Si Caspian ang nagmaneho ng sasakyan nila papunta sa main house. Nakaupo sila sa backseat at hawak ng binata ang kamay ni Kelly. Sinubukan niyang bawiin ang kamay niya dahil namamawis iyon ngunit humihigpit lang ang pagkakahawak nito sa kaniya. Nahihiya siyang mag-amoy pawis ang kamay nito. Aware yata ito na kinakabahan siya kaya mahinang pinisil nito ang palad niya.Sa totoo lang, gusto niyang kikiligin at ma-e-excite na makilala ang magulang nito. Pero hindi niya magawa ang bagay na 'to sapagkat mas nangingibabaw ang halo-halong pakiramdam niya. Sa kaba, takot, hiya at panliliit sa sarili na humarap sa buong pamilya nito. Lalo na at nasabi ni Sydney na ang patriarch ng pamilya ng binata ay mapagmatyag at matalas ang dila nito. Kung mahina ang puso mo ay maiiyak ka na lamang sa harapan ng nasabing Lolo ng binata.Sa Blue Vile subdivision nakalokasyon ang main house. Tahimik ang community ng subdivision at makikita ang ilang security na naglalakad para mag-patrol. May dalawang metro a
Agad natutok ang mata ni Kelly sa aristokratong lalaki sa hapag. Sa unang tingin pa lang ay agad mong masasabi na strikto ito. Sa tingin niya ay hindi mo magagawang kalabanin ito sa matiim at mapangkilatis pa lang na tingin nito. Lihim siyang napalunok at nanalangin na sana ay hindi ito sumabog sa galit dahil dinala siya ni Ryker dito. May tiwala naman siya sa binata na ipagtatanggol siya nito dahil malakas ang loob nitong isama siya pero 'di pa rin niya maiwasang matakot at manliit. Paano kung sabihin nilang isa lang siyang lintang nakakapit sa apo nila. O 'di kaya ay isa lamang siyang langgam sa mata nila at hindi kayang pantayan ang kung ano mang meron ang pamilya nila?Ngunit animo naipako siya sa kinatatayuan dahil bigla itong tumayo at naniningkit ang matang dinuro si Ryker. Hindi maitatago ang galit sa mata nito. "Anong karapatan mo para walang pakundangan mong dalhin ang babaeng walang kaugnayan sa pamilyang 'to?" Halos manginig ang daliri nitong nakaduro sa binata.Napigilan
Habang pauwi sila ni Ryker sa mansion ay tahimik lang na nakamasid siya sa bintana. Ang sabi ng patriarch ng pamilya nina Ryker aty matulog na sila ng main house ngunit tumanggi ang huli. Napansin niyang parang may tinatakasan ang binata dahil hinila na siya nito paalis pagkatapos ng dinner at kuwentuhan nila.Sa durasyon ng dinner na 'yon ay tanging ang matandang Mondragon ang palaging nagsasalita. Kung hindi nito pinupuri ang achievements ng mga apo nito ay pinupuna naman nito ang ibang pagkakamali ni Ryker. Isa na roon ang pagbabayad nito ng mga babae para lang makasama nito sa isang gabi na ikinaluwa ng kaniyang mata. Hindi niya inaasahang marinig iyon sa bibig ng matanda. At puno ng disgusto at pagkayamot ang tono ng matanda.Nang marinig na binanggit iyon ni Lolo Jones ay biglang naalala niya ang medical records ng mga babae na aksidenting nakita niya noon. Nahulaan niya agad na nagsinungaling si Sydney sa kaniya tungkol doon. Nanikip ang dibdib niya at mapait na napangiti nang
Walang ideya si Kelly kung anong oras nakauwi si Ryker kagabi pero nang magising siya ay kinaumagahan ay nasa tabi niya ito at mahimbing ang tulog. Ang braso at paa nito ay nalingkis sa kaniya. Kaya pala sa panaginip niya ay nakatali raw siya ay dahil doon. Ang tampo niya kagabi dahil sa natuklasan ay naibsan dahil ito ang una niyang nakita pagmulat pa lang niya ng kaniyang mata.Tinitigan niya ang mukha nito at tumutok ang mata niya sa mahahaba at malalantik na pilik mata nito. Tumaas ang kamay niya at hinawakan iyon ng kaniyang hintuturo. Nanginig ang mga pilik mata nito kaya nangingiting ipinagpatuloy niya ang ginagawa.Napaiktad siya sa gulat nang bigla nitong hulihin ang kamay niya at nagmulat ito ng mata. Humagikgik siya at pilit na binabawi ang kamay."Anong oras na? Bakit ang aga mong nagising?" sa halip ay tanong nito. Pagkatapos ay hinalikan ang likod ng kaniyang kamay."Anong maaga? Eleven o'clock na kaya," natatawang sabi niya at bumangon. Bumaba siya ng kama at nag-inat.
