaking bowl sa mesa.Masaya nga ba siya? Of course not! Pagkatapos ng huling dinner nila sa main house ay kinulong na siya nito sa mansion ni Ryker at nababantayan lahat ng mga kilos niya. Pati na yata pagpunta niya sa banyo ay binabantayan ni Caspian. Ramdam niya ang mga nakasunod na mata nito kahit saan siya magpunta. Pakiramdam niya ay nasasakal siya at hindi makakilos ng malaya. Idagdag pa na ganun din ang ginagawa ni Ryker sa tuwing uuwi ito galing sa office nito.Paano siya magiging masaya kung ganitong parang may makapal na kadenang bakal na nakatali sa leeg, paa at kamay niya. Ngumingiti lang naman siya kung palihim na tinatawagan niya ang magulang gamit ang cellphone ni Gemma. Pero 'pag kaharap na niya si Ryker ay ni hindi niya magawang tumawa. At sa tuwing nagkakaroon sila ng maini
"Bumisita ako sa bookstore, kuya, at napag-alaman ko na hindi si Kelly ang naroon na nagbabantay. Akala ko ba ay para sa kaniya iyon?" bungad ni Rhian kay Ryker nang dimating ito sa opisina ng binata.Gusto sana niyang makipagkuwentuhan at kamustahin ang soon to be ay hipag niya ngunit iba naman ang kaniyang nadatnan. Ni hindi raw nakilala ng saleslady ang amo nito sapagkat noong na-hire ito ay si Sydney ang nakausap nito. Sa natuklasan ay napasugod siya rito sa Mondragon building para lang sitahin at kastiguhin ang kapatid.Mula sa pinipirmihang papeless ay nag-angat ng mukha si Ryker at matiim siyang tinignan. Hindi siya natakot sa paraan ng tingin nito bagkos ay nilabanan pa niya ito."Bakit? Hindi ba at tama naman ako? Si Kelly ang dahilan kung bakit nagsuhestyon ang Lolo Jones na magpatayo ka ng business na pagkakaabalahan ng kasintahan mo para hindi siya mabagot at takasan ka," mapang-uyam na sabi niya sa huling kataga.Dumilim ang mukha ni Ryker at tuluyan na nitong hininto ang
Habang kumakain ng agahan sina Kelly at Ryker ay hindi umiimik ang una. Pinapakiramdaman niya ang huli dahil feeling niya ay may gusto itong sabihin sa kaniya. Maya't maya rin itong napapasulyap sa gawi niya at hindi niya kayang ignorahin iyon. Kapag ganitong tahimik lang silang dalawa ay parang ordinaryong couple lang sila. Iyong normal lahat pero 'pag bumuka na ang bibig nito ay mababasag ang imahinasyon niya at babalik ang pagkamuhi niya rito."Pagkatapos mong kumain ay maghanda ka. Pupunta tayo sa Hera," narinig niyang wika nito.Agarang nag-angat siya ng mukha at maang na tinignan ito. Kung 'di siya nagkakamali ay ang Hera na tinutukoy nito ay ang malaking mall na pag-aari ng pamilya nito. Hindi niya alam kung ano na namang trick ang hinahabi nito pero wala siyang tiwala rito."Simula sa araw na 'to ay ikaw na ang magbabantay sa bookstore. Anong gusto mong pangalan ng maliit mong business?" tanong nito.Bahagyang sumikdo ang puso niya sa narinig. Makakahugot na rin siya ng ibang
Hindi namalayan ni Kelly ang oras dahil naeengganyo siyang magbasa. Kung hindi pa siya nilapitan ni Miranda at kinalabit ay wala siyang planong tumigil sa pagbasa. Dahil sa pagbabasa niya ay pansamantalang nakalimutan niya ang tungkol kay Ryker. Pero ngayong malapit na ang uwian ay nabahala at bumalik na naman ang lungkot sa puso niya. Babalik muli siya sa lugar kung saan wala siyang kalayaang gawin ang gusto niya."Nakalimutan ko ang oras," nahihiyang bigkas niya at tumayo. Isinara rin niya ang binabasang libro at binitbit iyon.Nang tumingin siya sa likod ni Miranda ay agad nabura ang ngiti niya pagkakita kay Ryker. Nakasandal ito sa shelves at pinagmamasdan siya. May munting ngiting nakapaskil sa mata nito at kung 'di siya nagkakamali ay baka kanina pa ito nandito. Si Miranda lang ang lumapit sa kaniya para mawala ang atensyon niya sa binabasa.Umayos na ng tayo si Ryker at naglakad palapit sa kaniya. Sinuklay nito ang bahagyang nagulo na buhok niya gamit ang daliri nito. "Umuwi na