Napaigik si Kelly nang malakas na itulak siya ni Ryker sa kama pag-uwi nila ng mansion. Nagliliyab sa pagkapoot ang mata nito na nakatingin sa kaniya. Mababakas ang takot sa mata na bumangon siya pero napadaing siya at napaluha nang mariing pisilin nito ang baba niya.Nanginginig ang buong katawan niya na hinawakan ang kamay nito pero tinabig iyon ng malaya nitong kamay. Sa lakas ng ginawa nito ay animo mababali na ang braso niya. Mas dumiin pang lalo ang daliri nito kaya malakas na dumaing siya."Ang iyong boses, ang ngiti mo, ang luha mo, lahat ng tungkol sa iyo ay pag-aari ko, Kelly. Malungkot ka man o masaya ay ako lang dapat ang una at huling nagmamay-ari sa'yo. Nasabi ko na sa'yo na inukopa mo ang puso ko at ibig sabihin nun ay mahal kita. Kaya wala kang karapatan na ipakita ang lahat ng 'to sa mga unrelated na lalaki o kahit pa babae 'yon! Naiintindihan mo ba ako??" puno ng pagbabanta at mapanganib na angil nito sa kaniya.Napahikbi siya at pilit na umiiling para bitawan nito a
Pagkalabas nina Caspian at Gemma ng kuwarto ay nagpupuyos ang kalooban na hinablot niya ang unan at malakas na ibinato sa sulok. Gusto niyang magwala at sumigaw pero alam niyang kahit gawin niya 'to ay walang silbi sapagkat iignorahin lamang siya ng mga tao rito sa mansion. Nanggigigil na hinablot niya ang lampshade sa bedside table at ibinato sa dingding. Lumikha iyon ng malakas na ingay nang mabasag iyon. Ngunit hindi siya tumigil at hinablot naman ang isang vase na may bulaklak ng puting rosas. Pero kahit gaano kalakas ang ingay na ginagawa niya ay walang kahit na sino ang nagbukas ng pinto upang tignan siya.Puno ng pagkamuhing matalim na tinignan niya ang pinto habang nagmumura, lalo na ang demonyong 'yon. Kahit pa hindi nito itinuloy ang balak kagabi ay pakiramdam niya niruyakan pa rin nito ang pagkababae niya. Tapos ito pa at ikinukulong siya nito sa mansion. Isa siyang chauvinistic pig at napaka-inhumane.Umiiyak na sinipa niya ang unan sa kaniyang paanan. Marahas na pinunasan
Masagana ang mga pagkain na inihanda sa mesa subalit animo walang lasa iyon. Pati ang paglunok ay napakahirap sa kaniya. Kahit pa tumatawa ang mga kasalo niya ay hindi niya magawang sumali. Hindi niya magawang mag-enjoy.Ang matandang Mondragon ay hindi nakaligtaang lagyan ng pagkain ang pinggan niya. Pilit na ngumiti siya at nagpasalamat pa rin dito."Bakit hindi ka na lang magpatayo ng bookstore sa Hera Mall at ipangalan mo kay Kelly ang ownership, hijo," suhestyon ni Lolo Jones, "sa ganun ay hindi sa company siya magtatrabaho. Last time, pinag-isipan ko 'to noong sabihin ni hija na librarian ang natapos niya. Im sure mas nag-eenjoy siyang ang nasa paligid niya ay mga libro."Biglang napaangat ng ulo si Kelly at gulat na tinignan ang matanda bago sumulyap kay Ryker. Ang weakness niya ay mga libro at hindi niya alam kung paanong nalaman iyon ng matanda. Magkaganun pa man ay hindi siya masaya dahil pakiramdam niya ay itinatali siya ng Lolo ni Ryker. Ngayon niya natanong sa sarili kung
Hindi sa loob ng mansion dumeretso si Kelly kundi sa garden sa may likod. Si Ryker naman ay hindi niya alam kung saang sulok ng mansion na ito pumunta sapagkat nang bumaba ito ng sasakyan ay basta na lang siya nito iniwan.Noong pumunta siya rito ay may nakita siyang outdoor lounge chair sa may ilalim ng willow tree at doon siya nahiga. Para kasing hapong-hapo na siya kaya pinili niyang pumunta rito.Pumikit siya at pinuno ng hangin ang baga niya. Kahit man lang sa oras na 'to ay magawa niyang makahinga ng maluwag sa parte ng mansion na 'to. Ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang mukha ay parang malinis na hangin na madalas niyang pinahahalagahan at minamahal sa Santa Rosa."I miss my family," naluluhang bulong niya at itinaas ang kamay na parang abot niya ang madilim na langit. Wala man lang kahit isang bituin ngayon na makita niya. "Kung pwede ko lang silang makausap kahir minsan lang," dugtong niya.Mariing naglapat ang labi niya para walang makawalang hikbi sa bibi